Kabanata 29- Let you go

1K 21 1
                                        

Kabanata 29


Labis akong natutuwa ng hindi na ako pina-pasok ng sabado ni Alice. Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na ako masyadong pinapansin ni Miguel. Halos tinutulungan ko nalang si Alice sa trabaho niya. Mas okay iyon sa akin dahil hindi ako nalalapit kay Miguel.

May kirot akong naramdaman sa aking dibdib tuwing naa-alala ang pag-tawag niya kay Hanse. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil wala naman akong karapatan para maramdaman ang kakaibang hapdi sa puso.

Of course they are together!

Hindi ko pa rin alam kung totoo ang tsismis na iyon na sinabi ni Alice. Hindi ko yon maikumpirma. Kahit kating-Kati akong malaman ang totoo. Gayun paman, ayokong isipin na ako lang ang tanging dahilan ng pagkakabago ni Miguel.

"Naku, pasensiya kana, Ana. Hindi ko alam." Lyss said apologetically.

Kinuwento ko sakaniya ang totoo. Para maiwasan niya na mag-sabi ng kahit ano sa mga ka-trabaho at kay Miguel na may anak na ako.

"Huwag kang mag-alala, wala naman akong sinabihan na kahit sino na may anak ka. Sinasabi ko na nga ba, hawig na hawig ni Nicho si Sir!" Aniya.

"Napaka-liit ng mundo. Jusmiyo!" She added.

"Salamat, Lyss ah. Sana walang makaka-alam." I said before I hanged up.

Pinagmasdan ko si Zach na nilalaro sina Nichie at Nicho. Buti nalang talaga at summer. May kasama sila Nichie at Nicho tuwing pareho kaming wala ni Spencer at hindi gaanong nahihirapan si Nana Feli sa paga-alaga sakanila. Si Spencer ay madalas na wala sakaniyang condo. Naawa ako dahil nagkukumahog silang matapos ang kanilang project proposal.

Muli ko nanamang naisip kung anong posibleng mangyari kapag nagpatuloy ang galit ni Miguel. Para akong mababaliw sa kaka-isip.

Inubos ko ang oras sa weekends ng pagtu-turo sa mga anak ko kung paano mag-basa.

Nang sumapit ang weekdays, ganoon pa rin ang naging set up. Sa umaga ay si Miguel at pag-hapon ay ang kaniyang Ama. Pero ni isang beses ay hindi ko pa siya nakikita. Tahimik ang mga araw at hindi kami ni minsan nag-singhalan ni Miguel. Tahimik siya at malamig. Nagpapa-salamat ako para don. Pero kahit ganoon, nararamdaman ko na ngayon kung gaano nga kami kalayo sa isa't-isa. Ngayon ko tunay na naramdaman na kasabay ng pag-alis ko sa cafe ay ang pag-iwan at pag-tapos ko maski ang pagkakaibigan namin ni Miguel.

Gusto kong patagalin ng kaunti bago ako tuluyang mag-resign. Dalawa na kaming Secretary ni Miguel. Parati kaming nagha-hati sa trabaho. Madalas din naman na hati rin sila ni Tito Nicholas trabaho at masakit sa aking malaman na lagi siyang umiinom ng alak tuwing wala siyang ginagawa. Malapit ko ng isipin na magkakasakit na siya dahil hindi ko siya kailanman nakitang kumain ng lunch.

"Alice?" Sagot ko sa aking cellphone dahil tumawag si Alice ng alas otso ng gabi.

"Bukas, 12nn ka nalang pumasok ha?" Aniya.

"Bakit?" Naguguluhan kong tanong.

"Umaga ang schedule ni Sir Nicholas. May pupunta siyang property kaya si Sir Miguel sa hapon." She explained.

"Sige, Sige." Sagot ko lang sakaniya. Then I hanged up.

"Sigurado ka bang ayaw mong mag-resign?" Tanong ni Spencer sa akin pagkatapos ng tawag ni Alice.

Umiling lang ako. Hindi pa ngayon. Gusto kong tuluyan na munang malusaw ang galit ni Miguel sa akin bago ako tuluyang umalis. Gusto kong sa pagkakataon na ito, matapos manlang ng tama.

"Galit si Miguel. Ayokong madamay kayo." I said softly. Nakikita ko ang lalim ng mga mata niya sa kakapuyat at pagod.

Naawa ako kay Spencer.

To Give InMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon