Kabanata 15
Nanlaki ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala at tumango-tango. Ikinuwento ko sakaniya kung gaano na kami katagal na magkakilala ni Miguel.
"Alam mo, Ana. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ni Miguel. But the way he acts lalong-lalo na nung muntik niya ng pasabugin ang bungo ko, maaring mahal ka din niya tulad ng nararamdaman mo." Mahaba niyang litanya sa akin. Napa-isip pa siya na parang kahapon lang iyon nangyari.
Nasa cafeteria kami dahil pinalabas kami ng nagbabantay 'ron sa library. Buti nalang hindi iyong matandang librarian ang naroon kundi nalintikan kami at nabugbog ng sermon.
Umiling-iling ako sa sinabi n'ya. Kailanman hindi ko nabasa si Miguel. Hindi siya madaling basahin. Hindi ko kailanman nilagyan ng ibig sabihin ang mga ginagawa niyang maganda para sakin dahil magkaibigan kami.
Nakita niya ako bilang paslit at ngumunguwa kay Mommy at lalong-lalo na, nakita niya ako bilang isang malaking itlog sa tiyan ni Mommy bago pa ako ipinanganak. Kaya ayokong mag-isip ng kahit na ano. Pitong-taon ang tanda niya sa akin kaya hindi imposible na nakikita niya ako bilang nakakabatang kapatid at katawa-tawag bata.
"Impsoble iyon. Sanggol palang ako nakita niya na ako. Hindi mo gugustuhing mahalin ang napanood mong lumaki." Disapruba ko sa sinabi niya. Umiling-iling ako para kaming ipakita sakaniya na mali siya ng iniisip. Hindi ko rin iyon kayang tanggapin.
Kumunot ang noo niya at pinagmasdan ako na parang maling-mali ang sinabi ko.
"Hindi ko piniling magustuhan ka, Ana. Hindi mo piniling mahalin si Miguel. Hindi natin pinipili ang mamahalin na'tin. Nararamdaman nalang natin 'yon ng di natin namamalayan." Seryoso niyang sabi.
"Anong alam mo sa nararamdaman niya?" Seryoso niyang tanong.
Umiwas lang ako ng tingin sakaniya.
Hindi ko maiwasang hindi sumang-ayon. Dahil pinili ko. Noong malaman ko ang nararamdaman ko para sakaniya, hindi ako umiwas. Hindi ko itinanggi sa sarili ko. Tinggap ko 'yon at iyon ang pinaka-maling desisyon na ginawa ko.
Walang nagmamahal ang umiwas sa nararamdaman niya. Pinili niyang maramdaman iyon.
"Twenty-two kana. Ilang taon na siya? Uhm, twenty-nine? O thirty? Kung may girlfriend 'yon dapat nagpakasal na siya."
Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sakaniya. Pinaningkitan ko siya ng mata. Naka-tuon ang kaniyang bughaw na mga mata sa kaniyang laptop.
"Bakit, Spencer? Ilang taon kana ba, huh? Huwag mo akong gaguhin d'yan. Magka-edad lang kayo ni Miguel." Singhal ko sakaniya at ibinato ang panyo na pinahiram niya sa akin kanina.
Ngumiwi siya at maarteng pinulot ang panyo sakaniyang laptop. Inihagis niya sa akin pabalik na parang diring-diri.
I cursed at him and he laughed.
"Ew, germs." Maarte niyang sabi saka siya bumunghalit nanaman ng tawa.
Naging seryoso 'din siya agad.
"Bakit? May girlfriend ba ako? Kung sinagot mo ako, hindi pa tayo graduate, papakasalan na kita." Seryoso niyang sabi.
"Alam mo, mabuti pa. Gawin mo nalang yang thesis mo. Tapos isunod mo 'tong akin." Sabay nguso ko sa aking laptop. Tinuro ko pa ang pakete ng brownies bago nagsalita, "Gutom ka, Spencer. Gutom ka."
Tumawa lang siya sa dami ng sinabi ko.
"But seriously, bakit hindi ka nalang umamin? Di'ba nga sabi mo hindi na siya tumawag sa'yo nung nahuli niyang hinalikan kita?" Tanong niya nang bumalik ang tingin sa kaniyang laptop.
BINABASA MO ANG
To Give In
RomanceThough quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tucked few loose strands behind her ear. He watched her pull suntan lotion from her shoulder bag and rub...
