MABILIS lumipas ang mga araw at ngayon nga ay ililibing na si Ethan. Marami sa mga nalalapit na kaibigan at pamilya n'ya ang nakidalo upang makiramay.
Tanging malungkot na musika ang maririnig at mga iyak lalo na ang hagulgol ni tita.
Anak n'ya si Ethan na siyam na buwan n'yang dinala sa kaniyang sinapupunan. Kaya bilang ina, siya ang totoong nasasaktan ngayon ng labis na labis. Lahat ay nakisilip sa kabaong, para makita ang mukha ni Ethan sa huling sandali ng mga oras na 'to bago siya mamaalam.
“I Love you,” 'di napuputol na munting tinig na lumabas mula sa bibig ko sabay hagis ng isang piraso ng kulay pula na rosas. Habang pinapababa ang kabaong n'ya sa ilalim ng lupa.
Tulala lang ako nang hindi ko namamalayan, paunti-unti nalang ang mga taong nandidito. Dahil ang iba ay umuwi na. Siguro, sa labis na paghihinagpis ko kasi ngayon parang sa kaniya lang talaga ako naka-pokus at umiikot ang mundo ko. Ngayon kasi, ito na ang huling araw, oras at sandali na makita ko ang mukha n'ya na wala ng buhay na natutulog. Bukas ay 'di ko na siya makikita na para bang buhay lang siya sa paningin ko.
“Samantha,” biglang tawag ng nasa likuran ko kaya agad ko siyang nilingon.
“Sabi ni daddy sa akin ka na raw sumabay umuwi,” si Kuya Nathan. Kaya tamad akong tumango.
“I know what do you feel right now and, kung gusto mong umiyak? Okay lang, I understand,” bagot din akong ngumiti sa saad nito.
Nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan n'ya na pauwi na kami sa bahay.
“I love him... Sorry po,” hingi ko ng tawad ng bumasag ang boses ko dahil sa aking pag-hikbi. Tuluyan na ring tumulo ang mga luha ko na 'di ko napigilan.
“It's okay,” sabi n'ya sabay abot ng tissue sa akin na kinuha n'ya sa loob ng cabinet ng car n'ya. Ginamit ko namang pamunas ng sipon ko at luha na tumutulo.
“Huwag kang mag-alala, nandito lang talaga si Ethan, 'di man natin siya nakikita. Pero nakikita n'ya tayo,” kinilabutan naman ako bigla. Naramdaman ko talaga na tumindig ang mga balahibo ko.
“Alam kong sinusubaybayan ka n'ya, pati 'yang magiging anak ninyo. Saka, nandito lang ako, bilang kuya mo,” matamis ako nitong nginitian. May something sa heart ko na na-touch at gustong pumalakpak sa sinabi nito.
“Sa totoo lang, I'm the only child. Wala akong kuya. Kaya, okay lang sa akin na maging kuya po kita,” nagagalak na ani ko pabalik sa kaniya. Tuwang-tuwa naman ang itsura nito na natutuwa sa sinabi ko. Mabait naman siya na nasisigurado ko na magiging close kami soon.
“See? May kuya ka na! I promise, I gonna the best kuya for you. Kahit 'di ako naging mabuting kuya kay Ethan. I make sure that, magiging mabuting kuya ako para sa 'yo,” natutuwang aniya na nginitian ko lang. Puro kami ngiti dalawa. Feeling ko, naging komportable ako ngayon kasama siya.
“Samantha!” Tawag sa akin ni tita. Nang papasok sana ako sa kuwarto. Kaya tiningnan ko siya kung ano ang kailangan n'ya sa akin.
“Bakit po?” Takang tanong ko sa kaniya.
“Puwede ba kitang maka usap?” Walang emosyon na tanong nito. Naguguluhan man, tumango ako. Pero for what?
“Sige po,” pagsangayon ko nalang. Ka-harap ko na kasi siya at walang rason para humindi ako.
“Well, 'di na 'ko magpapaligoy pa. Alam mo naman in a first place, ayaw ko sa 'yo. Sa madaling salita, 'di kita gusto!” Heto na naman siya. Pinapamukha n'ya na naman sa akin na hindi n'ya ako tanggap. Nakapanghina ng loob. Tapos, tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Na-insulto ako na mapangmata siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Soon to be Mrs. Alacantara
General FictionSamantha Rodriguez Babaeng naghahangad na maikasal sa lalaking gusto niyang makasama habang buhay.Unang kilala niya palang sa lalaki ay wala na siyang hinihiling pa kundi ang maikasal at maging...... Soon to be Mrs. Alcantara Started on: February 17...