5 months na si Baby Amara.Limang Buwan na din ang lumipas simula ng totohanin ni Kuya ang sabi niyang siya ang aalis sa Bahay.Nagising na lamang ako ng umaga na yun ng marinig ko ang usapan ng mga kasambahay tungkol sa pag alis ni Kuya sa Mansion.
Sa limang buwan na yun Never siyang pumupunta dito sa Mansyon pero naririnig ko rin kina Tita na maayos raw siya doon sa Condo niya at syempre maririnig ko rin na magkasama daw sila minsan ni Kailee.
Aminin ko man pero may parte sa damdamin ko na namimiss ko na siya.Noong umalis si Kuya doon ko naramdamang mahal ko na talaga siya at ayaw kung lumayo siya sa buhay ko.
"Hello Baby"si Julia na kararating lang dito kasi kami ngayon sa kwarto.
"Mabibinyagan na si Baby this time Oh ang Cute cute naman ng Baby ko ohh"pag aalo nito kay Baby.
Yes Ngayong araw na ito Bibinyagan si Baby Amara. Lahat ay gastos sagot nila Tita.Si Ate Ena ang nagprepare lahat dahil gusto niyang Engrande talaga ang binyagan ngayon ni Baby Amara kaya di na ko kumuntra at hinayaan nalang sila na magdecide.
"Nga pala aatend si Kuya mamaya?"tanong ni Julia na may halong ngiti.
"Di ko alam yung bunganga mo baka may makarinig"saway ko dito .
"Nagtatanong lang po"sabay peace sign niya.
"Bumaba muna tayo baka nariyan na si Father"
Pagkababa namin ay nariyan na si Father para sa pagsimula ng Binyagan.Marami rami narin ang mga taong dumalo.Lahat Family ni Tita at Tito yung iba Friend.May ilan din sa pamilya nila Ethan na nagtanong kung bakit di ako sumama noon sa Family Reunion nila na nginitian ko na lamang.May ilan ding ngayon lang daw nila ako nakilala na naging Girlfriend ni Ethan.
Pagabi na this time at maraming tao na ang nagsiuwian kaya konti nalang ang natira.
"Sam uwi na ko ha"pagpapaalam ni Julia.
"Sige hatid na kita.By the way Thank you pala"
"Naku wala yun Ano kaba"hiyang sabi nito.
Nandito na kami sa Gate kung saan sinamahan ko siya kasi susunduin daw siya ngayon ni Richard.
Nasa ganun kaming ayos ng may biglang nagbusina.
"Oh nandiyan na pala siya sige bye"sabay flying kiss nito matapos makita si Richard.
"Hi Samantha Sorry di ako naka attend ng binyag ni Baby Amara don't worry babawi nalang ako sa susunod"sabi ni Richard na kababa lang ng kotse niya.
"Okay lang basta dapat marami kang gift para sa inaanak mo sa susunod"biro ko pa na nginitian niya lamang.
Si Richard at Julia ay naging Ninang at Ninong ni Baby Amara ganun rin si James remember ang kaibigan ni Ethan.Actually nandito sila kanina pero di rin sila nagtagal ng asawa niya dahil may Flight pa silang pa Singapore.
"Sige una na kami"pagpapaalam nilang dalawa na tinanguan ko na lamang at kinawayan.
Matagal akong nakatayo sa labas ng gate ng biglang may bumusina na sasakyan sa harapan ko.Laking gulat ko ng bumaba bigla sina Kuya kasama si Kailee.
"Kuya"nakangiting bati ko sa kanila.Pagod na nginitian ako ni Kuya samantalang si Kailee naman ay masama akong tiningnan na pinagtataka ko kung bakit ganun.
"Pasok muna kayo sa loob"alok ko sa kanila.
"Si Baby Amara?"tanong ni Kuya.
"Kina ate po Kuya"sabi ko.
"Let's go Hon"mataray na sabi ni Kailee sabay irap sa akin.
Di nagtagal ay sumunod din ako sa kanila pumasok sa loob.
"Kailee iha"natutuwang bati ni Tita Kay Kailee sabay beso.
"Bakit ngayon lang kayo?"tanong ni Tita sa kanila.
"Si Nathan po kasi Tita eh"nahihiyang sabi ni Kailee na kinikilig.
"Yiiee kayo ha hali kayo mag dinner mo na kayo"alok ni Tita sa kanya.
Umakyat na ako sa kwarto ko dahil sa napagod ako kanina hihiga muna ako para marelax ang katawan ko ng may biglang kumatok at walang iba kundi si Ate na bitbit si Baby.
"Sige Thank you po Ate"sabi ko sa kanya sabay kuha kay Baby.
"Well I know na pagod ka kaya doon muna si Baby Amara sa akin"alok nito.
"Ha?Huwag na po baka maabala po kayo"
"No magpahinga kalang muna diyan ako ng bahala kay Baby"sabay smile ni Ate at kuha kay Baby.Kaya pumayag nalang ako.
"Sige Bye Mommy"sabi nito sabay hawak ng kamay ni Baby na kinakaway at natuwa nalamang ako.Nang makaalis na sila at humiga ako ulit at di ko namamalayan nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.
Pagkagising ng umaga ay naligo muna ako bago lumabas ng kwarto ko.Pagkatapos ay bumaba na ako at naabutan kong karga ni Ate si Baby sa Sala.
"Ate ako na po sorry po talaga"hinging tawad ko.
"Its Okay Sige alis muna ako"sabay kiss sa pisngi ni Baby.
Dinala ko na si Baby sa Kwarto ko para patulugin at di nagtagal nakatulog rin ito.
Nakahiga ako sa kama ng biglang mag ring ang phone ko.Kaya kinuha ko ito at nakapagtakang Unknown Number. Nagtataka man at sinagot ko ito dahil baka importante.
"Hello"sagot ko.
"Its me Kailee magkita tayo sa Restaurant isesend ko sayo yung address"sabay baba niya ng tawag.
Nakapagtataka man pero Bakit kailangan naming magkitang dalawa.
Ibinilin ko si Baby kay Manang at nagdecide na pumunta sa Restaurant na isenend ni Kailee kung saan daw kami magkikita.
Di rin nagtagal ay nakarating ako at buti na lamang pagpasok ko ay nakita ko agad si Kailee.
"Hi"bati ko sa kanya pagkadating ko.
"Umupo ka muna Nakapag order na ako Maya maya nandito narin yun"
"Nga pala Bakit ka pala napatawag?"tanong ko dito.
"Well diretsahin na kita.Alam kong may namamagitan sa inyong dalawa ni Nathan"
"Ha"takang sabi ko na may pagkagulat.
"Aware ka naman siguro na ako ang Fiancee niya at malapit na kaming ikasal"
"Teka di kita maiintindihan"takang tanong ko.
"Alam kong mahal ka niya.At please mahal ko rin siya.You know what lagi siyang lasing at ang pangalan mo Samantha ang palagi niyang binabangit kapag lasing siya.Pero alam mo kung ano ang Masakit ha?"naiiyak na tanong nito.
"Ako na nandiyan sa tabi niya pero ikaw ang bukambibig niya.By the way We are living on his Condo matagal na kaming magkasama kasi you know para magkamabutihan kaming dalawa total malapit naman kaming ikasal"sabi pa nito.
"Kaya habang maaga pa please lang kung lalapitan ka niya iwasan mo siya.At pag umamin siya sayo please reject him"nagmamakaawang sabi nito sa akin.
"Alam mo matagal ko na yang ginagawa.At bakit di siya ang pagsabihan mo ha?"matapang na sabi ko dito.
"Kaya tigilan mo na ako"sabi ko sabay tayo.
"Gawin mo lang ang sinabi ko kung ayaw mong malaman nina Tita ang namamagitan sa inyong dalawa I swear"masakit niya akong tiningnan na ginantihan ko naman.
Umalis na ako palabas ng Restaurant at doon tuluyang tumulo ang mga luha ko kaya kusang tumulo ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Soon to be Mrs. Alacantara
General FictionSamantha Rodriguez Babaeng naghahangad na maikasal sa lalaking gusto niyang makasama habang buhay.Unang kilala niya palang sa lalaki ay wala na siyang hinihiling pa kundi ang maikasal at maging...... Soon to be Mrs. Alcantara Started on: February 17...