Kabanata 21- Spencer's Secret

680 16 2
                                    

Kabanata 21

"Ana, wake up." Naramdaman ko ang mainit na kamay na humahaplos sa aking braso.

"Hindi ka pa raw kumakain sabi ni, Nanay Feli." Napamulat ako sa sinabi ni Spencer. Mabigat ang aking katawan at masakit ang aking mga mata.

Bumayahe kami kaninang umaga. May kailangan asikasuhin si Spencer kaya naiwan lang ako sakaniyang guess room. Dito ako mamalagi at ito ang magsisilbing kwarto ko sakaniyang condo. Nagulat ako ng sinabi ni Mommy na may condo siya rito sa maynila. Pero tinaggi kong tumira 'don dahil mag-isa ako kung nagkataon. Pinag-usapan namin ni Spencer na magbabayad ako ng upa ko sakaniya rito pero kahit itinaggi niya 'yon, ayoko namang umasa at maging pabigat sakaniya. Sinabihan rin ako ni Mommy na magpapadala siya sa akin ng pera lalong-lalo na kung kakailanganin ko. May ibinigay siyang atm card sa akin. Ang sabi niya malaki ang naging laman non dahil naipon 'ron ang nilalagay nila Mommy at Daddy. Hindi rin ako magastos kaya kahit kailan wala akong ginamit don ni singkong duling. Pero naga-alangan din akong gumastos dahil hindi ko pa nakikita ang magiging buhay ko rito.

Hindi pa rin makapaniwala si Daddy na gusto kong mamuhay ng mag-isa. Kaka-graduate ko lang at nagalasabalutan na ako. Sabi niya ay parati silang tatawag sa akin ni Mommy. Mabuti na iyon kaysa pagpilitan niyang pigilan ako. Matagal-tagal na rin akong umasa kina Mommy, gusto ko 'rin kahit paano na maranasan ang mag-isa.

"Okay ka lang ba?" Naga-alala niyang tanong. Mabilis niyang hinawakan ang aking noo.

"You're pale, Ana. Anong nararamdaman mo?" Nara-rattle na siya kaya mabilis akong umiling. Pagkatapos ay umupo sa kama.

"Nahihilo lang ako Spencer." Sagot ko sakaniya at hinilot ang aking sentido.

"Kanina kapa nahihilo. Hindi kaba sanay sa byahe? Dapat sinabi mo sakin. Lantang-lanta ka. Wait here. I'll get you a glass of water." Bago pa siya makaalis ay hinawakan ko ang pupulsuhan niya.

"Natatakot ako, Spence." I whispered. Namumuo ang luha sa aking mga namumugto kong mata.

Natatakot ako sa nangyayari sa akin. Madalas akong maduwal at nahihilo. Hindi pa rin ako dinadatnan. Buong gabi kong naiisip ang posibleng kalagayan ko ngayon. Ang akala ko ay hindi lang regular ang mensuration ko. 

"Bakit, Ana? May masakit ba sayo?" Naga-aalala niyang tanong. Hinawakan niya ang aking braso.

Umiling-iling ako. Hindi ko masabi sakaniya ang posibleng dahilan sa nangyayari sa akin ngayon.

"Buntis si, Hanse. Hiniwalayan ko si Miguel. Ang sakit, Spencer." Garalgal ang aking boses at patuloy na tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

Mabilis siyang umupo sa kama at niyakap ako.

"Hindi mo dapat yon ginawa, Ana." Bulong niya sa akin.

"Pero buntis si Hanse, Spence. Hindi-hindi ko kayang-"

"Pwede niyang panagutan ang bata ng hindi mo siya iniiwan, Ana." Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi Spencer. Hindi mo naiintindihan." Pinilit kong sabihin iyon. Nahihirapan akong huminga dahil sa aking pag-iyak.

Hinagod niya ang likod ko.

"A-ayokong...ayokong madamay ang bata. Ayokong lumaki siya sa isang sirang pamilya." I cried.

Huminga ng malalim si Spencer.

"Hindi ko alam na martyr ka, Ana." Nahimigan ko ang pagkadismaya sakaniyang boses.

"Spencer, natatakot ako." Ulit ko sa sinabi ko kanina. Mabilis niya akong hinarap.

"Spencer, lagpas na ng dalawang buwan mula nung-" I trailed off. Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin. Naguguluhan niya akong tinitigan.

To Give InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon