Kabanata 11
Napalingon ako sa biglaang pagkalabit sa akin ni Spencer. Nauuna ako sa paglalakad at tahimik na 'rin kami mula kaninang humingi ako ng tawad.
"Gusto ko sana na hinatid kana kahit sa may gate lang Anaisse. Kaya lang naalala ko yung activity na pinapagawa sa atin." Sabi n'ya pagkatapos ay tinuro ang gymnasium at hinawakan n'ya ang batok.
Napansin ko na lagi n'yang hinahawakan iyon lalo na kapag tensyonado, nahihiya o kinakabahan s'ya. Napaka-dali niyang basahin. Ang mga galaw niya ay madaling imemorya.
Pinandilatan ko s'ya ng maalala iyong magka-partner kami sa isang history subject. I glanced at my wrist-watch. Nasisigurado ko na wala ng masyadong estudyante ngayon sa cafeteria kaya inaya ko si Spencer na 'roon nalang namin pag-usapan at gawin iyon. Bukas na iyong history subject na iyon pero wala pa kaming nagagawa.
Tama ako, dahil ng makarating kami 'don ay wala na 'rin halos mga tinda. May mangilan-ngilan nalang na mga estudyante na tulad namin, doon nag-aaral.
"Alam mo Spencer, tawagin mo nalang akong Ana." Mataman kong sabi habang nagsusulat sa aking notebook. Mas sanay ako 'ron. Iyon ang tawag sa akin ng lahat. Ang pangalan ni Mommy ay Elena Grace kaya naman pinangalan ako ni Daddy ng Anais na grace ang ibig sabihin sa French. Dinagdagan niya lang ng s at e.
Kakabalik lang ni Spencer dahil sa nagboluntaryo s'ya na bumili ng miryenda namin.
Mabilis kong binuksan ang bote ng tubig na binili n'ya para sa akin at lumagok ako 'ron.
"Thank you." I thanked him at huminga ng malalim. Tila gumanda ang aking pakiramdam sa lamig ng tubig.
Iniangat ko ang tingin ko sakaniya. Ang kaniyang mga mata ay may mapanuksong nakatingin sa akin.
"Osige. Ana." Sabi n'ya pagkatapos ay ngumiti.
"Walang anuman, Ana." Pahabol niya habang umuupo sa kabilang upuan. Nakaharap siya sa akin.
"Hindi ba, ang Papa mo ang Vice Mayor sa St. Ignacia ngayon?" Tanong ko sakaniya.
Nagpatuloy na ako sa pagsusulat sa aking notebook. Ramdam ko ang tingin n'ya sa akin.
"Oo. Ana." Tipid n'yang sagot.
"Anong surname ng Papa mo?" Tanong ko ulit. Napatingin ako sakaniya dahil narinig ko s'yang tumawa. Kumunot ang noo ko. Napa-isip lang kasi ako kung bakit Perkins ang apilyido niya.
"Alam mo, halatang wala kang alam sa nangyayari sa paligid at wala kang pakielam. Ana." Natatawa n'yang sabi sa akin.
My eyes turned to slits.
"Ha. Ha. Ha." Sarkastiko kong sagot. Aaminin kong tinamaan ako sa sinabi n'ya. I don't care what's around me. Nasanay ako sa buhay ko na si Miguel lang ang kasama bukod kina Mommy at Daddy.
Sa loob ko, alam kong totoo iyon. Masyado akong naging ignorante at hindi pinakikiramdaman ang paligid. Maski ang mga gawain ni Daddy ay hindi ko alam. O kaya naman ang pagbisita ni Mommy sa plantation nila ng kaniyang kapatid kahit na ayaw naman ng kapatid n'ya. Pati na 'rin ang ibang maliliit na business ni Daddy sa iba't-ibang probinsya. Ni wala akong alam kung nasan sila ni Mommy parati. Masyado akong nasanay sa sarili ko at sa kung ano lang ang ginagawa ko, at hindi na tinuon sa ibang bagay o tao.
Kapag iniisip ko ang sinabi n'ya kahapon na, mukha akong walang pakielam sa iba, totoo iyon. Kaya gusto ko na kilalanin si Spencer ngayon at subukan ang ibang mga bagay.
"Ang mum ko ay American at si Papa, Filipino. Kaya ganito ang itsura ko. Una palang hindi na magkasundo sina Mum at ang Papa ko. Kaya sa States ako pinanganak, nag-aral at apelyido ni Mum ang gamit ko. Ana." Kuwento n'ya habang nagsusulat 'din sa notes.
BINABASA MO ANG
To Give In
RomanceThough quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tucked few loose strands behind her ear. He watched her pull suntan lotion from her shoulder bag and rub...