Kabanata 28- Tsismis

644 14 3
                                    

Kabanata 28

Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang buhok ni Niche. Nakayakap siya sa aking gilid at mahimbing siyang natutulog. Ganoon rin sa aking gilid si Nicholas, naka-patong ang kaniyang kamay at binti sa akin.

Hindi pa rin ako maka-tulog. Iniisip ko ang mga nangyari sa opisina ni Miguel. Pati ang nangyari sa conference room. Lahat. Lahat ng nangyari sa araw na ito.

Sinilip ko ang maliit na orasan sa side table. Twelve-midnight and Spencer isn't home yet. Paniguradong ginagawa parin nila ang kanilang 3D model. Ang malala, gumagawa sila ng panibagong model. Naawa ako kay Spencer. Siya ang pinaka-huling inaasahan kong tutulong sa akin pero hindi siya nag-alinlangan. Nasa tabi ko siya sa lahat ng paghi-hirap ko. Tinulungan niya ako. Hindi ko alam kung paano ako makaka-bayad sakaniya.

Kailangan kong maka-isip ng paraan para mapigilan ang galit ni Miguel sakanila ni Zach.

Pinirmahan ko ang kontrata kahit mahirap sa akin. Kailangan kong manatili kay Miguel at maka-isip ng paraan. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako sa maaring mangyari.

Pakiramdam ko ay hawak ni Miguel ang alas na makakapagpatumba sa akin. Walang problema kung ako lang ang pahirapan niya. Pero paano ang mga inosenteng taong tumulong sa akin? Paano ang mga anak ko?

Naisip kong bigla ang anak nila ni Hanse. Ni hindi ko alam kung kasal na ba sila ni Miguel. Kamusta ang anak nila?

Tila may punyal na tumusok sa aking puso. Ano man ang nangyari sakaniyang dalawa, sana maayos ang anak nila. Galing ron si Hanse, kaya't nasisiguro ko na hindi nasayang ang pagsa-sakripisyong ginawa ko para sa kanilang anak. Ang tanging gusto ko ngayon ay mawala ang galit ni Miguel at maging masaya sa pamilya nila ni Hanse.









"Good morning, Ana!" Bati sa akin ni Alice ng makarating ako sa building nina Miguel.

"Magandang umaga rin, Alice." Bata ko sakaniya.

"Eto oh," aniya at inabot sa akin ang nameplate.

"Salamat." Sabi ko sakaniya at inilagay ko ang pin sa gilid ng aking blouse.

"Nandiyan na ba si Sir?" Tanong ko sakaniya.

"Naku, wala pa nga e. Maupo kana muna." Aniya sa akin.

Mabilis akong umupo sa sofa para mag-hintay sakaniya. Hindi ko gusto ang gaano ng trabaho ko rito. Gusto kong magmakaawa kay Alice na bigyan ako ng trabaho pero kung ano lang diumano ang sinabi ni Miguel ay yun lang ang susundin niya.

Kaya pinag-aralan at minemorya ko ang mga meetings ni Miguel ngayon. Nagulat ako na kalahati lang ngayong araw. At sa lunch ay si Tito Nicholas na ang maga-attend ng mga meetings.

Mabilis kaming napatayo ni Alice ng namataan namin ang pag-bukas ng elevator at iniluwa non ang malamig at seryosong Miguel.

"Good morning, Sir!" Buong puso kong bati sakaniya.

"Good morning, sir Sandoval." Ani Alice at ngumiti.

Nagtagal ang tingin sa akin ni Miguel. Nang lampasan niya ako ay pilit akong hindi huminga dahil sa preskong amoy niya at ang kaniyang mamahaling pabango.

Ayokong...hanap-hanapin iyon dahil matagal kong kinalimutan ang lahat sakaniya.

"Follow me." Aniya bago pumasok sakaniyang office.

Nag-tinginan kami ni Alice. Tinuro ko pa ang sarili ko para mag-tanong sakaniya kung ako ba ang kailangan ni Miguel.

Tumango-tango si Alice at sumensyas sa akin na bilisan ko pa ang pag-pasok.

To Give InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon