Chapter 14

363 15 2
                                    


"James"tawag ko sa kanya pagkakita ko.Nandito na kasi ako sa Simbahan kung saan gaganapin ang seremonya ng kasal nila.

"Sam buti naman at nakarating ka"sabay yakap sa akin na ginantihan ko naman.

"Oh hey Bro!!! Thank you at nakapunta ka"natutuwang bati nito kay Kuya Nathan na nasa likuran ko.

"Ikaw pa ba"sabay akbay ni kuya sa kanya.

Nga pala alam kong nagtataka siguro kayo kung bakit magkasama kami ni Kuya dumating dito.Kasi isinabay niya na ako papunta dito dahil kasi inimbita din siya ni James at ng tinanong niya ako kanina ng makita niya akong nakabihis ay nalaman kong pupunta din pala siya dito kaya sabi niya sabay nalang daw kami papunta dito.Pareho din kaming dalawa na invited sa kasal ni James.

"Teka lang wait"paalam ni James sa amin ng tawagin siya ng isang Wedding Coordinator na nag assist sa kanilang kasal.

Di rin nagtagal ay nagsimula na yung Kasal.Hangang sa bumukas ang pinto at ang pagpasok ng Bride na magiging kabiyak sa buhay ni James.Makikita mo talaga ang saya sa mukha ng Bride at ang saya habang inaalalayan siya ng kanyang mga magulang papalapit kay James sa magiging asawa niya.Si James ngayon ko lang siya nakitang umiiyak talaga lalo na ng inabot ng Tatay ang kamay ng kanyang anak kay James at may sinasabi pa ito na tinanguan lang ni James.

Ano kaya yung feeling na maikasal?
Kasi ako bata palang ako pinapangarap ko na ito ang maikasal ako sa taong mahal ko at makakasama ko sa pagtanda.Alam kung si Ethan yun siya lang talaga at wala ng iba pero wala na siya.Kaya sa ngayon alam kong malabo na maikasal pa ako at di ko na hinahangad pa ang ganitong bagay kailan man.

Nag start ng mag mesa ang pare at lahat sa kanilang dalawa ang buong atensyon.Ako lang yung nag iisa dito kumbaga wala akong kakilala at si Kuya Nathan nasa kabilang upuan kasama yung dating kaibigan niya na nandito din sa kasal.Tuloy lang yung seremonya ng bigla ako napatingin sa direksyon kung nasaan si Kuya at nagkataon na nakatingin din pala siya sa akin at ako na ang unang umiwas.Ito na naman yung abnormal kong puso tumibok na naman.

Nandito na din kami sa Reception area kung saan nandito ang handaan at dito lahat ng bisita dumiretso pagkatapos ng seremonya sa simbahan.Dahil pagabi na nga at kaunti nalang yung mga bisitang nandidito dahil yung iba ay umuwi na.Nagdecide na din kami ni Kuya na umuwi na din dahil gabi na kaya bago yun nagpaalam muna kami kay James at nag pasalamat.

"Uuwi na kayo?" tanong nito samin.

"Oo gabi na kasi eh" sagot ni Kuya sa kanya.

"Sige salamat guys sa pagpunta"natutuwang  sabi nito samin

" Salamat din sa pag invite at Congrats sa inyong dalawa Best wishes"nakangiting sabi ko sa kanya.

"Congrats ulit bro"sabi sa kanya ni kuya.

"Nga pala kailan mo pa magplanong magpakasal tignan mo inunahan pa kita"biro ni James sa kanya sabay tawa.

"Maybe Someday pag mapapasagot ko na siya"sabay tingin nito sakin kaya kinilabutan ako.Nararamdaman ko na may kakaiba sa mga tingin ni Kuya sa akin at may ibig sabihin.Pero ayaw kong mag assume kaya binanewala ko nalang.

"Yiiiieee sino yan bro akala ko ba napasagot mo na siya diba may Girlfriend ka ngayon huwag mong sabihing kaya di mo siya napasagot dahil binasted ka niya"

" Basta malalaman mo din"

" Basta pag nagpakasal kayo invited ako ha"

" Oo ba ikaw pa"na sinabayan pa ni Kuya ng kindat.

" Hahahahahha asahan ko yan ha"

"Oo.Sige una na kami"paalam ulit ni Kuya sa kanya.

"Okay Inggat kayo dahan dahan sa pag drive ha ingatan mo si Sam"

"Oo palagi ko naman itong ini-ingatan"sabay kindat.

Ano daw palagi niya daw ako ini-ingatan?.Kuya huwag kang ganyan kinikilabutan ako. Tsaka ayaw kong umasa lalo na masasaktan din naman ako sa huli.

"Nabusog kaba?"biglang tanong niya sakin habang naglalakad kami papunta sa kung saan nakaparada ang kotse niya.

"Oo naman po"maraming pagkain ang nakahain kanina kaya nabusog talaga ako.

"Nga pala ang tagal na nating di lumalabas.Ah okay lang ba na yayain kita ulit na lumabas?"

Nagulat ako ng tinanong niya ako kung pwede daw ulit kami lumabas. Siguro pagbigyan ko nalang siya minsan lang naman ito. Basta ayaw ko lang na machismiss kaming dalawa na lumalabas.

"Okay"tipid na sagot ko na nginitian niya lang.

"Sige asahan ko yan auh" tuwang tuwa na sabi niya sakin nakita ko naman ang matamis niyang ngiti.Ewan ko ba kinikilig ako meganon buntis kinikilig?landi ko talaga.

Di rin nagtagal ang biyahe namin at nakarating din kami sa Mansyon.

"Sabay na tayo pumasok sa loob"salita nito sa likod ko kasalukuyan kasi siyang sumusunod sa akin pagkatapos niyang ipark sa garahe ang kotse niya.Sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay hanggang sa sabay kaming umaakyat sa mga baitang ng hagdanan papunta sa itaas kung nasaan ang kwarto naming dalawa na magkatabi..

"Sam matutulog kana ba?"biglang tanong niya sakin.

"Opo kuya bakit?"naguguluhang tanong ko.

"Wala naman.Sige magpahinga kana alam ko naman kasi na pagod ka"

"Kayo rin po"ng nasa harap na kami ng kwarto niya.

Nakatayo kaming dalawa na magkaharap ng bigla itong lumapit ng unti unti sa kinatatayuan ko.Magtatanong pa sana ako ng bigla niyang hilahin ang batok ko papalapit sa kanya at sinunggaban niya ako ng halik sa labi isang mainit na halik.Di ko alam pero namalayan ko nalang kusa kong ginagantihan ang maalab niyang halik naging mapusok kaming dalawa.Patuloy lang kami sa paghahalikan di ko alam kung ilang segundo o minuto ang itinagal ng halikan namin at nasa ganun kami.Dahil this time parang wala kaming pakialam kahit na may makakita pa sa amin.Alam kong kapwa na kami nauubusan ng hangin ng biglang may nagsalita.

"What is the meaning of this!!!!"sigaw ni Ate na nakatingin sa aming dalawa.Dahil doon nagulat kaming pareho at gusto ko ng lalamunin ng lupa sa mga oras na ito dahil sa kahihiyan lagot na talaga kami at di ko alam kong ano na ang iniisip ni Ate.Nakakahiya bakit ako nagpatukso sa mga halik niya ayan tuloy nahuli kami ni Ate.Maling mali talaga itong ginawa namin at ako naman na si tanga hinayaan ko nalang na mangyari to.Naku ayaw ko na talaga mababaliw na ko sa sobrang kahihiyan.

Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon