Kabanata 31
Mabilis kong isinara ang mga butones ng aking polo shirt. Mainit ang aking mga pisngi dahil ron.
"You're flushed. I've seen that several times." He commented.
Hindi ko alam kung bakit ganito siya makipag-usap sa akin. Parang normal ang lahat at hindi mainit ang ulo niya ngayon.
He's kinda playful.
And I don't like it.
Pakiramdam ko ay magiging mahaba ang byahe namin. Ngunit ang ipinagta-taka ko, pamilyar ang daang tinatahak namin.
Tinignan ko si Miguel. He's just manipulating his phone. Di alintana ang haba ng byahe habang ako ay namumungay ang mga mata at gusto ng matulog kahit pa nakakaramdam na ako ng gutom dahil hindi ako nag-almusal.
Bumibigat ang talukap ng mga mata ko at hinayaan ang sariling mawala sa reyalidad at pumasok sa isang panaginip.
Naramdaman ko ang pag-bagal ng takbo ng kotse, ganoon rin ang mainit na kung ano sa aking pisngi. Panandalian kong inalala kung nasan ako at anong nangyari. Ang kotse ay nagpa-park na. Hindi ko akalaing nakakapit ang kamay ko sa isang mamahaling relo at kamay. Pinagmasdan ng mga mata ko ang mahahaba at malalaking daliri sa hita na kinapapatungan ng aking ulo. Pumasok sa akin na nakadikit ako at mahimbing na natulog sa hita ng taong hindi dapat.
Mabilis akong umayos.
Nakatingin lang si Miguel sa akin. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha kaya hindi ko alam kung anong iniisip niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o seryoso o ano.
"S-Sorry." Sabi ko sakaniya at mabilis akong lumabas ng kotse.
Sumunod si Miguel sa akin.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong palagid.
Malaki ang hotel at napaka-enggrade ng bukana nito. Malawak rin ang espasyo para sa mga kotseng naka-park at ipapark. Nang tuluyan pa akong pumasok ay natanaw ko ang mga fountains at malalawak na swimming pools na nagkokonekta sa may di kalayuan. Hindi ko akalain na malaki ang resort nila Miguel. May nakahilera rin na sun lounger sa tabi ng malawak na pool. Marami-rami rin ang mga tao.
Tumalikod ako at tinanaw ang dagat sa di kalayuan. Maraming tao ngayon. Biglang gumaan ang pakiramdam ko.
I guess beach will always have my heart.
May mga lumapit sa amin na grupo tingin ko ay staffs ng hotel. Naka-hawaiin shirts sila. Masaya ang pagbati nila sa amin at natuwa ako ron.
Kinuha nila ang mga dala naming gamit ni Miguel.
Mabilis nahagip ng tingin ko ang isang restaurant. Mamaya ay pupunta ako riyan upang kumain ng masarap na pagkain. Ramdam ko na ang pagkulo ng aking sikmura.
Sinundan ko si Miguel at lumapit siya sa receptionists. Mabilis at masaya ang pagbati nila sa amin. Mukhang masiyahin sila at masaya sa trabaho.
"The reviews are good." Ani Miguel.
"Miguel, ang tagal mo yatang di nakabisita?" A tall woman asked. Naka-purple na bikini siya nakikita ko ang mahahaba niyang legs.
For so long, I saw Miguel's smile. Bumalik ang tingin ko sa babaeng kumausap kay Miguel. Bumeso pa siya kay Miguel kaya hindi ko mapigilan ang panliliit ng mga mata ko.
Who's this girl?
"Aintoniette, I'm very busy." Sagot sakaniya ni Miguel ngayon at papasok na kami sa elevator at ako at ang mga staffs ay nasa likuran lang nila Miguel at ng babaeng ito na sana magka-lamig sa likod.
BINABASA MO ANG
To Give In
RomantikThough quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tucked few loose strands behind her ear. He watched her pull suntan lotion from her shoulder bag and rub...
