Kabanata 33- Just This Night

779 12 0
                                    

Kabanata 33

Pagkatapos ng pagu-usap nila Miguel at Engr ay bumalik kami sa aming hotel room. Doon na 'rin kami nag-lunch dahil sa kung ano-ano pa ang pinag-usapan nila. Inayos ko na ang aking mga gamit dahil ngayon kami babalik ng Manila.

Nang natapos akong mag-ayos ng mga gamit ay tumawag ako kay Spencer. Ilang sandali iyon bago niya sagutin.

"Ana,"

"Spencer, are you in condo?" Tanong ko.

"Ana, I'm in architecture firm. Can you call Nana Feli instead?" Aniya. Naririnig ko 'rin na may mga ibang taong nagsasalit sa linya.

"Okay sige, thank you, Spence. Take care." Ako sakaniya.

"Ana," he called when I'm about to end the call. I didn't answer. Hinintay ko siyang mag-salita.

"Uuwi na ba kayo?" Tanong niya.

"Tingin ko Spence. Nakapag-ayos na ako ng gamit." Sagot ko sakaniya.

"You can extend. If Miguel insisted." Aniya.

Kumunot ang noo ko.

"Spence, we're here to work." Seryoso kong sagot.

"I know. Just in case. Zach and Nana Feli are taking care of your children. Please don't worry." Aniya sa akin. Pero alam ko ang ibig niyang sabihin sa sinasabi.

"I know Spence. I just miss Nicho and Nichie. I'll end this call already. Take care." Sabi ko sakaniya.

Narinig ko ang malalim niyang pag-hinga at pinatay ang tawag.

Bago ko pa matawagan si Nana Feli ay narinig ko ang pagkatok sa pinto. Mabilis akong lumapit at binuksan iyon.

I saw Miguel standing in front. Sumulyap siya sa loob ng aking kuwarto.

"We'll extend." Anang baritonong niyang boses.

Kumunot ang noo ko.

"Aintoniette isn't here. We'll wait for her before we leave the resort." He explained.

I parted my lips. Tuluyan ng nawala sa aking utak ang sa kaniyang pinsan.

I nodded because of the embarrassment. Hindi ko maintindihan kung bakit may parte sa akin ang lumalabas kapag nasasapian ako ng alkohol. Naalala ko pa ang mga tinawag ko sakaniya. I can't believe this. Bakit kailangan maalala pa ang mga iyon at hindi nalang maglaho kapag nawawala na rin ang sapi.

"Do you want to wait here or roam around?" Tanong niya sa akin.

Anong ibig niyang sabihin? Gusto niya bang samahan ko siyang mag-libot sakaniyang resort?

"Do you want me to escort you, sir?" Marahang tanong ko. Dahil hindi ko alam kung kasama iyon sa trabaho ko.

He stiffened.

"If you want to." Alanganin niyang sagot.

Marahan akong tumango.

"Sige po. Maga-ayos lang po ako. Pwede na po kayong mauna." I said politely.

Tumango siya at bumalik sakaniyang hotel room.

Pumunta ako sa banyo at nag-ayos. I was brushing my teeth when I realized what he said.

We'll extend.

What do he mean by that? Lumabas ako sa ng banyo para tumingin ng oras sa aking cellphone. Alas dos na.

Paano kung bukas pa dumating ang pinsan niya?

I cursed.

Dapat ay dumating na siya ngayon para maka-byahe kami mamaya!

To Give InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon