"Where's Daddy?" Inosenteng tanong ni Zach sa akin habang kumakain kami ng hapunan."Nanay Feli, sabay na ho kayo." Aya ko sa Nana ni Spencer. Ipinadala raw siya rito ng Papa ni Spencer para tulungan siya sa paga-alaga kay Zach. Matagal na raw siyang naninilbihan sa Daddy ni Spencer.
"Salamat, Ana. Mamaya nalang dahil lalabhan ko pa ang mga uniform ni Zach." Ngiti niya sa akin.
Ngumiti ako at tumango-tango sakaniya.
"May pinuntahan lang ang Daddy mo, Zach. Nagahahanap siya ng trabaho." Nakangiti kong paliwanag sakaniya. Nilagyan ko ng ulam ang kaniyang plato. Dinamihan ko ang broccoli sakaniyang plato. Ang sabi ni Nana paborito niya ang beef broccoli stir fry kaya iyon ang laging niluluto ni Nana sa panghapunan. Itinabi ko rin ang baso niya na may lamang tinimpalahan na gatas ni Nana.
Akmang lalagyan ko ng kanin ang plato niya pero pinigilan niya ang kamay ko.
Umiling-iling siya pagkatapos ay nagsimula ng kumain.
"I don't eat rice." Kaniya.
"He's still busy? Lagi naman siya nandito na kapag gabi." Nagtatampo niyang sabi.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko sakaniya. Tumingin ako sa bilog na orasan sa itaas na dingding ng ref. Maga-alasiete na. Umaga ng umalis si Spencer kaya kahit ako ay nagtataka na wala pa siya ng ganitong oras.
"Do you know Tita Lyss?" He asked out of nowhere. Napatingin ako sa tanong niya at kumunot ang noo ko.
Lyss?
Nagpupunta rito si Lyss at kilala siya ni Zach? Huli ko siyang nakita noong graduation.
"Kailan siya ulit dadalaw dito?" Tanong niyang muli ng di ako sumasagot.
"A-ah. Hindi ko alam, Zach. Hindi kasi namin pinagu-usapan ng Daddy mo yan." Nginitian ko siya.
Wala rin naman nakukuwento sa akin iyon ni Spencer kaya nakakagulat na binaggit ni Zach si Lyss.
"I miss her. Girlfriend kaba ni Daddy?" Tanong niya nanamang muli. Hindi ko alam na matanong pala ang mga bata. Napaisip ako kung ganito rin ba ako noon.
"Hindi, Zach. Magkaibigan kami ng Daddy mo." Sagot ko sakaniya. Uminom siya sa kaniyang gatas.
"But do you like him?" Sulyap niya sa akin.
"Aren't you hungry?" Tanong niya dahil hindi ako kumakain. Paano naman ako kakain kung lagi siyang nagtatanong sa akin? Gusto kong kurutin ang namumula niyang mga pisngi.
Uminom siya sakaniyang gatas at inubos iyon.
"Hindi ko gusto ang Daddy mo. Magkaibigan lang kami. At mamaya na ako kakain para may kasabay ang Daddy mo." Sagot ko nalang sakaniya.
Nagulat ako ng tumayo siya at hinawakan ang buhok ko. Tinignan niya ako sa aking mga mata.
"Hawig mo si Mommy." Ngumiti siya sa akin. Mabilis na tumakbo at umakyat sakaniyang kwarto.
Nakita ko si Nana Feli na tumingin sa akin at mabilis na hinabol si Zach.
"Huwag kang tumakbo, Zach. Kakain mo lang. Ang batang 'to." Sermon ni Nana Feli pero nasisigurado ako na hindi iyon narinig ni Zach.
Umakyat rin si Nana Feli sa hagdan.
"Zach, brush your teeth." Narinig kong sabi sakaniya ni Nana Feli.
Huminga ako ng malalim. Napaisip ako sa sinasabi sa akin ni Zach.
Nagulat ako sa biglaang paglitaw ng bulto ni Spencer papasok sa kusina kung nasan ako. Napahawak pa ako sa aking dibdib.
BINABASA MO ANG
To Give In
RomanceThough quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tucked few loose strands behind her ear. He watched her pull suntan lotion from her shoulder bag and rub...