KAHAPON LANG na-i-uwi ang bangkay ni Ethan dito sa bahay nila. Tulad ng usapan, dito siya ibuburol ng isang linggo. Actually, tatlong araw lang dapat. Ayaw kasi nina tita at tito na papatagalin pa. Pero may mga inaasahang pamilya sila na mula abroad na uuwi para dumalo sa libing ni Ethan, bilang pakikiramay.
Sa ngayon, total wala naman akong gagawin. Nandito ako sa harapan ng kabaong n'ya nakabantay at tulala. Kinukumusta rin ako ng mga kaibigan n'ya, na naging kaibigan ko na rin na nakikiramay.
“Sam,” bati sa akin ni James na umupo sa tabi ko.
“Kumusta?” Tiningnan ko lang siya at 'di na siya nag-tanong pa. Marahil naiintindihan n'ya kung ano ang nais iparating ko sa kaniya na 'di ako Okay.
“Alam mo, napakabait na kaibigan 'yang si Ethan. Ang lungkot lang kasi napakabata n'ya para mamatay,” saad nito habang nakatingin sa kabaong ni Ethan sa harapan.
“Para na n'ya akong kapatid kung ituring,” tipid siyang ngumiti. Pero nakikita ko sa mga mata n'ya ang labis na kalungkutan na para siyang maluluha.
“Alam mo, sa tuwing may problema ako. Siya 'yong tipo ng tao na, isang tawag ko lang. Nandiyan na agad siya para damayan ako.”
“Kung nasaan man siya ngayon. Sana ipagdarasal nalang natin na sana masaya siya,” nagkatinginan kaming dalawa at saka nagkangitian.
“Sana nga, at isa rin sa mga ipinagdarasal ko na, magiging masaya na siya kung saan man siya ngayon.”
Tahimik kami nang biglang umingay ang mga tao na nandidito. Kaya sabay kaming lumingon ni James sa likuran kung saan nang-gagaling ang ingay.
“Siya na ba 'yan?”
“Ohmyghadd! Ang guwapo!”
“Ang laki na ng pinagbago n'ya.”
Ilan sa mga bulong-bulungan na naririnig ko na pinag-uusapan ng mga tao na nandito na parang mga bubuyog.
Kung nag-ta-tanong kayo kung sino ang dumating? Well, 'di ko rin siya kilala. Dahil ngayon ko lang siya nakita. Medyo may hawig siya ng ka-unti kay Ethan. Ewan ko, baka isa ito sa mga pinsan ni Ethan.
“Nathan!” Nagagalak na tawag at sabay yakap ni tita sa kaniya. Gano'n din si tito na sinalubong ang bagong dating.
“Si Nathan, kuya ni Ethan,” biglang sabi ni James na nasa tabi ko pala. Kaya nabigla ako na napatulala do'n sa lalaki. Kaya pala magkahawig sila ni Ethan.
“Alam kong, 'di mo pa siya nakikilala. Dahil 'di pa siya sa 'yo ni Ethan na-ikuwento. Sa totoo lang, doon na siya sa States nag-aral. Katulad ni Ena na ate nila at si Ethan, do'n din dapat mag-aaral. Kung... 'di kaniya nakilala,” medyo na-hurt ako bigla. Ako ang sagabal sa mga pangarap ni Ethan. Maraming oportunidad na dumating sa buhay n'ya, na kaniyang tinaggihan at nilayuan nang naging kami.
“Alam mo naman 'yon. Ayaw mapalayo sa 'yo. Kasi gano'n ka n'ya kamahal. Si Nathan, matagal nang 'di nakaka-uwi dito sa p'inas. Kumbaga, once in a blue moon lang. Lalo na busy siya. Dahil minsan siya na ang uma-asikaso ng mga business nila doon sa States. Siya lang ang maaasahan ni tito. Kahit na si Ena 'yong panganay, na dapat asahan sa kanilang kompanya,” pagku-kuwento ni James sa akin na aking pinakikinggan.
May alam na ako kahit kaunti tungkol sa pamilya ni Ethan na minsan 'di pa n'ya na-ikuwento sa akin.
Tumingin lang ako sa kanila na nagyayakapan na halatang nananabik sa isa't isa. Nang biglang napadako ang mga mata ni Kuya Nathan sa akin. Nagkatingan kaming dalawa at 'di ko alam, parang iba ang dulot ng tingin n'ya sa akin na parang iba ang dating nito na 'di ko ma-explain. Kung ano ba ang ibig sabihin. Naputol lang ang pagtitinginan naming dalawa ng may biglang yumakap sa kaniya na isang matandang babae. Tita nila siguro. Kaya tumingin ako sa ibang direksyon. Parang bumibigat ang aking paghinga ngayon.
BINABASA MO ANG
Soon to be Mrs. Alacantara
General FictionSamantha Rodriguez Babaeng naghahangad na maikasal sa lalaking gusto niyang makasama habang buhay.Unang kilala niya palang sa lalaki ay wala na siyang hinihiling pa kundi ang maikasal at maging...... Soon to be Mrs. Alcantara Started on: February 17...