Chapter 11

369 17 4
                                    

Nagulat nalang ako bigla ng niyakap ako ni Kuya.Di ko alam basta bigla nalang niya ako niyakap.

"Sam"tawag niya sakin na nakayakap parin.

"Kuya di po ako makahinga"reklamo ko dahil sa higpit ng yakap niya kaya di na ako tuloy makahinga.

Nasa ganun kaming ayos dalawa na nagyayakapan ng parang naaamoy kong amoy alak siya.

"Kuya lasing po ba kayo?"tanong ko sa kanya matapos kong maamoy na amoy alak siya.Ngunit tinawanan niya lang ako sabay kalas sa pagkayakap sa akin.

"Kuya?Pwede ba huwag mo na akong tawaging kuya Nathan nalang okay lang ba?"sabi pa nito sakin.

"Kahit na po Kuya parin kayo ni Ethan at matanda po kayo sa akin.Kaya tatawagin parin po kitang Kuya"

"Sam..."

"Sana naman aware ka na gusto kita"diretso na sabi nito sakin na ikinabigla ko di ko alam parang sa oras na yun biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko para akong himatayin sa mga rebelasyong pinagsasabi ni Kuya.

"Kuya lasing po kayo"sabi ko pa sa kanya na natatawa.Kasi this time di ko na alam ang nararamdaman ko.Mayroon kasi sa part ko na dapat akong kiligin dahil inamin niyang gusto ako at sa isa naman dapat akong magalit dahil di tama na magustuhan ako ng Kuya ng mahal ko maling mali.

"I'm not Drunk"nakangising sabi pa nito sakin.

"Alam mo Sam totoong gusto kita.Di ko alam kung kailan nagsimula pero alam kong di ka mahirap mahalin lalo na dahil sa mabait ka nahulog yung loob ko sayo kaya sana..."sabay hawak sa dalawa kong kamay.

"Sana pagbigyan mo ako para diyan sa puso mo kasi ipapangako ko sayo mamahalin kita at yang magiging anak mo kaya ko siyang ituring na akin.Please tanggapin mo lang ako"sincere na sabi nito sakin.

" Kuya lasing lang po kayo" sabay kuha ng mga kamay ko sa paghawak niya.

Naguguluhan ako bakit ang bilis bakit umabot na kami sa aminan portion mali ito at dapat pipigilan ko siya sa nararamdaman niya sa akin.Dahil di to tama di ko na alam ang gagawin ko para na akong mababaliw sa mga nalalaman ko ngayon.

"Kuya bitawan niyo nga ako"sabay waslik ng kamay ko ng bigla niyang abutin ito.

"Kuya naririnig niyo po ba yang mga pinagsasabi niyo ha.Pwede ba kung pwede huwag niyo po ako magustuhan dahil Mali eh.Kapatid po kayo ng Boyfriend ko at mahal na mahal ko po si Ethan walang sino mang lalaki ang papalit sa kanya dito"sabay turo ko sa puso ko.

"Alam kong darating din yung araw na makakalimutan mo na si Ethan at One day marerealize mo rin na mahal mo na ako"matapang na sabi nito sakin.

"Kuya please alam kong lasing lang kayo at mawawala rin yan bukas.Huwag po kayo mag alala di ko po ito ipagsasabi kahit kanino"pangako ko sa kanya.

"Samantha listen I'm serious di ako lasing sinasabi ko lang yung totoong nararamdaman ko para sayo kaya sana maintindihan mo naman ako"alam kong anytime iiyak na siya.

Kailangan ko nga ba siyang paniwalaan.Kasi sa nakikita ko seryoso siya pero bawal to ano nalang ang sasabihin ng mga tao at isa pa may Girlfriend na siya.
Si Ethan lang talaga ang mahal ko wala ng iba at walang sinong lalaki ang dapat na mahalin kahit ito pa yung kapatid niya.Si Ethan lang talaga Si Ethan Si Ethan paulit ulit na itinatatak ko sa isip ko.

"Pwede ba Kuya please Mali to kaya kung wala ka namang importanteng sabihin ay aalis na ako"sabay talikod sa kanya ng bigla niya nalang higitin ang pulsohan ko at ang mas lalo ko pang ikinabigla ay ang bigla niya akong halikan sa labi ko na di ko iniexpect.

