Kabanata 10
Buong gabi kong pinag-praktisan kung paano ko kakausapin si Spencer. Hindi na ako makapaghintay na humingi sakaniya ng paumanhin sa ginawa ni Miguel. Posible din na di iyon nakatulog o baka na-trauma pa 'yun, ang pinakamalala, baka kasuhan pa n'ya si Migue!
Labis ang konsensyang nararamdaman ko. Di ako halos makatulog kagabi.
Kaya nung nasa klase na ako at wala pa si Spencer, naging positibo ang isa sa mga naisip ko. Baka hindi na mag-pakita sa akin si Spencer.
Pabalik-balik ang tingin ko sa pintuan sa klase. Hindi kaya na-late lang s'ya o ano? Halos hindi ako mapakali hanggang matapos ang una naming klase. Isa pa sa iniisip ko, baka mamaya ay may pumunta ng mga police sa mansion nina Miguel at ikulong s'ya.
Napahawak nalang ako ng aking sentido at suminghap. Hindi matigil-tigil ang utak ko sa kakaisip. Kung sakali ay hindi ko alam kung paano ko s'ya hahanapin at humingi ng tawad.
Noong nagsalita na ang professor namin sa pangalawang subject ay buo na ang konklusyon ko na hindi na magpapakita si Spencer. Pero labing-limang minuto ng biglang pumasok ang bulto ni Spencer. Humingi s'ya ng tawad sa professor namin at mabilis na umupo sa tabi ko.
Kahit kating-kati na ang dila ko na kausapin s'ya at tanungin kung bakit s'ya lumiban sa klase ay pinigilan ko ang sarili ko. Nasa harap pa 'rin kami naka-upo. Sa susunod pa na linggo magiging alphabetical ang aming seating arrangement.
Sa gilid ng mga mata ko ay maingat ko s'yang pinagmasdan. Wala naman pagbabago. Mukha pa 'rin s'yang tumakas sa isang poster ng isang barber shop. Ni, isang beses ay hindi n'ya ako tinapunan ng tingin. Nasisigurado ko na may sama na s'ya ng loob sa akin.
Nang matapos ang klase naming iyon ay hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Marahan ko s'yang tinignan habang inaayos ang kaniyang notebook sa loob ng bag n'ya.
"Spencer," Tawag ko sakaniya. Hindi ko alam kung marahan ba masyado ang pagtawag ko sakaniya dahil hindi n'ya man lang ako sinulyapan.
Tatawagin ko sana s'yang muli pero may sumingit sa amin. Nakasungaw s'ya sa pagitan namin ni Spencer.
"Hi," A short girl greeted. May pagka-singkit ang mga mata n'ya at naka-guhit ang kaniyang mga kilay. Itim na itim ang buhok nito at bagsak sa kaniyang pisngi. Hanggang dibdib ang iyon. Tulad namin naka-puting polo shirt 'din s'ya.
Hindi s'ya sa akin nakatingin pero kalunan ay inilipat sa akin pagkatapos kay Spencer.
Nginitian ko lang s'ya. Mukha naman s'yang palakaibigan at masiyahin. Yung mukha na laging nakangiti.
"LQ?" Nakangiti n'yang tanong sa akin. Kumunot ang noo ko.
"LQ?" Bahagya pa akong nalito dahil hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga letrang binigkas n'ya.
Nanlaki ang kaniyang mga singkit na mata at hindi ako makapaniwalang tinignan.
"Love quarrel!" Sabi n'ya pagkatapos ay tumawa.
"Ahh..." iyon lang ang nasabi ko ng nalinawagan dahil nakatingin na 'rin sa akin si Spencer. Bahagya pa akong nakaramdam ng hiya.
"Spencer at Anaisse, hindi ba?" Nakangiti niyang tanong.
"Ako si Alyssa, pero Lyss nalang." Sabay lahad ng kamay n'ya sa akin. Tinaggap ko 'yon. Pagkatapos ay kay Spencer naman s'ya naglahad at malugod naman ang pagtanggap ni Spencer.

BINABASA MO ANG
To Give In
RomanceThough quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tucked few loose strands behind her ear. He watched her pull suntan lotion from her shoulder bag and rub...