Chapter 26

347 12 0
                                    

Halos dalawang Buwan na kaming nandito sa Condo ni Kuya Nathan. Alam narin ni Tito ang lahat.Una nagalit ito pero kalaunan tinanggap niya rin kung anong meron kami Ngayon ni Kuya Nathan dahil nakikita niya naman daw na mahal na mahal namin ni Kuya Nathan ang Isa't isa.

Minsan pinapadalhan kami ni Tito ng mga Groceries at siya narin ang bumibili ng Diapers at Gatas ni Baby Amara.

"Babe una na ko"si Nathan na nakabihis para pumasok sa trabaho.Nga pala We are in a relationship at Babe ang endearment namin kasi yun daw ang gusto niyang tawagan namin.

"Wait mag breakfast ka muna"pigil ko dito.Ako na rin ang nagluluto dito bilang bayad narin sa pagpapatira niya sa amin.

"Di na sa Office nalang"sabay akbay nito sa akin.

"Sure ka?"

"Oo"sabay nguso ng mga labi niya kaya natawa nalang ako.

"Yung kiss ko"sabay pout.

"Ikaw talaga"sabay pisil ng pisngi niya.Kaya hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hahalikan ko siya sana sa cheek pero biglang gumalaw ang mukha niya at nagkasalubong ang mga labi namin dalawa at nakangisi pa siyang ngumiti.

"Grabe ka"sabay hampas sa kanya.

"Bye Babe"nakangiting sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

"Bye Baby"sabay lapit kay Amara at hinalikan ito sa pisngi.

Matapos umalis ni Nathan ay kumain na rin ako ng Breakfast na niluto ko at pagkatapos ay pinaliguan ko si Amara.Pagkatapos pinatulog ko ito at ng napatulog ko na siya ay pumunta ako ng sala para manood ng TV.Wala na kasi akong gagawin matapos kung magwalis kanina.

*Ding*Dong

Rinig kong tunog ng doorbell kaya agad akong tumayo para pagbuksan ito.Wala akong may ineexpect na bisita this time baka si Kailee naman ito at kung lalaitin niya ako lalaban na ko this time ayoko ng magpapaapi sa kanya.

Gulat ako ng tumambad sa harapan ko si Ate Ena.

"Ate"bati ko.

"Pwede ba akong pumasok"mataray na sabi nito.

"Sige po"matapos kung lakihan ang pagbukas ng pinto.

"Si Nathan?"tanong nito sabay upo sa couch.

"May work po"

"Kamusta kayo dito?"

"Okay naman po"

"Di ba kayo ginugutom ni Nathan dito"

"Ha?di naman po"sabay tawa.

"Si Amara"

"Natutulog pa po"

"Haysst miss ko na yung pamangkin kong yun.Nga pala marami akong pinamili na dress para sa kanya"tukoy nito sa dala niyang paper bag.

"Thank you po"sabay abot ng mga pinamili nito para kay Baby Amara.

"Kamusta kayo ni Nathan?"biglang tanong nito.

"Ok..ay naman po"nauutal na sagot ko kasi di ko ineexpect na magtanong siya ng ganun.

"You know what?Di naman ako tutol sa relasyon yung dalawa.Kasi matagal ko namang alam ang ano mang meron sa inyong dalawa ni Nathan.Kasi nakikita ko naman kay Nathan kung gaano siya kasaya pag nakikita ka niya and I know the way he treat you.You are special to him"

"Sana indindihin niyo nalang si Mommy.Alam kung darating ang araw maiintindihan niya rin ang lahat pero di pa ngayon.Alam ko naman nasasaktan parin si Mommy sa pagkamatay ni Ethan.Pero don't worry mabait si Mommy basta ipangako mo Samantha na huwag na huwag mong sasaktan si Nathan.Bilang Ate nilang dalawa ni Ethan mahal ko silang dalawa at ayaw kung masaktan sila.Alam ko ring kahit wala na si Ethan maiintindihan niya naman siguro kung bakit minahal mo ang kapatid niya hahahaha...Kaya siguro di naman mali yung ginagawa niyo basta nagmamahalan kayong dalawa"

"Ang masabi ko lang Sam sundin mo lang ang puso mo"sabay hawak ni ate sa mga kamay ko.Ngayon ko lang nakita ang side ni Ate na ganito na ang bait niya kasi diba dati akala ko talaga ang sungit niya pero ngayon napapatunayan kung napakabait niya pala.

"So di na ko magtatagal I got to go"ngiting sabi nito.

"Thank you Ate baka gusto niyo pong makita si Amara hatid ko po kayo doon sa kwarto kung saan siya natutulog"

"Di na at tsaka ikiss mo nalang ako sa kanya"

"Sige salamat po ulit"

"Nga pala huwag mo nalang sabihin kay Nathan na dumalaw ako dito"

"Sige po.Ingat"sabay kaway sa kanya matapos ko siyang maihatid sa labas.

Sana tama si Ate matatangap din kami ni Tita.Sana okay din kay Ethan dahil minahal ko ang kapatid niya.

Nagising ako ng may biglang yumakap sa akin and I know si Nathan naman ito.We always like this magkatabi kami ni Amara sa Kama at dahil nga di nakalock ang pinto ay pumapasok ito sa kwarto namin para daw masilayan niya kami ni Baby Amara.

Alam kong pagod ito galing sa trabaho.Kaya hinarap ko siya at nakapikit nga siya pagod nga talaga.

Tiningnan ko ang mga mapupungay niyang mga mata,matangos niyang ilong at ang mapupula niyang labi. Pinadausdos ko ang mga daliri ko sa mukha niya na para bang may direction nasa ganun akong ayos ng biglang dumilat ang mga mata nito.Pagdilat ng mga mata niya ay nakangiti itong nakatingin sa akin.

"Kumain kana ba?"tanong ko dito na tinanguan niya lang.

"Teka tinirhan pala kita kanina Sandali"babangon na sana ako pero pinigilan niya ako dahilan ng paghiga ko ulit sa tabi niya.

"Busog na ko.Let stay like this please"nakapikit na sabi nito na nakayapos ang mga braso sa bewang ko.Kaya hinayaan ko na lamang siya kasi gusto ko naman para kasi akong safe pagniyayakap niya ako.

Di ko na namalayan nakatulugan na pala naming dalawa ang magkayakap sa pagtulog.Nagising lang ako dahil biglang umiyak si Baby kaya dinilat ko na ang mga mata ko para bumangon at nakita ko si Nathan karga karga nito si Baby Amara habang pinapatahan.Palagi na niya itong ginagawa ng dito kami nakatira.Alam kong pagod siya galing sa trabaho niya pagkauwi pero he try his best para maalagaan parin si Baby Amara.

"Babe"tawag nito ng mapansin akong nakatingin sa kanya.

"Balik kana sa pagtulog.Kaya ko nato.Sige na"ngiting sabi nito.

"Naku Sorry talaga.Ako na bahala kay Baby alam kong pagod ka"sabi ko dahil nahihiya na ako sa kanya.Alam kong pagod siya kaya dapat na magpahinga muna siya.

"Nope.Sige na Goodnight tulog kana"utos nito sakin kaya wala na akong nagawa kundi ang humiga ulit para matulog.

Tiningnan ko siya ng may ngiti sa labi habang buhat niya si Baby Amara.Ang ganda nilang tignan para silang mag ama talaga.Alam kong balang araw magiging mabuting ama si Nathan para sa aming mga anak pag nagkataon. Nathan is a Perfect definition of an Ideal Husband and a Father.

Soon to be Mrs. AlacantaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon