Kabanata 30- Cleavage

708 12 1
                                    

Kabanata 30


"Fvck, anong nangyayari, Ana?" Mabilis akong dinaluhan ni Spencer.

Nagulat ako dahil minuto lang ang tagal ng pagkasunod kaming pagbaba sa elevator.

Patuloy na tumulo ang luha ko.

Naka-sandal ako sa gilid ng pinto ng condo ni Spencer. Hindi ko kaya pumasok dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Tuluyan na akong na-upo sa sahig.

Mabilis na lumuhod si Spencer para tulungan ako.

Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa kanina pa akong humahagulgol.

"Spence." I said breathlessly.

He cursed.

"Ano bang nangyari?" Naga-alala niyang tanong.

"Namatay ang anak nila ni Hanse." I stated. Patuloy na tumulo ang mga luha sa aking baba.

Hindi ko alam kung saan ako nasasaktan. Dahil ba sa nag-hirap si Miguel na wala ako, ang pagi-isip niya na hindi ko siya minahal kahit minsan, o yung palalayain niya na ako ano mang oras.

My hear is throbbing painfully. Maski katawan ko ay dismayado sa akin.

Hindi ko kayang humarap sa mga anak ko na ganito ang itsura ko.

"Why don't you tell him already?" Aniya sa akin. Hinawakan niya ang mga siko ko at pilit akong iniangat.

Umiling-iling ako.

"Paano sila ni Hanse? They can start again. Any moment." I hopelessly stared at his blue eyes.

"Paano kung walang sila?" He asked. Nakikita ko ang paghihirap niya na makita akong ganito.

"Alam kong hindi ka umiiyak ngayon dahil namatay ang anak nila ni Hanse. I know, you're staying there because you still love him." He looked at me intently.

Bumunot siya ng panyo sakaniyang bulsa. I cried more. Sa pangalawang pagkakataon, naglahad ng panyo sa akin si Spencer. Sa pangalawang pagkakataon na ito, pareho ang dahilan ng pag-iyak ko. Si Miguel.

Kinuha ko yon at nagpasalamat. Pinunasan ko ang aking mukha at huminga ako ng malalim.

"It pains me seeing you this way again. Kung may magagawa lang ako." He said. Ngayon ay naka-upo na rin sa gilid ko at sumandal sa pader.

"You've done so much for me, Spence. Hindi ko alam kung paano makakabawi sayo." I said sadly. Sumulyap siya sa akin.

"You're here. Nakilala kita. Kasama ko ang mga anak mo. The happiness you've given me, it's priceless." He honestly said. Ang bughaw niyang mga mata ay nakatingin lang sa akin.

"Magpakasal kana Spence." Ngiti ko sakaniya.

Sabay kaming natawa ron.

"Binasted mo ako. Paano tayo magpapakasal?" He laughingly said.

"Seryoso, Spence. Someone needs you. You deserve to be happy." Buong puso kong sabi sakaniya.

Totoo iyon. Hindi ko makumbinsi ang sarili ko na kung pwede lang mamili ay pipiliin ko si Spencer. Pero hindi, I'll still choose Miguel. Kahit na bumaliktad, umikot o mag-tambling pa ang mundo. Ang saya na nararamdaman ko sa mga anak namin, I don't think i will ever change my mind.

"I'm happy." He honestly stated.

Hinawakan ko ang kamay niya sakaniyang hita.

"You deserve someone who'll love you." Marahan kong sabi.

"Thank you, Ana." Ngiti niya sa akin.










"Ana, please don't forget the vacation of Sir Miguel." Ani ni Alice sakabilang linya.

To Give InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon