Kabanata 16- Sensuous Night

984 25 0
                                    

Kabanata 16


Nakaputing spaghetti straps sando na ako at pink na strawberry pajama. Kakatapos ko lang maligo. Nakaupo ako sa wooden bleacher rito sa open cottage.

"Thank you, ho." Sabi ko sa isang guwardya ni Miguel.

Sabi ni Miguel ay dito na raw kami hahapunan kaya nagpabili siya ng makakain namin. Natuwa pa ako sa letchong manok na paborito naming dalawa.

"Ayaw niyo ho bang sumabay?" Tanong ko rito. Kinamot niya ang kaniyang batok at ngumiti.

"Hindi na po, Ma'am. Salamat po. Mayroon na po kami 'ron ng kasama ko." Sagot niya at mabilis akong iniwan.

Natakam ako sa letchong manok sa aking harapan kaya mabilis kong kinurotan iyon. Naliligo pa si Miguel at paniguradong kakantyawan ako na binawasan ko itong manok.

Huminga ako ng malalim habang dinadama ang lamig ng hangin galing sa dagat. Hindi ko na matanaw ang dagat at ang tanging liwanag na mayroon lang ay itong bamboo cottage, ang bintana sa rest house ni Miguel at ang mga poste sa daan kung nasaan ang kotse at mga guwardiya ni Miguel.

Kumurot ako ulit ng manok at mabilis na binuksan ang wine sa lamesa. Nakalimutan kong ipahabol ang tubig kanina sa guard ni Miguel. Hindi ako nakakita ng tubig sa minibar ni Miguel. Kaya kumuha ako 'ron ng cognac para kay Miguel at wine para sa akin.

Nilagyan ko ang aking baso at mabilis na nilagok iyon. Pumikit ako sa init at pinaghalong tamis at pait na nalasahan. Pakiramdam ko ay hindi napapawi niyon ng aking pagkauhaw.

Nagsalin ulit ako at nilagok iyon. Pero ang nangyari, hinanap-hanap ng aking dila ang tamis na lasa ng wine kaya paulit-ulit pa akong nagsalin.

Nakakapanliliyo.

Napatingin ako kay Miguel na pumasok sa open cottage. Nalanghap ko ang sabon na ginamit namin pareho ni Miguel pero ni hindi ko iyon naamoy sa aking sarili. Suminghap-singhap ako habang pinapanood siyang umupo sa aking harapan.

Nakakunot ang noo niyang napatingin sa mga pagkain at inumin na nasa lamesa.

"Cognac? Wine? Umiinom ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Umismid lang ako at muling kumurot sa manok. Tumango-tango ako sa lasa nito.

Ang sarap!

Tinignan ko si Miguel at pinapanood lang ako. Magulo ang kaniyang buhok at naka-gray na v-neck shirt siya, sobrang hapit sa kaniyang katawan. Parang mawawasak ito at mapupunit kapag sinubukan niyang mag-super sayan.

Natawa ako sa aking naisip.

Kunot-noo niya akong tinignan.

"What?" Tanong ko sakaniya.

Umiling-iling lang siya.

"Sayo iyang cognac. I saw you drink that thing once noong ka-video call kita." I explained. Inabot ko sakaniya ang baso.

"Kasalanan mo iyan dahil walang tubig sa rest house. Kung gusto mo," itinuro ko ang dagat.

"Dyan ka kumuha ng iinumin."

Tsaka ako humagikgik.

He cursed when he realized it. Inabot niya ang baso sa aking kamay at inilapag sa lamesa. Akmang tatayo siya ng pinigilan ko siya.

"Ooop-oop. Mahiya ka naman sa mga guards mo. Napapagod 'din mga 'yan." Sermon ko sakaniya.

Nagsalin ako ng wine sa aking baso at mabilis na nilagok iyon. Napa-pikit ako sa init na gumihit sa aking lalamunan. Halos manginig ako sa pinaghalong sarap ng wine at ng hangin na nanggaling sa dagat.

To Give InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon