Chapter 2

787 42 13
                                    

HINDI ko maintindihan si James, kung ano ba ang ibig n'yang sabihin sa akin tungkol kay Ethan. Kinakabahan ako na nangangamba sa kung ano man ang nangyari.

“Samantha, si Ethan,” paos na sambit nito na nahihirapan. Dahilan para kabahan ako ngayon. May kung ano sa akin na may hindi magandang nangyari kay Ethan.

“Huh? Anong nangyari kay Ethan?” Naguguluhang tanong ko sa kaniya. Matagal ito bago makasagot. Mabigat na rin ang pag-hinga ko ngayon at hindi ako mapakali.

“Huwag ka sanang mabibigla. Si Ethan kasi....” pinapahaba n'ya pa lalo ang sasabihin n'ya. Nababagot na ako kahihintay kung ano ba talaga ang nangyari kay Ethan at bakit hindi n'ya nalang ako diretsahin ngayon. Napapikit nalang ako sa emosyon na nararamdaman ko ngayon.

‘Yong na-iinis nalang ako bigla. Kinakabahan na nga ako dito at hindi mapakali. Tapos pinapa-suspense n'ya pa. Ang bilis na rin ng tibok ng puso ko ngayon.

“Oo, 'di ako mabibigla. Bakit? ano bang nangyari?!” bagot na ulit kong tanong ko sa kaniya.

Isang bomba ang sunod na salitang binanggit n'ya. “Na-aksidente si Ethan!”

Gano'n na lamang ang paglaki ng mga mata ko at napasinghap ako nang marinig ko kung ano ang nangyari kay Ethan.

“Pumunta ka nalang dito sa hospital sa St. Luke. He needs you right now...”

“A-a-no?” tila parang biglang binundol ng pagka-lakas-lakas ang dibdib ko matapos kong marinig ang lahat. Nanginginig pa rin ako hanggang ngayon na para akong binuhusan ng malamig na tubig at nahimasmasan. Napa-upo ako sa sofa habang hawak ang bibig ko dahil namamanhid ang mga tuhod ko ngayon.

“Hihintayin kita dito, Sam. Baba ko na muna 'to, bye!” Pinutol na ni James ang tawagan naming dalawa. Pero hindi ko ma-i-baba ang cellphone ko ngayon na nasa tenga ko. Naninigas ang kamay ko na hawak itong cellphone. Hindi ako makagalaw at namamanhid ang buo kong katawan.

Napa-awang ang bibig ko. Dahil nahirapan akong huminga. At ang tigas ng bibig ko na hindi ma-i-sara. Wala akong hangin na malalanghap sa mga sandaling ito. Agad kong kinapa ang dibdib ko na nagpupuyos ngayon sa kaba at kalungkutan.

Dali-dali na akong nag-ayos papuntang hospital kung nasaan naroon si Ethan sabi ni James. Wala akong gana gumalaw ngayon. Dahil may after-shock pa akong naramdaman. Ang sakit kasi sa dibdib.

Bakit kailangan pang ma-aksidente ni Ethan? Sumakit din ang tiyan ko ngayon. Kinausap ko 'yong baby namin na sana huwag n'ya muna akong pahirapan ngayon. Dahil kailangan ko pang puntahan ang daddy n'ya sa hospital.


“James, si Ethan?” hanap ko agad kay Ethan pagkarating ko ngayon.

“Nandiyan pa siya sa loob, Sam. 'Di pa lumalabas 'yong doctor, eh. Wait lang muna natin,” malungkot na sabi nito sa akin. Napabuntong-hininga naman ako at napahilamos sa aking mukha.

“B-b-bakit? Ano ba kasing  nangyari?” Naguguluhang tanong ko na hindi ko alam. May namumuo ng mga luha sa mga mata ko ngayon. Tiningnan pa ako ni James na malungkot, bago siya nag-umpisang mag-salita.

“Tapos na 'yong meeting namin with Mr.Perez, na i-close na rin 'yong deal tapos, birthday kasi ni Ivan, remember? One of our friends no'ng high-school. Kaya hayon... Actually, mag-pa-paalam talaga 'yon sa 'yo na mag-i-inuman kami. Kaso baka 'di mo raw siya payagan. Kaya hayon, umuwing lasing. Pero, ayon sa mga pulis. Nawalan daw siya ng preno habang nag-ma-maneho. Kaya nabangga 'yong kotse n'ya sa isang puno.” Nanlumo ako sa mga narinig ko mula kay James. Ang sikip ng dibdib ko ngayon, nahihirapan na naman akong huminga.

Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon