Chapter 4

562 34 11
                                    

NANDITO AKO ngayon sa bahay ng mga Alcantara. Kung saan, pinatawag ako nila tita at tito para mapag-usapan ang magiging burol ni Ethan.

Sa ngayon, 'di ko pa matatanggap ang lahat na wala na si Ethan. Pati na rin ang kaniyang mga magulang at buong pamilya ay hindi rin matanggap ang kaniyang pagkawala. Dahil sino ba namang ama at ina ang 'di malulungkot matapos sumakabilang buhay ang kanilang anak? Labis ang hinagpis at lungkot na nadarama ng kaniyang pamilya pati na rin ako.

Malungkot ang buong mansyon. Dahil sa labis na pangungulila sa pagkamatay ni Ethan.

“Anastacia ano ba! Pumayag ka na,” pamimilit ni Tito Juan kay tita na wala sa sarili ngayon na labis dinaramdam ang paglisan ng kaniyang anak.

“Basta ayaw ko! Wala ng may makapag-pipigil sa desisyon ko. Gusto ko na ma-i-cremate ang bangkay ni Ethan. Tapos!” Pagmamatigas nito na dapat siya ang sundin at buo na ang kaniyang isipan.

“Mom, listen... Parang 'di naman tama 'yan,” singit ni Ate Ena sa usapan ng mga magulang nito. Para mag-bigay ng kaniyang mungkahi. Binalingan naman siya ni tita ng masamang tingin.

“Ena, nakapag-desisyon na ako. Kaya wala ng may mag-ba-bago.” Natahimik kaming lahat dito na si tita na ang batas na dapat sundin.

“Mom, makinig ka kasi sa akin. Kaya 'di tayo nagka-kaintindihan, eh. Please mom, pakinggan mo naman ako,” pagsusumamo ni ate na dapat siyang pakinggan ni tita.

“ANO BA ENA! PAULIT-ULIT!” Naghihimutok sa galit na sigaw ni tita kay ate. Ramdam na ang tensyon ngayon dito. Naging tensyonado na.



“Honey, please makinig ka naman sa anak mo, sa amin. Para mag-kaintindihan tayo,” pakiusap na paliwanag ni tito. Lahat kailangan ng pakiusap para lang pakinggan ni tita, na gusto siya ang masusunod.



“Mom, kung talagang gusto mong i-cremate ang bangkay ni Ethan, ay 'di ako papayag alam n'yo kung bakit? Kasi unfair! Ang unfair do'n sa side ng mga kaibigan n'ya at lalo na sa mga kamag-anak natin ang ideya mong 'yan, mom. Kaya please, gusto ko na bigyan natin ng magandang libing si Ethan at pati na 'yong mamahaling kabaong para sa kaniya ay dapat mahal. Kahit na sa huling sandali, masisilayan man lang siya ng mga malalapit sa kaniya. Kaya, Mom. Please... huwag n'yong i-cremate ang bangkay ni Ethan huwag n'yong gawing abo.”

“Honey, tama si Ena. Nang sa gano'n, masilayan man lang siya ng mga malalapit sa kaniya sa huling sandali ng kaniyang pananatili dito,” pagsang-ayon at pamimilit ni tito.

“Hindi n'yo ko naiintindihan....” Bigla nalang may tumulong luha mula sa mga mata ni tita. Umiiyak siya.

“Hindi! Dahil kahit sino.... Kahit sinong ina-- Ayaw makita na ang anak n'ya ay nasa KABAONG nakahimlay!  At walang buhay! Ang sakit no'n para sa akin. Kaya ayaw ko, gusto kong i-cremate at maging abo ang kaniyang bangkay. Para walang sakit akong mararamdaman. Una, makita ko lang ang anak kong nakahimlay sa higaan n'ya ay 'di ko na kaya. 'Yon pa ba ang nasa kabaong na siya? Ang sakit! Sobrang sakit.... parang madudurog pati kaluluwa ko. Kaya sana maintindihan ninyo ako.”


Tahimik lang ako dito. Nakikinig sa mga hinaing nila at usapan. Nasa morgue pa kasi ang bangkay ni Ethan. Dahil nga sa pinag-iisipan at pinagtatalunan pa ng pamilya n'ya, kung paano ma-ilibing ang kaniyang bangkay.

Pero sa huli, wala ng may nagawa si tita. Pumayag nalang siya na 'di na i-cremate ang bangkay ni Ethan. Kung hindi, ma-ilagay ito sa kabaong at ma-iburol ng maayos.

Nag-decide rin sila na dito sa mansyon ibu-burol ng ilang araw si Ethan. Bago i-hatid sa kaniyang huling hantungan. Okay na rin sa akin 'yon. Basta ang importante, ma-iburol lang ng maayos si Ethan.

Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon