Kabanata 12- Contest

735 15 0
                                    

Kabanata 12

Pagkauwi ko 'nong araw na iyon, paulit-ulit sa akin ang mga pinag-usapan namin ni Miguel. Naguguluhan ako sa mga pinagu-usapan at pinagtatalunan na naming dalawa.

Pagkatapos kong gawin ang mga takdang aralin ko pinakielaman ko ang phone na ibinigay n'ya para libangin at iwasan ang aking ibang iniisip. Gumawa ako ng account ng isang social media app 'don na idinownload ko. Madalas ipakita sa akin ni Lian ang account n'ya kung saan ina-upload n'ya diumano ang kaniyang mga selfies at ibang pictures.

Mabilis kong tinipa ang pangalan ni Lian at in-add friend s'ya. Ganoon 'din kay Lander at sa iba pang nakaklase ko noon na nakita ko sa kanilang friend lists.

Sinubukan kong itipa ang pangalan ni Miguel 'don. Pero bago ko pa tuluyang mai-search ay mabilis na lumabas ang isang notification. Mabilis kong pinindot iyon at nakita ang pangalan ni Miguel.

Miguél Nicholas Sandoval.
Delete Confirm

Mabilis kong pinindot ang confirm. Pagkatapos ay pinindot ang kaniyang profile picture. Pinigilan ko ang aking hininga ng sinakop ng litrato n'ya ang screen.

He's wearing his shades at nakatingin sa gilid. Malapad ang kaniyang ngiti. Basa ang kaniyang buhok na sinadyang suklayan ng kaniyang mga daliri palikod. Nakapatong ang kaniyang malalaking braso sa marmol ng isang pool. Ang tanging nakikita lang sa kaniyang katawan ay ang collarbones at malapad na dibdib, the rest, natatakpan na ng tubig sa swimming pool.

Nasisigurado ko na hindi iyon kinuhanan dito sa Pilipinas dahil sa view na nasa likuran niya. Sinubukan kong i-swipe para makita ang ibang pictures pero wala ng iba pa. Muli kong pinindot ang litrato, nakita ko na almost 5 years ago pa ang picture na ito at tinignan ko ang comment section. Nakita ko din kung gaano karaming likes at reactions ang naroon. Kinagat ko ang aking labi ng mabasa ang walang katapusan at lantarang pagpuri sakaniya. Halos lahat mga babae.

Tinignan ko ang iba pang detalye na meron ang profile n'ya. Pero nakalagay lang 'don kung kailan s'ya sumali sa social media na ito. Masyadong pribado ang profile account niyang ito. Sinubukan kong tignan kung may mga posts ba siya at iba pang pictures. Halos lahat ay tag posts nalang. Tulad ng grumaduate s'ya, naka-toga at may nakasukbit pa na medalya. Maraming kahawig 'don ni Spencer at halos blonde o kaya naman ay pula ang kulay ng buhok.

Mayroon pa na maliwanag ang mga mata ni Miguel dahil siguro sa flash ng camera o cellphone sa isang lugar na may iba't-ibang kulay ng ilaw sa paligid at napakadaming tao. May hawak siyang baso na may laman na tingin ko ay alak. Nakangisi ang mga kasama niyang lalaki pero hindi sya halos nakatingin sa kumukuha ng picture.

Bumalot ang kuryosidad sa aking kung ano ang ganoong klase ng lugar. Maraming tao. May alak. At ang namumulang si Miguel na hindi makatingin sa camera.

Napaigtad ako ng biglang mag-black ang screen at lumantad ang pangalan niya. Walang tigil ang ringtone dahil hindi ko agad tinaggap ang tawag sa gulat at pagiintindi sa nasa screen.

Pagkatapos ay tinaggap ko na ang tawag at nanlaki ang mga mata ko habang pinapanood si Miguel na naglalakad sa kaniyang kuwarto. Walang saplot pwera nalang ang tuwalya na malamyang nakabalot sa kaniyang beywang. I stared at his torso. Tumalikod na ito at dumiretso sa isang closet. Pagkatapos ng ilang sandali lumabas ito na naka-boxers nalang.

Napahiyaw ako sa sakit at hapdi ng aking sentido at ilong dahil nabitawan ko ang cellphone at bumagsak sa aking mukha. Napabangon ako at hinaplos ang sariling mukha.

Ano bang naiisip ni Miguel? Sana ay mamaya nalang s'ya tumawag!

Dinampot ko ang cellphone at pinanood ulit si Miguel sa kaniyang ginagawa. Sumusulyap-sulyap s'ya sa akin habang pinupunasan ang kaniyang buhok at biglang kumunot ang noo. Mabilis syang lumapit sa kung saan man niya nilagay ang kaniyang cellphone at kinuha iyon. Nakatapat na ang cellphone sa gwapo niyang mukha.

To Give InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon