Chapter 21

338 12 0
                                    


"Sure ka dito muna kayo?"nag aalalang tanong ni Julia.

Nandito kami ngayon matapos naming lumabas kahapon sa hospital.Pagkalabas namin ay may kotse ng naka-abang sa amin at sinabing pinapasundo raw kami ni Tita.Kaya wala na kaming magawa ni Julia kundi ang sumakay patungo dito sa mansyon.

"Oo nga Sissy"paniguradong sagot ko.

"Hayyssst alis muna ako may work pa ko ngayon eh.Bye Baby"sabay kiss sa pisngi ni Baby.

"Sige Thank you Ingat ka"

"Okay kayo din alagaan mo si Baby ha"huling sabi nito bago lumabas ng kwarto ko.

"Gising na ang Baby ko"usap ko kay Baby matapos nitong imulat ang mga mata niya ng bigla na lamang siyang umiyak kaya pinapatahan ko.



*Tok*Tok

"Pasok"sabi ko ng biglang may kumatok.

"Kuya"si Kuya lang pala ang kumatok.

"Good morning,Good morning Baby"sabay lapit nito kay Baby.

"Bakit umiiyak si Baby"boses batang sabi nito kasi tuloy parin sa pag iyak si Baby.

"Kuya pwedeng pahawak nagugutom na siguro si Baby magtitimpla lang ako ng gatas niya"sabi ko dito.

"Sige Okay lang" sabay abot kay baby sa kanya.

Matapos pumayag ni Kuya ay nagtimpla na ako ng gatas at pagkatapos kinuha ko rin kay kuya si Baby para padedehin ito.

"Thank you Kuya"nakangiting sabi ko.

"Nga pala pinapasabi ni Mommy na bumaba ka raw para makapag breakfast"sabi nito yun pala ang pakay niya.

"Sige po papatulugin ko lang si Baby"sabi ko ng may kumatok at walang iba kundi si Manang Lisa.

"Iha ako na diyan mag almusal ka muna sa baba"sabi ni Yaya.

"Sige kayo na po bahala kay Baby Manang"bilin ni kuya kay Manang.

Dahil gutom na rin ako ay inabot ko na si Baby kay Manang at sabay kaming bumaba ni Kuya.

"Okay kalang ba?"biglang tanong nito.

"Po.Okay naman po"nagtatakang sagot ko.

"Di kaba nahihirapan sa panganganak mo kay Baby?"

"Di naman po"ngiting sagot ko.

"Haha lalo ka yatang gumanda ngayon ha"na siyang naging dahilan ng pagkablush ng mga pisngi ko.

"Bolero"sabay hampas sa braso niya na naging dahilan ng pagtawa naming dalawa.Nabigla ako dahil pagdating namin sa Dining kung nasaan sina Tita,Tito at Ate na kumakain ay nakatingin pala sila sa aming dalawa ni Kuya na nagtatawanan.

Alam mo yung ang lagkit ng mga tingin nila na para bang nagtaka.

"Sam umupo na kayo at mag breakfast"si Tito na sinunod ko naman.Magkaharap kaming dalawa ni Kuya ngayon sa lamesa.Magkatabi kami ni Ate,Si kuya ni Tita at si Tito ay sa dulo ng lamesa.

"Sam kumain ka ng mabuti.Nga pala nilutuan ka ni Manang kanina ng Sinigang na bangus tamang tama yan para muling bumalik ang lakas mo"pagpapaliwanag ni Tito.

"Sige po Tito"nakangiting sabi ko.Tinuloy ko ang pagkain ko ng kukuha na sana ako ng hotdog ay biglang nagsalita si Tita.

"Di pwede sayo yan ang dapat na kainin mo yung sinigang dahil di maganda sa health mo yang hotdog na yan"cool na sabi ni Tita pero aminin ko may part sa puso ko na nasasayahan ako alam niyo yun minsan lang maging concern si Tita sa akin.

"Maam may bisita po kayo"bungad ng isang Kasambahay.

"Sino?"tanong ni Tita.

"Hello Everyone"matinis na sabi ng babaeng kakadating lang na di ko alam kung sino kaya agad ko itong nilingon upang tingnan.

"Kailee.Iha"sabay tayo ni Tita para salubungin ng yakap si Kailee.

"Hi Tita"sabay beso nito kay Tita.

"May mga pasalubong po akong binili sayo"tuwang sabi ni Kailee.

"Wow talaga yan ang gusto ko sayo iha eh mahilig kang magpasalubong"natutuwang sabi ni Tita.

"Tssk"narinig kong sabi ni Ate Ena na sa tabi ko di ko alam kung naiinis rin ito kay Kailee.

"Halika!!! Halika!!! tabi kayo ni Nathan Im sure di ka pa nag-aalmusal sumabay kana samin"alok ni Tita dito sa kanya.

"Naku nakakahiya naman po"nahihiyang sabi nito na kinainis ko naman seriously may gana pa siyang mahiya hahaha.

"Halika na tabi na kayo ni Nathan para masanay kana total malapit naman kayong ikasal"tuwang tuwa na sabi ni Tita na talagang Boto dito kay Kailee.

Wala naman nagawa si Kailee kundi ang umupo sa tabi ni Kuya Nathan.

"Oh hi Samantha"bati nito na sa harapan ko magkaharap sila ni Ate Ena.

"Kamusta kana nabalitaan kong nanganak kana daw?"natutuwang tanong nito pero I feel na may halong kaplastikan siya kung makipag usap.

"Okay lang nakasurvive din"nahihiyang sagot ko.

"By the way.What her name I know kasi na babae daw yung anak mo?"isa pang tanong nito.

"Amara Baby Amara"proud na sabi ko.

"Wow ang cute naman ng name niya"tuwang tuwa na sabi pa nito.

"I'm done"sabay tayo ni Kuya.

"Teka naman Son di pa nakakain si Kailee sabayan mo muna siya"sabat ni Tita.

"Mom may meeting pa ako ngayong umaga kaya kayo nalang ang bahala kay Kailee total close naman kayong dalawa"sabay martsa paalis ni Kuya.

"Nathan wait!!!" sigaw ni Kailee at nagmamadaling humabol kay Kuya.

"Tapos narin ako"sabay tayo ni Ate at umalis.

Kaya kami nalang nina Tita at Tito ang natira na kumakain masasabi ko talaga ang tahimik naming kumakain.Wala sa amin ang nagsasalita kaya nakakahiya talaga pag umutot ako sa sobrang tahimik.

Nandito ako sa kwarto ngayon karga si Baby.Her name is Baby Amara Nicole Alcantara.Kahit di kami kasal ng Daddy niya ay Alcantara parin ang apelyido niya yan ang sabi ni Tito lalo walang duda na anak talaga ni Ethan si Baby Amara.Nakakaingit lang kasi wala man lang siya may namana sa akin lahat kuha niya sa daddy niya.Ang lakas talaga ng dugo ng mga Alcantara.

Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon