Ngayong araw na ito ay Birthday ni Baby Amara at mag iisang taon na siya.Oo ganun kabilis ang paglipas ng mga panahon.Nandito kami ngayon sa Mansyon dahil dito gusto ipagdiriwang ni Tito ang Birthday ni Amara.Sa una di talaga ako papayag pero pinilit aoo ni Tito na siya na daw ang bahala sa lahat ng gastusin at alam naman daw ni Tita kaya pumayag nalang ako dahil napakabait ni Tito para tanggihan.
"Happy Birthday to you,Happy Birthday to you Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday Baby Amara"awit ng lahat ng nandidito at pagkatapos hinipan na ni Baby Amara ang kandila na nasa cake niya habang binubuhat siya ni Nathan.
"Yehey!!!"sabay palakpakan ng lahat matapos maihipan ni Baby Amara ang kandila.
May konting Program pa at may mga games para sa mga bata na nandidito at pagkatapos ay kumain na ang lahat sa handang ihinain.
"Baby Gift ko para sayo"si Richard na kararating lang nila ni Julia.
"Thank you Ninong"sabi ko sabay abot ng regalo nito.
"Hep hep hep may gift din ako noh"singit ni Julia sabay abot ng regalo nito para kay Baby Amara.
"Thank you Ninang"sabi ko.
"Akin muna si Baby"sabay kuha ni Julia kay Baby dahil alam niyang nahihirapan na ako sa mga bitbit kong regalo na galing sa kanilang dalawa.
"Kain muna kayo"alok ko sa kanila.
"Mamaya nalang"nakangiting sabi ni Richard.
"Sige iwan ko muna kayo dito"pagpapaalam ko sa kanila na tinanguan naman nilang dalawa. Ilagay ko lang yung mga regalo doon sa kwarto.Pagkatapos ko ng mailagay ay lumabas nadin ako pababa papunta sa kusina dahil may kukunin lang ako doon.
Pagkababa ko palang ng hagdan ay naabutan ko si Tita sa sala na nakaupo habang kausap ang isa sa mga Amega niya siguro.Tiningnan niya lang ako pero nginitian ko lang siya na naging dahilan ng pagkatulala niya sakin na di ko alam kung bakit.Para kasi siyang nakakita ng multo.Kaya agad na akong dumiretso sa kusina para kunin ang dapat kung kunin,syempre ang cellphone ko na naiwan ko kanina dito habang naghahanda ng mga pagkain.
Matapos kong makuha ang cellphone ko ay bumalik na din ako sa labas kung saan iniwan ko si Baby Amara kina Julia.Masyadong engrande talaga ang Birthday Party ni Baby Amara at lahat ng ito gastos ng mga Alcantara.Dahil daw unang apo nila si Baby Amara kaya dapat daw engrande talaga ang pagdiriwang.
"Babe Okay kalang" tanong ni Nathan na kararating lang.Umupo ito sa tabi ko kung saan nasa harapan namin sila Julia habang kalong si Baby Amara.
"Oo naman bakit?"balik na tanong ko.
"Nothing. Si Baby?"
"Heto ooh"singit ni Julia sabay kuha ng kamay ni Baby at kinakaway ito.
"Nandito pala kayo.Teka kumain na ba kayo?"tanong sa kanilang dalawa ni Nathan.
" Sige gutom na din kami.Baby doon ka muna kay Mommy" sabay halik sa pisngi ni Baby tapos inabot niya sakin na kinuha ko naman.
"Kuha na kayo ng pagkain tapos balik kayo dito auh dito na din kayo kumain"
" Okay sige kuha muna kami ng pagkain namin."
"Ako muna ang magbuhat kay Baby.Baby come to Daddy"sabay kuha nito kay Baby Amara.
" Grabe akala ko ba diet ka" tukso ko kay Julia dahil puno ang plato nito ng pagkain na pinagtataka ko kasi kaunti lang yung kinakain niya.
"Pake mo ba" sabay irap.
"Hahahahahha joke lang to naman"
"Babe naman hayaan mo na nga si Julia" saway sakin ni Nathan.
"Diet kasi siya nasanay akong nakikita siyang kaunti lang yung kinakain.Pero sa totoo lang Sis para kang buntis"biro ko pa sa kanya kaya napabaling ang tingin nito kay Richard na katabi niya.Teka parang may something sa kanilang dalawa ah.
Sumapit ang gabi ng kaunti nalang ang mga bisitang nandidito habang yung iba ay umuwi na.
"So paano mauna na kami"paalam ni Julia.
"Okay ingat kayo"sabi ko sa kanila.
"Sige salamat ulit bye.Ingatan mo si Baby Amara auh"sabay kaway pa nito.
Kaya kumaway na din ako sa kanila hanggang sa makalayo yung sinasakyan nilang kotse.Pagkatapos ay pumasok nadin ako sa loob ng Bahay at naabutan ko si Tita na sa Sala.
"Tita"bati ko sa kanya na tinignan niya lamang ako.Di ko mahulaan ang awra na meron siya ngayon.
"Si Amara"tukoy nito sa apo niya.
"Kay Nathan po"sagot ko na tinanguan niya lang.Okay na yun at least kinausap niya ako.Umakyat na din ako sa itaas kung nasaan sila Nathan.
"Babe.Umuwi na sila Julia"tanong nito.
"Oo umuwi na sila"
"Halika na tulog na tayo"
" Sige.Teka pinatulog mo na ba si Amara?"
" Oo kanina pa siya tulog"sabay ngiti.
Di kasi kami pinayagan ni Tito na umuwi dito muna daw kami matulog ngayong gabi dahil delikado daw ang bumiyahe ngayong gabi lalo na kasama namin si Baby Amara.
Humiga na din ako sa tabi ni Nathan idinantay nito ang braso niya na inihigaan ko at niyakap niya ako.Nakadantay ang braso ko sa bewang niya ganun din ang isang braso nito sa bewang ko.
"Goodnight Babe"bulong nito sa tenga ko.
"Goodnight"kinikilig na sagot ko sa kanya.
"I Love you"bulong pa nito ulit na dahilan ng pagkatahimik ko kasi this time feeling ko nagblu-blush na ako sa kilig.
"I Love you too"sagot ko tapos hinalikan niya ako sa noo ko na ikinilig ko naman.Narinig ko din ang tibok ng puso niya kasi malapit ang tenga ko sa dibdib niya.Kaya napangiti ako.Kinikilig ba siya?Nakita ko ring may sumilay na ngiti sa mga labi niya na siyang dahilan ng pagkangiti ko.Di rin nagtagal ay nakatulog akong nakaunan sa bisig niya.
Nagising akong may nararamdamang humahalik sa pisngi ko.
"Good morning"si Nathan matapos kong maidilat ang mga mata ko.Nag inat muna ako sabay hikab at bumangon.
"Good Morning"bati ko din sa kanya.
"Si Baby?"tanong ko ng di ko nakita si Baby Amara.
"Sa baba nandun kay Mommy"sabi nito kaya natuwa ako.
"Don't worry di naman siya pababayaan ni Mommy.Nga pala si Manong na ang maghahatid sa inyo may Pasok pa kasi ako"sabi nito doon ko lang napansin na nakabihis pala siya ng pang opisina.
"Teka"tawag ko sa kanya matapos makitang di maayos ang pagkalagay nito ng necktie.
Tumayo ako para lapitan siya nagtataka naman niya akong tiningnan.Inayos ko muna ang kwelyo ng damit niya pagkatapos ang necktie niya.
"Sweet naman ng Babe ko"tuwang sabi nito.
"Okay na"sabi ko matapos ayusin ang necktie niya.
"Thank you"sabay halik na smack sa labi ko na ikinagulat ko kaya dali-dali kong tinakpan ang bibig ko.
"Myghosh di pa ako nakamumog"totoo po yan at nahihiya ako paano nalang kung may morning breath pa ako.
"I don't care kung Bad Breath ka,Tumutulo laway mo or may muta kapa.I don't care cause I love you"sabi nito na naging dahilan ng pagkabilis ng pagtibok ng puso ko.Aaminin ko kinilig ako feeling ko nga pulang pula na ang buo kong pisngi sa sobrang kilig.
"Pano una na ko"sabay beso sakin.
"Sige Ingat ka"
"Sure mamahalin pa kasi kita" natutuwang sabi nito.
"Ang Corny mo ha"biro ko na sinabayan niya pa ng pout.
"Alis ka na nga"natutuwang pagtataboy ko sa kanya.
"Bye Babe"sabay halik ulit nito sa pisngi ko pagkatapos ay umalis na din siya.
BINABASA MO ANG
Soon to be Mrs. Alacantara
General FictionSamantha Rodriguez Babaeng naghahangad na maikasal sa lalaking gusto niyang makasama habang buhay.Unang kilala niya palang sa lalaki ay wala na siyang hinihiling pa kundi ang maikasal at maging...... Soon to be Mrs. Alcantara Started on: February 17...