Sa oras na ito parang tumigil ang mundo ko ganun ang tibok ng puso ko.Iba ang hatid ng halik nito sa buong sistema ng katawan ko.This time parang kakaiba siyang humalik Oo nagkahalikan din kami ni Ethan pero ito iba di ko lang maexplain kahit di naman ito ang first kiss ko.

PAKK!!!

Dahil nga sa nabigla ako ay nasampal ko siya ng pagkalakas-lakas.Alam kong masakit yun kasi hinawakan niya yung kaliwang pisngi niya na sinampal ko.

"Palalampasin ko po muna ito at sa susunod na gagawin niyo pa po ito sa akin ay di ko na alam baka ano pa po ang magagawa ko sa inyo"galit na sabi ko sa kanya sabay talikod at diretso sa kwarto.

Dali dali akong pumasok sa kwarto ko sabay sarado ng pintuan.Yung tibok ng puso ko ay mabilis parin nagulat talaga ako.

"Kuya!!!"sigaw ko dahil sa inis.Inis na di ko maiintindihan Mahal ko na ba siya?.Pero nafefeel ko lang kasi parang gusto ko ng umiiyak.Siguro nangungulila lang talaga ako ng sobrang sobra kay Ethan at kay Kuya Nathan ko nakikita yung mga katangian ni Ethan.

Di ko alam kulang nalang magtatalon ako sa inis na nararamdaman ko ngayon.Hinawakan ko ang aking mga labi di kasi ako makapaniwala ng hinalikan niya ako.

Sana bukas okay na ang lahat sana talaga di na niya maaalala yung mga pinagagawa niya ngayon.Di ko din alam kong paano ko siya patutunguhan bukas pag magkasalubong kaming dalawa lalo na sa iisang bahay kami nakatirang dalawa.Ayaw kong magiging Awkward kami sa isa't isa bukas bahala na!!!




...
Kakagising ko lang ngayon di talaga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari.

"Hayssst ano ba makabangon na nga"sabay ligpit ng mga higaan ko.

Bababa na sana ako ng naisip ko baka nasa baba si Kuya dahil nga sa ngayon iiwasan ko na siya dahil alam kong awkward pagmagkita kaming dalawa.Napagdesisyunan kong mamamaya na bababa dahil alam kong wala na siya.

Tiniis ko lang yung gutom basta di lang talaga mag krus yung landas namin ngayon ni kuya dahil sa mga pinagagawa niya kagabi nakakahiya.

Medyo matagal tagal na din ako dito sa kwarto siguro kailangan ko ng bumaba lalo na nagugutom na ako pati narin si Baby naaawa na ako sa baby ko kaya buo na desisyon ko na bababa at sana wala na si Kuya nakaalis na siya ng bahay.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng nagulat ako pagkabukas ko ay tumambad sakin ang mukha ni kuya.Para akong nakakita ng multo sa sobrang pagkagulat buti nalang wala akong heart attack dahil pag nagkataon aatakihin talaga ako sa puso.

"Sam tamang tama kakatok sana ako"kaya pala nung bubuksan ko na yung pinto nasa ere yung kamay niya kasi siguro akmang kakatok siya sa pinto.

"Nga pala inutusan nila akong tatawagin kita dahil di ka pa raw nakapag breakfast"sabi nito na nakatingin sa mga mata ko.Napaisip tuloy ako naalala niya kaya yung nangyari kagabi?.

"Ahhmmm....sige bababa na po ako"nauutal na sabi ko sa kanya.

Nakasunod lang siya sa akin pababa ako kasi yung pina una niyang lumakad.

"Sam yung kagabi"biglang sabi nito na ikinatigil namin pareho sa paglalakad.

Jusko naman pinaalala niya na naman eh sa ayaw ko na ngang maalala yun akala ko ba nakalimutan niya na totoo pala ang sabi niya na di siya lasing kagabi.

"Seryoso talaga ako sa mga pinagsasabi ko kagabi"di nga siya lasing kagabi kasi naalala niya.

"Alam niyo kuya nagugutom na po siguro kayo kaya tara na po"yaya ko nalang sa kanya para maiwasan yung ganitong usapan alam ko naman kung ano ang patutunguhan ng usapang ito.

Sabay nadin kaming nakarating sa kusina at lahat sila parehong nakatingin sa amin ni kuya.

"Kumain na kayo"yaya samin ni Tito na kumain na kaya umupo nadin kami sa mga upuan namin para makapag agahan.

Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon