Kabanata 26- Trash

653 20 1
                                    

Kabanata 26


Hindi ko maintindihan. Hindi ko inaasahan na nagpalit sila ng pangalan ng kanilang empire. Nanginginig parin ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Gusto kong umalis. Tumakbo. Kahit pa lumipad o tumalon sa glass windows basta malayo lang sakaniya.

Alam ni Miguel ang tungkol kay Zach. Paano ang mga anak ko? Alam din ba niya na may mga anak ako?

Kinuyom ko ang aking mga kamay. Hindi ko akalaing sa ganitong pagkakataon niya ako mahuhuli. Ginagamit niya si Spencer at Zach laban sa akin. Ang tanging rason ko sa pananatili sa loob ng lugar na ito kasama siya.

Muli kong pinasadahan ang files ni Spencer. Nakita ko ang iba't-ibang schematic designs niya ron at pati ang litrato ni Zach.

Hirap akong lumunok.

"What are you waiting for?" Aniya pagkatapos ng ilang sandali.

Hindi ko maagat ang tingin ko sakaniya dahil sa lamig ng mga tingin niya sa akin.

Minuwestra niya ang mga nakakalat na files sa sahig pati narin ang iba't-ibang gamit ron.

"You came here, as an employee." Matigas iyang sabi. Mabigat ang bawat hakbang niya palapit sa akin.

"Not my my fvcking useless ex." He coldly added.

Nang nasa gilid niya na ako ay halos tumayo ang mga balahibo ko dahil tinapad niya ang kaniyang labi sa aking tainga.

"Clean all this mess. Isama mo ang mga basurang nagkalat diyan sayo dahil mahilig ka namang mamulot ng mga basura." Madiin ang pagkakabigkas niya non at halos manginig ako dahil hindi kailanman ang ganoong klaseng pananalita ang ginamit niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim ng marinig ang padabog niyang pag-sara sa pinutuan.

Una kong nilapitan ang mga papeles ni Spencer at lumuhod ako sa sahig. Ang litrato ni Zach na naroon ay ng una ko siyang makita. Walong-taong gulang siya. Inayos ko ang mga papel at maayos na ibinalik sa folder pagkatapos ay lumuhod ako sa tabi ng table ni Miguel para pulutin ang marating papel 'ron. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang pagsunod-sunod ng mga papeles ron dahil nagkalat at nagkagulo-gulo.

Nagulat ako ng may pumatak sa isang papel. Hinawakan ko ang pisngi ko dahil hindi ko namalayan na lumuluha nanaman akong muli. Hindi ko inakala ang malaking pagbabago na iyon ni Miguel. Masakit na makita siyang puno ng galit sa akin at ang pananalita niya sa akin ay hindi na kasing rahan at tulad ng dati.

Ano bang inaasahan ko?

That he'll welcome me with his wide open arms?

I cursed.

Tumayo ako para ilapag sakaniyang mesa ang mga dokumento. Pinulot ko rin ang wireless intercom at ang mabigat na name plate. Inayos ko ang mga gamit sa kaniyang mesa at in-organisa.

Bumalik ako sa mga bubog na nabasag na vase at lumuhod ako ron. Mabilis akong napatayo dahil sa napaka-sakit ng paghapdi sa aking tuhod. Binunot ko ang maliit na bubog na tumusok ron. Minura ko ang sarili dahil hindi ako nagi-iisip ng tama para lumuhod ron.

Kaya umupo ako sa aking mga binti at sinuportahan ang sarili. Pinulot ko ang pinaka-malaking parte ng basag na vase at pinulot ang mgali-liit na bubog at nilagay ron.

Napatayo ang ng bumukas ang pinto. Nakasilip ron ang papalitan kong Secretary ni Miguel.

Nanlaki ang mga mata niya sa ma-ingat kong hawak na bubog. Hawak ko ang pinaka-malaki at nakapatong ron ang mga maliliit.

"Pasensiya na Ms. Alice. May mga bubog pa akong hindi nakuha." Sabi ko sakaniya at itinuro ang mga maliliit na bubog na nagkalat sa malapit sa isang shelve.

To Give InTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon