Chapter 3

647 36 14
                                    

HANGGANG ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Kung paano ko nakita ang daliri ni Ethan na biglang gumalaw. Kung paano siya nag-react sa pagsusumamo ko sa kaniya.

Alam ko na may chance na magigising talaga siya at mag-kasama kami muli. Nararamdaman ko.

“Nandito kana pala, kain na,” aya ni Julia na nag-ha-handa ngayon ng aming almusal. Dito kasi ako sa condo n'ya natulog dahil ayaw kung umuwi sa bahay. Wala akong kasama at mag-isa lang ako doon. Lalo na nasa hospital si Ethan.

“Dapat may laman 'yang tiyan mo kung aalis ka. Dahil dalawa na kayo, na gets mo ba ako?” paalala nito sakin na nginitian at tinanguan ko. Sabay na kaming dalawa kumain ngayon.

Nandito na ako sa hospital 'di na ako nagpasama pa kay Julia. Dahil alam kong may trabaho pa itong a-asikasuhin. Alam ko naman kung nasaan ang kuwarto ni Ethan. Excited na akong makita siyang muli at sana gising na siya. Dahil nararamdaman ko ang kaniyang mabilis na pag-galing.

“Oh! Bakit, bakit ngayon ko lang nakita 'yang pagmumukha mo dito at may gana ka pa talagang dalawin ang anak ko ngayon, ha?” ang mommy ni Ethan. Heto na naman siya kaya 'di ko nalang sinagot para okay.

Nabigla talaga ako na siya ang sumalubong sa akin dito sa kuwarto ni Ethan.

“Aba, tinatanong kita! Huwag kang bastos. Matuto ka namang sumagot.” Nanlilisik na mga matang saad nito sa akin.

“Actually, tita. Kagagaling ko lang po dito kahapon,” paliwanag ko sa kaniya. Biglang tumaas ang isang kilay nito sa akin at saka n'ya ako inirapan.

“Puwede ba, huwag mo nga akong matawag-tawag na 'Tita'. Dahil una sa lahat, 'di kita pamangkin para tawagin mo akong tita, tssk! At sinadya mo pang pumunta dito kahapon. Kung saan wala ako. Napakatalino mo, bravo!” asik nito sa akin at masama n'ya na naman akong tiningnan. Kailan kaya kami magiging okay. Mukhang malabo na siguro. Sa ina-asta nito sa akin ngayon.

“Nga pala, total nandito ka naman. Ikaw muna ang mag-bantay kay Ethan. Dahil uuwi muna ako sa bahay. 'Di pa ako naka-uwi mula pa kagabi.” Hindi ko alam kung pakiusap ba nito sa akin ngayon. Hindi naman kita sa itsura n'ya. Pero seryoso, mabait naman talaga siya. Kaso ayaw n'ya sa akin at palaging miinit ang ulo n'ya.

“Sige po, ako nalang po ang bahala dito kay Ethan,” sagot ko sa kaniya at tiningnan n'ya ako ng matagal.

“Mabuti at maaasahan ka pala,” sabay irap n'ya sa akin at saka siya tumalikod paalis. Medyo na-insulto ako. Mabuti nalang mahaba pasensiya ko at nagtitimpi ako.

Nakita ko na umalis na ito papalayo. Napa-hawak naman ako sa tiyan ko ngayon at saka ako nag-pasya na pumasok na sa loob ng silid ni Ethan.

Tinitingnan ko lang si Ethan. Mukhang nangangayat yata siya. Kaya na-awa na ako sa kaniya. Parang gusto ko na nalang umiyak. Imbes na umiyak ako, ipinagdarasal ko nalang na, bumuti na ang magiging kalagayan nito alang-alang sa amin. Pero alam ko, lalo na sa nakita ko kahapon sa kaniya, magigising siya.

Umupo ako ngayon dito sa isang upuan na nasa gilid ng kama n'ya. Nang naka-upo na ako, kinuha ko ang isa n'yang kamay at saka ko nilagay sa pisnge ko ngayon na pinagsiklop ko sa isang kamay ko. Hinahaplos-haplos ko rin ito habang nakadikit sa pisnge ko. Malamig na mainit ang kamay nito na sobrang lambot. Ang sarap hawakan at damahin sa aking kamay at pisnge.

Kapag gising lang siya ngayon, mag-re-reklamo talaga siya na hawak ko ang kamay n'ya.




NAALIMPUNGATAN ako nang naramdaman kong may tumapik sa akin. Paglingon ko, nakaputing babae.

“Sorry po sa istorbo, ma'am.” Ang nurse pala na naka-ngiti sa akin ngayon na siyang gumising din sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

Namalayan ko rin na nakatulog pala ako dito na hawak ko ang kamay ni Ethan sa pisnge ko.


Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon