Kabanata 18- Unregistered Number

825 16 2
                                    

Kabanata 18

"Wow. Blooming."

Napaangat ako ng tingin kay Spencer. Malapad ang ngisi niya ngayon. Hindi ko na 'rin napigilan ang ngiti ko.

"Anong meron?" He asked curiously saka na umupo sa tabi ko.

"Wala." Mabilis kong sagot sakaniya.

"Wala wala. Nakangiti kaya mga mata mo." Kantyaw niya sa akin.

"Siya! Patingin ako ng lecture mo sa isang major natin." Sabi niya sa akin pero kuryoso pa'rin ang mga mata niya. Mabilis kong kinuha ang aking notebook sa aking bag at inabot sakaniya.

"Himala na nanghihiram ka ng lecture." Komento ko sakaniya. Minsan lang siya manghiram. Hindi 'rin siya ganoon na nagta-take down notes.

"Ah, may ginawa kasi ako noong sunday at Monday sa Manila. I need to refresh my brain cells." Halakhak niya pero hindi ako tinatapunan ng tingin.

Pagkatapos ng klase namin ay laging sa Manila pumapalagi si Spencer tuwing weekends. Ayoko namang maki-isyoso at magtanong ng personal niyang buhay at mga ginagawa niya. Kung may gusto siyang ikuwento ay kusa siyang nagsasabi sa akin.

Sumungaw ako para tignan ang kaniyang mukha. Nangingitim ang ibaba ng kaniyang mga mata. Mapupungay rin at maputla ang kaniyang mga labi.

"May sakit kaba?" Marahan kong tanong sakaniya. Mabilis niyang inangat ang tingin sa akin.

Ipinatong ko ang palad ko sakaniyang noo. Nanlaki pa ang mga mata niya sa ginawa ko. Pero ayos naman ang temperatura ng balat niya kaya marahan kong binaba ang kamay ko.

"May problema kaba?" Marahan ko ulit na tanong.

Umiling-iling siya at ngumiti sa akin.

"You looked tired, Spence." Komento ko.

"Yeah, pagod lang ako." Sagot niya at binalik ang tingin sa nilalaman ng aking notebook.

"You're restless." Naga-aalala kong sabi.

Buong linggo kong pinagmamasdan si Spencer. Pakiramdam ko may hindi siya sinasabi sa akin. Siguro ay halos araw-araw na ang pagta-tanong ko kung okay lang siya. He look tensed and tired. May pagkakataon na natu-tulala siya. Napapadalas din ang pagmamadali niyang umalis pagkatapos ng klase.

Something is happening. May bumabagabag sakaniya at hindi siya marunuong mag-tago 'non.


"What are you thinking?" Si Miguel iyon. He kissed my hair.

Linggo ngayon at nasa kanilang library kami. Pinapasadahan ko ng tingin ang kanilang mga libro. Mayroong office si Dad sa bahay. Puno 'rin ng mga libro 'ron pero hindi kasing laki ng library nina Miguel.

Humigpit ang yakap niya sa aking tiyan. Nasa likuran ko siya. He's sniffing my hair.

"Nag-aalala kasi ako kay Spencer." Sagot ko sakaniya at inalis ko ang kaniyang mga kamay sa aking tiyan. Mabilis ko siyang hinarap.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Lagi kong sinasabi kay Miguel na magkaibigan lang kami ni Spencer. Kahit hindi siya sang-ayon ay wala na siyang ibang sinasabi.

Huminga ako ng malalim.

"Pakiramdam ko may hindi siya sinasabi sa akin." Dagdag ko.

Wala siyang ibang sinabi. Pinapanood niya lang ako.

"Parang...parang may problema siya."

"Why are you concern? He's a man. He knows what to do." Masungit niyang sabi sa akin at tuluyan na akong binitawan.

To Give InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon