Kabanata 39
"May tawag na ba siya?" Tanong ni Spencer sa akin.
Umiling ako. Ipinatong ko ang cellphone sa lamesa.
Pinapanood namin iyon na para bang magkakaroon ng himala.
Naglakad ako palapit sa sink. Binuksan ko ang gripo at hinilamusan ang sariling mukha.
I'm sure I'm red right now. Barado na rin ang aking ilong. Halos hindi ako natigil sa pag-iyak. Hanggang ngayon ay sumisinok pa.
Bumalik kami sa opisina ni Miguel pero hindi na siya bumalik 'ron. Pati ang bahay na tinulugan namin.
Paulit-ulit ko siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Halos mabaliw na ako kakaisip.
"Calm down. He might just thinking." Ani Spencer.
Bumalik ako sa upuan. Nasa kusina kami ngayon. Naka-upo at parehong tulala. Nangyari na ang kinakatakutan ko. Himala nalang ang kulang ngayon at awa mula kay Miguel.
Inilapag ni Spencer ang tatlong plain ticket sa lamesa.
"Tutuloy kami ni Zach." He said.
Huminga ako ng malalim at kinuha iyon. I'm not even sure kung matutuloy kami ng mga anak ko. Wala na sila sa akin. Na kay Miguel na.
"I actually have plans." Ani Spencer. Tinitigan ko siya. Nakayuko lang siya at nakasalikop ang mga kamay sa lamesa.
"Plano kong makipag-usap kay Miguel kahit na hindi pa kayo magka-ayos. I do really want to go back in states. Balak kong ibalik na kayo kay Miguel. But things messed up. I should've told him earlier."
Malungkot kong tinignan si Spencer.
Lumipat ako ng upuan at lumapit sakaniya.
I held his hand.
"I'm sorry Spence," I said apologetically. Muling umiinit ang aking mga mata. "For everything." I added.
I swallowed hard. Kung may taong higit na naghirap rito, si Spencer iyon. Hindi niya ako pinabayaan.
I leaned to him and hugged him.
"Nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mo para sa akin." I whispered and my tears flow down my cheeks.
"I never expected that you'll be a real friend to me." I said.
He lifted his arms and wrapped it around me.
"I also didn't expect you to happen, Ana." He whispered.
"Thank you for coming in my life. Nakabawi ako sa pagkukulang ko kay Sofia." He added. His hug tightened.
"Taus-puso ang pagtulong ko sayo at ang pakikipag-kaibigan ko."
"I know." I answered.
"I spoke love. I hope you heard it." He whispered.
I looked up to him.
Muling humapdi ang ilong ko at tuluyan nanamang bumagsak ang luha mula sa aking mata.
"I heard it, Spence. I'm sorry for not speaking it back the way you deserve it." Hagulgol ko.
Hinagod niya ang aking likuran.
"Sapat ng tinrato mo kami bilang pamilya mo, Ana. Masaya ako at si Zach ng dumating kayo sa buhay namin." Aniya.
"Hindi kita minahal dahil gusto kong mahalin mo ako pabalik. Minahal kita at libre iyon. Hindi ako kailanman naghintay na bayaran mo." He added.
Hinigpitan ko ang yakap ko kay Spencer.
"Kailangan mo ng magpahinga. Tomorrow will be a big day. Kailangan ninyong makapag-usap." He whispered.
BINABASA MO ANG
To Give In
RomanceThough quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tucked few loose strands behind her ear. He watched her pull suntan lotion from her shoulder bag and rub...