Kabanata 20
Pinilit kong maduwal pero wala akong isinusuka. Mangiyak-ngiyak na ako pero wala pa rin. Pinagmasdan ko ang sarili ko na pinagpapwisan ang noo sa salamin. Bakas sa aking mukha ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Mabilis kong hinilamusan ang aking mukha ng tubig galing sa gripo.
Kinagat ko ang aking labi at tuluyan ng bumuhos ang luha sa aking mga mata. Masakit ang aking lalamunan na tila may nakabara 'don. Kinailangan kong humagulgol para maibsan ang sakit na nararamdaman pero hindi iyon napawi. Hindi nabawasan ang sakit sa kalooban ko. Ilang minuto akong nanatili sa loob ng banyo at umiyak at humagugol.
Nanghihina akong kumapit sa sink. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Huminga ako ng malalim sa sinabuyan muli ng tubig ang aking mukha. Mabilis kong inilabas ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang aking mukha.
Huminga ako ng malalim at lumabas ng banyo. Bumalik ako sa kinauupoan ko kanina. Naroon pa 'rin ang cellphone ko at ang milkshake. Mabilis akong lumagok 'ron dahil sa uhaw at pagtakam sa itsura ng milkshake.
Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Miguel.
"Hi, Sweetheart." He said sweetly.
"Malapit na kami. Are you at the mansion, already?" He asked. Nilunok ko ang nagbabara sa aking lalamunan.
"Puntahan mo ako. I'll text you the place." I said and hanged up.
Mabilis kong tinipa ang lugar ng cafe na kinaroroonan ko at sinend sakaniya. Muli siyang tumawag pero mabilis ko 'yon pinatay.
Nakapag-desisyon na ako. Gagawin ko ang dapat na gawin.
Dalawampung minuto ang nakalipas bago nakarating si Miguel. Pangalawang baso na ang tinitira kong milkshake ngayon dahil sa tagal niyang dumating at dahil na 'rin sa kagustuhan ng kalamnan ko sa inumin na iyon.
Mabilis na lumapit sa akin si Miguel ng makapasok siya sa cafe at hinalikan ako ng mabilis sa aking labi. Pagkatapos ay umupo siya sa kinauupuan ni Hanse kanina. Hinila niya pa iyon para mapalapit sa akin. Kaya nakaharap siya sa akin at magkadikit ang aming tuhod.
Umikot ang magaganda niyang mga mata sa kabuoan ng cafe bago iyon tuluyang napako sa akin.
Panibagong kirot ang naramdaman ko sa aking puso habang pinagmamasdan ang masaya niyang mga mata. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili.
Kapag nagkataon ay mababago ang desisyon ko at ayaw kong mangyari iyon. Ayokong idamay ang inosenteng bata para sa sariling kagustuhan at kasayahan.
"I didn't know you like this kind of place. Do you go here, often?" Nakangiti niyang tanong sa akin at napatingin sa dalawang baso ng milkshake.
He looked at me, amused.
No, Miguel. I thought inwardly.
Pinigilan ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang paulit-ulit na paghapdi ng aking puso. Gusto kong saktan ang sarili dahil hindi ko maalis ang sakit na nadarama.
Pinagmasdan kong mabuti ang kaniyang mukha. Itinaas ko ang aking mga kamay at hinaplos ang malalaki niyang braso.
Kailangan kong i-memorya ang lahat ng parte niya. Kailangan kong i-memorya ang init ng balat niya kahit may suot siyang long sleeve black polo. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Naka-tuck in ang polo niya sa kaniyang faded jeans at naka-itim na boots.
I looked at his face and stared at his thick eyebrows, hazel eyes, protruded nose, his soft red lips. Ang mamula-mula niyang pisngi. Ang makapal na itim niyang buhok.
I swallowed hard.
Nanginginig ang mga kamay ko ng hawakan ko ang pisngi niya. He smiled sweetly and touched my hand on his face.
BINABASA MO ANG
To Give In
RomansaThough quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tucked few loose strands behind her ear. He watched her pull suntan lotion from her shoulder bag and rub...