Kabanata 14
Hindi tumawag si Miguel kinabukasan. Ganoon din noong linggo. Kating-kati ang mga kamay kong tawagan siya. Sa lahat ng pagu-usap namin sa cellphone ay siya ang unang tumatawag. Hindi 'rin naman ako sigurado kung pati linggo ay busy sya at madaming ginagawa. Pinagmasdan ko ang maliit na relo sa aking side table. Seven-forty-five na ng gabi.
Sumasakit ang tiyan ko sa kaba habang nagtitipa ng text sakaniya.
Busy kaba?
Napakamot ako ng ulo at binura iyon.
Hindi kaya masiyado namang malamig iyon?
Humilata ako sa kama.
Nagtipa ako ng panibagong text pero binura ko din agad. Gusto kong sabunutan ang sarili. Paano kung sumagot siya? Ano? Ano namang sasabihin ko? Bakit hindi na siya tumatawag? Na nangangamusta lang ako?
I groaned. Huminga ako ng malalim. Pinuno ang aking baga ng hangin at nagtipa ng panibago.
Magandang gabi.
Mabilis kong isinend iyon. Sinampal ko ang aking mukha sa mabilis na pagsisisi sa text ko.
Nagulat ako ng tumawag siya. Video call ulit iyon. Huminga ako malalim at mabilis na sinagot iyon.
Ang kalahati ng mukha ni Miguel ang sumakop sa screen dahil nakatagilid siya at nakapatong ang kabilang bahagi ng mukha niya sa kulay crimson red na unan. Nakapikit siya at mukhang mahimbing na natutulog. Gumagalaw ang may hawak ng cellphone kaya nasisigurado ko na hindi si Miguel ang tumawag sa akin. At lalong sigurado ako na hindi kama iyon ni Miguel.
Lumayo kay Miguel ang cellphone. Miguel is lying on his chest against a crimson red king size bed. Nakabalot din ng ganoong kulay na comforter ang kaniyang pang-ibabang katawan.
Habang tumatagal ay nararamdaman ko ang paghapdi ng aking puso. Hirap akong suminghap.
Sinong may hawak ng cellphone? At nasan si Miguel?
Pinigilan ko ang paghinga ko ng tumambad sa akin ang pamilyar na mukha. She's on her white robe. Nakabalot ang kaniyang buhok sa isang puting tuwalya tila galing ito sa pagligo. Ngayong nakaharap sakaniya ang camera at natanaw ko ang brown na ceiling ay tama ang hinala ko. Hindi iyon kuwarto ni Miguel rito sa St. Ignacia o ang kuwarto niya sakaniyang condo.
"Hi," Hanse smiled sweetly. Kitang-kita ko ang banat na banat niyang mukha.
Nanginginig ang cellphone sa aking kamay.
"Pasensya kana sweetheart, ha? Maganda nga ang gabi ni Miggy." Nanunuya ang kaniyang boses atsaka siya ngumisi.
Hindi ko na kailangang itanong kung anong ginagawa 'ron ni Miguel at kung bakit sila magkasama.
Pinilit kong lunukin ang kung ano mang bumara sa aking lalamunan. Sumusulyap-sulyap ang kaniyang mga mata sa kung saan nakahiga si Miguel. Bago pa bumalik ang malalaking niyang mata sa akin ay mabilis kong pinatay ang kaniyang tawag. Bumilis ang paghinga ko ng inihagis ko ang cellphone sa duluhan ng aking kama. Muntik ng mahulog iyon.
Hindi ko na halos maalala kung ilang taon ako noong ipinangako ni Miguel na sasabihin niya sa akin kung ano ba ang meron sakanila ni Hanse. Nawala na sa isip kong ang bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
To Give In
RomanceThough quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tucked few loose strands behind her ear. He watched her pull suntan lotion from her shoulder bag and rub...