Kabanata 27- Miguel's Rage

716 17 1
                                    

Kabanata 27

Hindi ko na hinayaan pang magpatuloy ang tawag ko kay Nana Feli. Natatakot akong lumabas si Miguel at mahuli akong kausap ang mga anak ko.

"Wala ba akong ibang gagawin?" Mahina kong tanong kay Alice.

Nakatutok siya sakaniyang laptop at seryoso sa ginagawa.

"Wala, Ana. Ang sabi lang si Sir ay ikaw ang sasama sakaniya sa mga meetings at mga iba niya pang gagawin." She explained.

"Ah can I get your number? Para kung sakali man na may emergency meeting and for business purposes." Aniya. Tumayo ako lumapit sakaniya at nagpalitan kami ng numbero.

"Let Ms. Ortega in." Pareho kaming nagulat ni Alice.

"Okay po, Sir." Sagot ni Alice at sumenyas sa akin na pumasok ng office ni Miguel.

Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ano nanamang mangyayari sa loob ng office ni Miguel.

Lumapit ako sa sofa at kinuha ang mga files don at notepad. Mabilis akong naglakad tungo sa office ni Miguel.

Mabilis na tumangin sa akin ang nakaupo sa harap ng table ni Miguel.

I was expecting an old attorney. Pero ang lalaking naka-upo ron ay ka-edaran lang ni Miguel. Malapad rin ang tindig nito. He is very much familiar. Tulad ni Miguel at Spencer, mukha siyang lumabas sa isang bachelor's magazine.

Pinasadahan niya ako ng tingin at nahinto ang kaniyang mga mata sa aking tuhod.

Natanaw ko si Miguel na nakatayo at naka-tuko ang isa niyang kamay sakaniyang lamesa at bahagyang naka-baba ang kaniyang ulo. Hawak ang kaniyang cellphone sa tainga at seryoso ang pakikipag-usap niya ron.

Nagulat ako sa biglaang pagtayo ng Atty. at lumapit sa akin. Naga-alala niya akong tinignan at inabutan ako ng panyo.

Nanlaki ang mga mata ko ron. Kahit naga-alangan ako ay tinaggap ko iyon. Alam ko na agad kung para saan ang panyong inaabot niya.

"Salamat po." I murmured.

Kahit pa alam kong hindi na mapupunas at mawawala ang namuong maliit na dugo sa aking tuhod ay pinunasan ko parin para hindi mapahiya ang attorney.

"I'm Lucas Montenegro." Anang baritonong boses nito kaya napa-angat ako ng tingin.

"Anaisse Ortega, Attorney." Sagot ko sakaniya. Pilit kong punasan ang dugo ko sa tuhod at nahulog ang mga papel na galing sa folder dahil sa ginawa ko.

Mabilis siyang yumuko. Niluhod pa niya ang isang tuhod para pulutin ang mga iyon. Mabilis akong nag-panic dahil siya pa mismo ang pumupulot.

"Ako na po, Sir." I said panicking and embarrassed.

Sinalikop ko ang mga papel pati na rin ang mga hawak niya na. Nanginginig ang mga kamay ko dahil alam kong nanunuod sa amin si Miguel at ayokong may maisip nanaman siyang kung ano.

"Where are we Lucas?" Anang matigas na boses ni Miguel. Mabilis na tumayo si Atty. Montenegro.

"I didn't know you have a new beautiful Secretary." Dinig kong sabi ni Atty. Muli siyang umupo sakaniya upuan kanina.

Nag-init ang pisngi ko sakaniyang sinabi. Mabilis akong tumayo ng maayos ko na ang mga papel. Nakatayo lang ako at nakayuko.

"She's not my Secretary, Lucas. She's my personal assistant." Sagot niya rito.

I heard the other man chuckled.

"I never thought you have two assistant." He laughingly said.

To Give InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon