KAGIGISING ko lang. Dahil sa biglang tumunog ang cellphone ko na nagpagising sa akin. Text message na galing sa unknown number.
Nang binasa ko. Naisip ko na si Kuya Nathan nag-text sa akin. Nilagay n'ya pangalan n'ya at ipinaalam n'ya sa akin na kita raw kami mamaya sa restaurant na nilagay n'ya rin sa kaniyang text.
Binigay ko sa kaniya cellphone number ko kagabi nang hingin n'ya. Seven o'clock na ng umaga ngayon. Kaya agad na akong bumangon para makapaghanda sa pagkikita namin mamaya ni Kuya Nathan.
“Hi,” ngiting bati ko sa kaniya pagkadating ko restaurant na t-in-ext n'ya sa akin kanina. Kaya nginitian n'ya ako at inalalayan na makaupo sa upuan na nasa harapan n'ya.
“By the way, nakapag order na ko ng pagkain natin,” pahayag nito na aking tinanguan. Naka-upo na kami pareho na magkaharap.
“Nga pala, nakapag check-up ka na?”
Biglang tanong nito na hindi ko inaasahan at nabigla ako. Rare kasi ng mga ganitong question for me.
“'Di pa po. Siguro mga next week. Last kasi na check up ko, kasama ko pa si Ethan,” naalala ko si Ethan. Kaya nalungkot ang aking buong mukha.
“Alam mo, puwede kitang samahan, I can hire a good OB-Gyne to check you.” Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito na naka-ngiti. Shock! Unexpected, hindi ko lang inaasahan na ayain n'ya ako ngayon.
“Naku, nakakahiya naman po, kuya. Huwag na po at saka nandiyan naman po si Julia. Kaya 'wag na po kayo mag abala pa,” ngiting ani ko sa kaniya. Tiningnan n'ya lang ako.
“Si Julia 'yong kaibigan mo?”
“Opo, parang kapatid ko na rin po siya.”
“Ah Okay. Pero sa akin lang naman, Sam. Pamangkin ko naman siya kaya, okay lang na mag-alala ako. It's also my concern I hope you understand.”
“Sorry, nahihiya lang po kasi ako,” bigla n'ya naman akong nginitian.
Sa totoo lang, hindi n'ya naman ako obligasyon. Kaya ako ay nahihiya talaga. Baka magalit na naman ang mommy n'ya sa akin. Kaya ko naman. Hindi ko na need ang tulong n'ya kung maaari. Bago lang naman kami nagkakilala. Pero mabait siya.
“Well, 'di kita pipilitin kung 'yan ang gusto mo. Basta ang sa akin lang, willing talaga akong tumulong sa 'yo at lalo na sa pamangkin ko. Mostly in financial. Kaya sana huwag kang mahiyang kausapain ako dahil nahanda akong tumulong,” para siyang tatakbo na hindi ko alam sa kung anong posisyon.
Talagang sincere siya sa mga salitang binibitawan n'ya. Para sa akin, madaling mapagkatiwalaan si kuya kasi napaka seryoso n'ya kausap at lalo na sa mga galaw n'ya, ay alam ko talaga na 'di ako mapapahamak sa kaniya.
“Sige po naiintindihan ko po kayo.”
“Tara na let's eat!” Dumating na ang in-order nitong mga pagkain na aming pagsasaluhan ngayon.
Kumain lang kami at syempre, 'di mawawala ang kuwentuhan naming dalawa. Marami siyang kinuwento sakin tungkol sa kanila ni Ethan, mga alala nilang dalawa nang bata pa sila.
“Thanks nga po pala kuya. Nabusog po ako,” pagpapasalamat ko sa kaniya bago buksan ang pintuan ng kotse para bumaba. Kauuwi lang namin ngayon dito sa bahay galing sa restaurant.
“You're welcome. Alam kung nabusog ka naman, kayo ni baby,” ngiting aniya na agad kong nginitian.
“Super!” nagagalak kong hiyaw sa tuwa.
“Una na po ako,” pagpa-paalam ko na tinanguan n'ya. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumiretso na ako sa kuwarto upang makapagpahinga.
BINABASA MO ANG
Soon to be Mrs. Alacantara
General FictionSamantha Rodriguez Babaeng naghahangad na maikasal sa lalaking gusto niyang makasama habang buhay.Unang kilala niya palang sa lalaki ay wala na siyang hinihiling pa kundi ang maikasal at maging...... Soon to be Mrs. Alcantara Started on: February 17...