Kabanata 19- Anaisse, I'm Pregnant

840 16 4
                                    

Kabanata 19

Ilang beses pang tumawag si Hanse. Ilang beses ko rin na hindi tinatanggap ang tawag. Ayokong marinig ang kahit ano sakaniya. Wala akong gustong marinig o malaman mula sakaniya. Sapat na sa aking mahal ako ni Miguel. Wala na akong ibang kailangan bukod sa pagmamahal niya.

"I wish you were here." Buntong-hininga ni Miguel. Minsan nalang siya maka-bisita sa akin dahil nagse-self study diumano siya at napaka-daming kailangang gawin sakanilang kompanya.

Mabuti na iyon para sa akin. Marami rin kaming ginagawa nitong nakaraang linggo. Ilang linggo nalang ay ga-graduate na ako. Inaya pa ako ni Spencer na sa Maynila mag-trabaho pero pinagi-isipan ko pang mabuti iyon. Pero kung iisipin, mas mapapadalas ang pagkikita namin ni Miguel 'ron.

Napansin ko ang pag-hilot ni Miguel sakaniyang sentido. He really looked sleepy and restless. Pang-ilang gabi na puro lang siya nakatutok sa laptop. Tumanggi naman siya noong sinabi ko na huwag na muna siyang makipag-video call sa akin at unahin niya ang kaniyang trabaho.

"How's your day, sweetheart?" Marahan niyang tanong. Panaka-naka lang siyang sumusulyap sa akin. Sabi niya na kahit marinig nalang ang aking boses at makita ko ang mga ginagawa niya ay sapat na sa ngayon para ma-ibsan ng kaunti ang layo namin sa isa't-isa.

"Okay lang. Completion of requirements at nagpa-praktis for graduation. I'm thinking what I want to do after the grad, gusto kong mag-apply bilang HR sa isang company na alam ni Spencer. But I don't have any exact plans right now." Kuwento ko sakaniya.

Huminga ako ng malalim dahil sa biglaang pag-kirot ng aking ulo.

"You don't have to work, really. After our wedding, you'll be with me here. We will live here and I can be with you every night. Hindi na screen ang tanging tinititigan ko at nahahawakan." He seriously said. Nakatutok pa'rin ang mga mata sa laptop. I even wondered kung hindi pa lumalabo ang paningin niya.

Umiling-iling ako as a disapproval to what he just said. Hindi naman ako nag-aral para lang mag-asawa at mamalagi nalang sa bahay. Even my mom is doing a work. May plantation sina Mommy at iba't-ibang paga-aring lupa ni Daddy na sinasakahan ng mga farmers. Kahit laging busy si Daddy, si Mommy ang naga-asikaso ng mga lupain at maliliit na business nila ni Daddy sa iba't-ibang probinsya.

"Ayoko, Miguel. I want to work. Besides, gabi ka 'rin naman umuuwi. Paniguardo na ganoon 'rin ako niyan. Ano namang gagawin ko sa buong araw na wala ka?" Tumagilid ako at nag-iba ng pwesto dahil sa hilong nararamdaman.

"You'll rest. Ayokong makitang pagod ka. Lalo akong mapapagod 'non." Seryoso niyang sabi at sumulyap sa screen. Sa akin.

Nagtagal ang tingin niya sa akin. "You look sleepy already. Huwag mo nakong hintayin. You should rest." Sabi niya at iniabot ang kaniyang cellphone.

"Please magpahinga kana 'rin." I said. Hindi na ako tumanggi dahil hinihila na ako ng antok. He said his I love you before he kissed his cellphone's screen.

I smiled.

"I miss you." He added.

"Goodnight." I said before I ended the call. Pagkababa ko ng cellphone ay mabilis akong hinila ng antok.


"I'm thinking of going back to States." Sabi sa akin iyon ni Spencer.

Binalik ko ang tingin ko sakaniya. Nagtatanong ang aking mga mata.

"Do you miss your mom?" I asked. Ginawaran niya ako ng ngiti. "You knew me well." He replied.

"Alam mo, ilang linggo nalang oh. Makakabalik kana." I said cheerfully.

To Give InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon