Nagising ako na wala naman siya sa tabi ko.Kaya bumangon na ako para maghanda ng almusal dahil may pasok pa si Amara ngayon."Amara kain kana"tawag ko dito dahil nanonood ito ng TV.
Sabay na kaming kumain pinaghandaan ko na rin siya ng kanyang Baon.
*Ding *Dong
Nang may biglang nag Doorbell kaya ako na ang nagbukas.
"Hi Sam"si Paolo
"Oh Ikaw pala Paolo.Kung si Nathan hanap mo maagang umalis kanina"
"Kaya nga ako nandito kasi pinapasabi niyang ako daw ang maghahatid kay Amara ngayon."
"Ah ganun ba.Teka tatawagin ko lang si Amara"
"Amara hatid kana raw ng Tito Paolo mo"sabi ko sa anak ko.
Kaya pinasuot ko na sa kanya ang Backpack niya.
"Sige Sam Una na kami"ngiting sabi nito.
"Sige Ingat kayo"sabay kaway sa kanila.
Kaya niligpit ko na ang aming pinagkainan kanina ni Amara.Nalungkot naman ako pag naiisip ko si Nathan hindi ako sanay na ganun siya.
Tomorrow is our 6th Anniversary. Excited pero iniisip ko may surprise naman kaya siya bukas para sa akin.
Gabi na at buti nalang si Paolo ang nagsundo at naghatid dito kay Amara.
"Thank you Paolo ha"sabi ko sa kanya.
"Naku wala yun inutusan lang kasi ako ni Nathan"tuwang sabi nito.
"Sige mauna na ako"paalam nito na tinanguan ko lang.
Matapos kung patulugin si Amara ay natulog narin ako.
Mga madaling araw na ng nagising ako ng napansin kong bumukas ang pinto ng kwarto at alam ko naman si Nathan yan. Nagtataka ako bakit ngayon lang ng madaling araw siya umuwi.Natulog ulit ako di ko nalang siya pinansin.Hinayaan ko nalang siyang yakapin ako.
Pagkagising ko ng umaga wala naman si Nathan.Si Paolo na rin ang naghatid kay Amara sa School.Ngayon ang aming 6th Anniversary maiiyak na talaga ako matapos wala naman akong nakita na mga balloon,flowers o kahit surprise man lang katulad dati pag gumising ako as what I expected na ginagawa niya pag Anniversary namin before.
Hapon na ng may biglang tumawag sa Cellphone ko kaya sinagot ko.
"Hello"
"Amara si Paolo to pwede bang ikaw muna ang magsundo kay Amara ngayon.Sorry marami kasi akong ginagawa"sabi nito
"Sige Ako na ang susundo sa anak ko.Thank you Paolo"sabi ko dito.
Kaya nagbihis na ako para susunduin ang anak ko.
Buti nalang di traffic sumakay lang ako ng Taxi papuntang School ni Amara.
Nandito ako sa labas ng gate hinihintay na lumabas ang anak ko.Siguro wala pa ang dismissal nila at kaunti na din ang mga estudyante na nandidito.Nakatayo lang ako dito ng may biglang huminto na puting van sa harapan ko.Nabigla nalang ako sa pagkagulat matapos pwersahin ako pasakay sa loob ng mga Kalalakihan na may takip ang kanilang mga mukha.
"Teka Sino Kayo!!!!"sigaw ko sa kanila at pilit na nanlalaban.
Di nila ako pinakingan hanggang sa namalayan ko nalang na nakarating kami sa isang Bahay na di ako pamilyar.
BINABASA MO ANG
Soon to be Mrs. Alacantara
General FictionSamantha Rodriguez Babaeng naghahangad na maikasal sa lalaking gusto niyang makasama habang buhay.Unang kilala niya palang sa lalaki ay wala na siyang hinihiling pa kundi ang maikasal at maging...... Soon to be Mrs. Alcantara Started on: February 17...