Chapter 10

435 20 5
                                    

Dahil 5 months na akong buntis,Yes ganun kabilis lumipas ang mga araw.Naghahanda ako ngayon kasi ito yung araw na malalaman ko na ang gender ng baby ko.Kagabi tinawagan ko na si Julia para samahan ako ngayon kay Doctora.

"Sam"tawag sa akin ni Tito kakababa ko lang kasi.

"Sabay kana samin halika"kaya sumabay na ko sa kanila kumain ng agahan.

"Nga pala may lakad ka?"tanong ulit ni Tito

"Yes po Tito may appointment po kasi ako ngayon kay Doctora"

"Samahan na kita Sam"singit ni Kuya.

"Naku wag na po at tsaka kasama ko po naman si Julia"dahilan ko.Sana talaga di niya maisip na iniiwasan ko siya mahirap na.

"Mom diba may ipapagawa ka kay Nathan ngayon"singit ni Ate.Ramdam ko na galit siya sa akin lalo na masama ang tingin niya sa akin.

"Ah wait di ko pa nasabi sa kanya mamaya nalang"si Tita sabay tingin sa akin.Alam kong nakahalata na si Tita sa amin ni Nathan.Kaya tuloy lang kami sa pagkain habang nag uusap sila.

"Sam"tawag ni kuya sakin nasa labas na kasi ako ng gate ng hinabol niya ako.

"Sure kabang di kita sasamahan"nag alalang tanong nito.

"Opo at tsaka kasama ko naman po si Julia"sabay ngiti.

"Sige.Ingat"napipilitang sabi niya na tinanguan ko lang at buti nalang may kotse na huminto sa harapan ko kaya sumakay na ako at di ko na nilingon pa si Kuya.

Feeling ko lalong lumalala yung nararamdaman ko para sa kanya.Minsan kung pwede ko siyang iwasan ay ginagawa ko ng di niya nahahalata.

"Nandito kana pala"bungad ko kay Julia hinintay kasi ako nito sa waiting area ng Hospital tulad ng pinag usapan naming dalawa.

"Kanina kapa ba sorry ah"hinging tawad ko.

"Actually kakarating ko lang "sabay ngiti niya.

"So tara na"yaya ko sa kanya sabay punta sa kung saan ang Opisina ni Doctora.

"Congratulations Ms. Rodriguez it's a Baby Girl"tuwang sabi ni Doctora.

Alam mo yung tuwa na di ko maexplain na parang nasa heaven ako.Yes ganun ako kasaya ng malaman ko ang gender ng Baby ko.Excited na din akong maisilang siya at makita siya balang araw.

"Hello Baby"sabi ko sabay himas sa tiyan ko.Tiningnan ko rin yung nasa Monitor and Im so happy and excited lalo na nakikita ko yung maliit na supling na nasa tiyan ko sa ultrasound.

Masasabi ko talagang isa siyang Angel and I gonna promise magiging mabuting ina ako para sa kanya.Di ko alam tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko dahil sa galak at lalo na masasabi ko talagang excited na excited na ako na maisilang ko siya sa mundong ito.Malapit ko na din siya masisilayan mga apat na buwan.

"Sam tignan mo oh.Magiging Ninang na ako"tuwang tuwa na sabi ni Julia sabay turo sa monitor makikita yung baby ko.

"Julia"naluluhang sabi ko sa kanya dahil tuwang tuwa ako.

"Myghadd Sam ang saya ko ngayon"natutuwang sabi nito sakin.

"Di na ko makapaghihintay pa Julia magiging Mommy na ko"tuloy parin ako sa pagluluha na nginitian lang ni Julia.

"Ms.Rodriguez iniinom mo ba yung mga vitamins na nereresita ko sayo"

"Yes po Doctora"

"Okay next week balik ka dito para mamonitor ko pa lalo yung health niyo ni Baby"paalala nito na tinanguan ko lang.

"Sige po Thank you po ulit Doctora"sabi ko tapos nagpaalam na rin kami na aalis pauwi.

"Finally its a Girl"tuwang sabi ni Julia pagkalabas namin ng Hospitals.

"Oo nga alam mo ba ang saya saya ko talaga"tuwang tuwa din na sabi ko.

"I'm so happy for you Sisteret"sabay hug nito sa akin na ginantihan ko naman sa huli.

"Basta Ninang ako ha"excited na sabi nito.

"Oo naman ikaw pa ba"sabay ngiti.

"Tara sa mall bibilhan na natin ng gamit si Baby"na ikinabigla ko naman.

"Ano kaba di pa naman lumabas si Baby eh at tsaka nakakahiya naman sayo"

"Mas mabuti ng handa at tsaka magiging inaanak ko naman siya.Ano kaba huwag ka ngang hiya minsan lang to noh"sabay kindat niya sakin.

"Sige na nga"pagsang ayon ko sa kanya.Pagkatapos sa Mall na kami dumiretso mga ternong damit pang baby,lampin na kulay pink na para sa babae lahat ang binili ni Julia na siya rin ang magbabayad.

Di rin kami nagtagal ni Julia sa mall niyaya niya din akong kumain sana kaso tinanggihan ko lalo na nahihiya ako sa kanya ang dami niya ng nagastos lalo na sa mga gamit ni Baby.

"Sige ingat bye"sabay sarado nito ng pintuan ng kotse.Hinatid kasi niya ako hanggang sa siya na ang pumara ng kotseng masasakyan ko pauwi.

"Sige thank you ulit bye.Ingat"sabay kaway ko sa kanya bago umandar ang kotse paalis.

"Ito bayad ko Kuya salamat po"sabay abot ng bayad ko bago bumaba sa kotse.

"Maam ako na po magdadala niyan"pag presinta ng isang katulong sa akin ng sinalubong niya ako pagkatapos kong makababa sa kotse

"Sige po pakihatid nalang po sa kwarto ko"utos ko sa kanya na sinunod niya naman.

"Salamat po Manang"pagkalapag niya ng mga dala ko sa kama.

"Sige una na po ako Maam"paalam ni Manang sakin bago lumabas ng pinto na tinanguan ko lang.

Iniligpit ko muna lahat ng mga pinamili ni Julia kanina.Masayang masaya talaga ako lalo na alam kong babae ang pinagbubuntis ko ngayon.

"Hello Baby girl"sabay himas ko sa tummy ko.

"Ano kaya magandang ipangalan ko sayo"nag iisip na sabi ko.

Pagsapit ng gabi ay sumabay ako sa kanila maghapunan.Sina Tita,Tito at Ate lang ang kasama ko wala si Kuya siguro nga may ginawa pa siya katulad ng sabi kanina ni Tita na may iutos daw ito kay Kuya at yun ang hindi ko alam kung ano baka about sa business siguro.

Pagkatapos kumain ay umakyat na din ako sa kwarto para makapagpahinga.Sa ngayon marami akong iniisip tulad ng magandang pangalan na ipapangalan ko kay baby. Sa aking pag iisip naaalala ko may gamot pala akong iinumin ngayon na neresita sa akin ni Doctora kanina na nakalimutan ko kaya agad ko itong kinuha para inumin.

Kaya lang walang tubig napagpasyahan kong bumaba muna para kumuha ng tubig at mainom ko ang gamot ko.

Pagkatapos ko ng mainom ang gamot ko ay naglakad na ko paakyat pabalik sa kwarto ko

Habang patungo sa kwarto ko ay nabigla ako ng biglang bumakas ang pinto ng kwarto ni Kuya na nadaanan ko nga pala magkatabi lang kasi yung kwarto nila ni Ethan.

"ANO BA DI KA BA NAKAKAINTINDI!!!!"sigaw nito sa kausap niya sa cellphone na ikinabigla ko.Nakatalikod kasi siya sa akin ngayon habang may kausap sa cellphone niya na di ko marinig kung sino at galit nga siya lalo na sa mga galaw niya.

"Please naman intindihin mo naman ako ngayon dahil sawang sawa na talaga ako.Please give me a time para mag isip"galit na tono na pakiusap nito sa kausap niya sa cellphone.

"Ano ba kasi ang hindi mo maintidihan ng maipapa-intindi ko sayo para magkaintindihan tayong dalawa"

"Haysst please..."sabay hilot nito sa noo niya dahilan ng kanyang pagkalingon sa direksyon ko kung saan nakita niya ako na nasa likuran niya na ikinabigla niya ng husto.Kasi makita mo talaga sa mukha niya ang pagkabigla lalo na yung biglang lumaki ang dalawang mata niya.In short para siyang nakakita ng multo.

"Sam"gulat na tawag niya sakin sabay baba ng cellphone niya.Mas lalo naman akong nagulat ng niyakap niya ako bigla.

Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon