Simula
"Talaga, Ana?"
I just nodded at her. I smirked before I answered, "Oo, kaya dapat madami kang maalok na bumili!"
Lunch break namin kaya naman malaya siyang bolahin ang aking kaklase. Nagbebenta ako ng lumang handouts ng aking matalik na kaibigan at may kasamang sagot ang mga activities na nilalaman ng handouts.
Buti nalang ay wala pang bagong version ng librong 'yun!
"Ibig sabihin kapag naka-hanap ng fifty students na bibili ng handouts, bibigyan mo ako ng free picture ni Migs?" Namamanghang tanong ni Lian.
Ramdam ko kung gaano ka-excited ang babaeng 'to.
Tumango-tango lang ako bilang tugon at sumipsip sa straw ng aking coke.
Bilang special offer at para na rin madami akong kitain ay nangako pa ako na bibigyan ko ito picture ni Miguel.
Nakita ko ang pagkagat niya ng kaniyang labi. Pumalakpak pa ito sa sobrang excited. Halos manginig pa sya at paimpit na tumili.
"Alam mo, tingin ko talaga balang araw makikita ko s'ya sa magazines! Kaya dapat may makuha akong picture niya. Ang swerte mo, Anais!" She giggled.
"Paano naman kung sumobra sa fifty?" Pahabol nito. Kumikislap ang mga mata niya habang naghihintay ng sagot ko.
"Ang tawag don abusado 'no!" Sagot ko at sinamaan lang si Lian ng tingin.
"Malulugi na ako niyan." I added at sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Baka naman gusto mong bawiin ko pa ang special offer ko sayo?" Tanong ko sakaniya and I lifted a brow. Aba't ako pa yata ang magmumukhang madamot rito.
I touched my chin. Nagkukunwari na nag-isip ng malalim.
"Nagbabago na isip ko." Sabi ko pagkatapos ng ilang segundo na pagkukunwaring nag-isip. Mabilis naman ang pag-nguso ni Lian.
"To naman! Hindi mabiro!" Reklamo nito.
"Dyan kana nga! Hahanap nako ng buyers!" Aniya pagkatapos ay mabilis ang pag-alis sa cafeteria.
The corners of my lips arched.
Mabuti pa nga!
Sinamantala ko ang pagkakasunog ng main office ng campus last year. Lahat ng mga libro na para sa aming baitang sa taon na ito ay nasunog. Ganun na din ang pananamantala ko kay Lian ay sa iba pang yayayaing magpa-photocopy. Crush na crush kasi ni Lian ang aking childhood best friend na si Miguel. Nasa grade-twelve na iyon samantalang nasa grade-six naman ako. Sigurado naman siya sa mga sagot na meron ang libro ni Miguel. Bukod sa sobrang kagwapuhan ay valedictorian ito 'nong nag-graduate ng elementarya at grade ten. Malakas 'din ang aking pananampalataya na ganoon din ngayong grade-twelve s'ya.
Kahit na malapit siya sa mga babae ay hindi minsan napabayaan ang pag-aaral kaya naman marami ang humahanga sakaniya pati na ang mga ka-edaran ko. Iyon ang gusto nila. Mas matatanda sakanila at hindi gusgusin at mapapayat na mga kaedad namin.
Umiling-iling nalang ako sa mga naiisip.
Iba talaga kapag ideal.
Mabilis kong tinapos ang aking pagkain. Business, business! I laughed at herself.
Ngumisi ako ng makitang palapit ang tatlong kaklase. Halos mag-unahan ang mga ito para makaabot sa'kin. Malamang ay naka-usap ito ni Lian tungkol sa handouts.
Good job, girl!
Itinaas ko ang aking mga kamay at ngumisi.
BINABASA MO ANG
To Give In
RomanceThough quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tucked few loose strands behind her ear. He watched her pull suntan lotion from her shoulder bag and rub...