Kabanata 9- Scared

750 18 0
                                    

Kabanata 9

"Spencer?"

Napakunot ako ng noo. Hindi ako makapaniwala at mabilis kong dinaluhan si Miguel.

Why he is here?

"Do you know this bastard, Anaisse?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Miguel. Ni hindi ako nito tinignan.

I tried to reach for Miguel's hand where he is holding his gun. Sinubukan ko na ibaba ang mga kamay n'ya pero iniwas ni Miguel. Nanginginig ang mga kamay ko.

"Kaklase ko siya, Miguel." Nanginig ang boses ko sa takot na baka maiputok iyon ni Miguel ng hindi sinasadya.

"Please, Miguel." I pleaded. Mabilis padin ang tibok ng puso ko. Masama kasi ang tingin ni Miguel kay Spencer. Kung nakakamatay lang iyon ay kanina pa nakabulagta si Spencer sa daan.

Luminga-linga ako, dumidilim na ang paligid at may mga sasakyan sa malayo at malapit na kaming madaanan.

Bakas sa mukha ni Spencer ang takot dahil sa hawak nitong baril.

"Anaisse," Spencer called.

Dahan-dahang binaba ni Miguel ang kaniyang kamay at sinamaan ako ng tingin at ibinalik 'din iyon kay Spencer. He's towering Spencer a bit.

"Bakit mo kami sinusundan?" May diin ang boses ni Miguel.

Mabilis na inabot ni Miguel at mahigpit na hinawakan ang aking siko para ipuwesto ako sa malapad nitong likuran.

"Are you stalking her?" Dagdag pa ni Miguel.

"I-I'm just worried. Hindi ko kayo sinusundan. I'm heading the same direction but you stopped the car. Nag-alala lang ako kay Anaisse." He nervously explained. Nakababa na ang mga kamay nito.

"Ako ang dapat na mag-alala sakaniya sa ginawa mo!" Parang kidlat iyon ng sabihin ni Miguel.

"Now, leave and don't you ever try to stalk her again!" He firmly commanded.

"Back off!" Singhal pa nito and pointed back his gun to him.

I tried to pull my forearm pero mahigpit ang pagkakahawak ni Miguel.

"S-sandali, Miguel." I called out. Sinusubukan ko na tignan ang mukha nito pero madilim pa'rin ang tingin kay Spencer.

Spencer parted his lips to say more but Miguel dragged me towards his car.

"I'm sorry, Spencer." I mouthed him. Sa katawan at higpit ng hawak ni Miguel, it's impossible for me to even try to get my arms back.

He's just standing there completely surprised to what just happened.

"Don't you ever talk to that shithead again." Mariin nyang sabi ng nakapasok na ako sa front-seat. Malakas ang pagkaka-sara nito ng pinto ng kotse. Umikot si Miguel at pumasok na 'rin.

Padabog na ibinalik ni Miguel ang kaniyang baril sa glove compartment at pinaandar na ang sasakyan.

Naka-igting pa'rin ang panga nito.

"Kaklase ko s'ya Miguel." I explained lightly. Kahit ako ay natatakot na masinghalan ni Miguel.

"I'll tell your father na magshi-shift ka ng University." Sagot lang nito at hindi ako tinataponan ng tingin.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Don't you ever do that!" I protested.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa ginawa ni Miguel. Naiintindihan ko na nag-alala si Miguel kanina. Pero hindi naman n'ya kilala si Spencer para magalit ng ganoon at kakausapin pa ang aking Ama at lilipat pa ng eskwelahan!

To Give InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon