Kabanata 4
Mabilis lang lumipas ang mga araw, buwan at taon. Pero hindi para sa akin. Hindi na nakapagtataka para akin 'nong nakapasa si Miguel sa admission exam nya sa University sa States. Alam ko na ang parte ng buhay na ito ni Miguel ay ang pag sunod at maging mabuting anak sa kaniyang ama.
Madalang ang pag-bisita ni Miguel sa loob ng apat na taon. Isa, o dalawang beses sa isang taon kung makabisita siya. Higit pa 'ron, tuwing summer lang siya nakakabisita at pumupunta naman ng Maynila kasama ang kaniyang Ama at si Tita Celestine. Gusto yata nito na matutunan na ni Miguel kung paano umiikot ang kanilang business at kung paano niya ito matutulungan sa pagpapa-takbo.
Inabala ko lang ang sarili sa mga extra-curricular activities sa aming eskwela. Hangga't maaari ay gusto ko na abalahin ang sarili at mag-aral ng mabuti. Hindi naman gaanong nakakalungkot dahil may mga nakakasalamuha na ako ngayon hindi lang ang magkapatid na Salavador, na sina Lian at Lander.
"Have you ever think about your strand already?"
Sa hapag isang gabi, Si Gov. Garbiel Ortega. My dad. He's waiting for my response while drinking his water. Nang ibinaba niya ang baso ay sumulyap kay Mommy.
Tumikhim lang ako.
Hindi ko pa talaga lubos maisip kung anong gusto ko sa buhay. Noong bata ako gusto ko na maging katulad ni Daddy, pormal ito sa lahat at matulungin pero binago ko iyon 'nong nalaman ko na politics din ang dahilan kung bakit wala na akong Lolo't Lola. Napagtanto ko na delikado ang politika kaya hindi ko maintindihan ang pananatili ni Daddy sa pagsisilbi, siguro'y namana nito ang pamumuno at pagiging mabuting tao sa mamamayan sa kaniyang mga magulang. At 'yon ang hindi ko nakuha, iyon ang tingin ko na dahilan, hanggang sa tumagal ay nawala na sa isip at puso ko na tumulad sakaniya.
"Dy, kasi..." I trailed off. Gusto ko na subukan ang education o kaya naman'y kahit ano basta hindi realted sa politics.
Pinagsalikop ni Daddy ang mga kamay niya. Nakatuko ang mga siko nito sa marble na lamesa. Pinapanood niya lang ako.
Palaging busy si Daddy kaya hindi ko masabing sobrang malapit ako sakaniya. That's why I felt that he's a bit intimidating kapag kinakausap ko s'ya tungkol sa mga ganitong bagay, sa mga plano ko at gusto kong gawin sa buhay. He's reaching out to me. Ramdam ko iyon. Ang unica ija niya ay hindi ganoon ka-close sakaniya.
"Politics, have you think of it?" He asked and glanced at Mommy. Naghihintay lang din ito ng sagot ko.
I just bit my lower lip at binaba ang mga kubyertos na hawak.
Ngayon ay bumubuo na ng konklusyon ang aking utak dahil sa tutok na atensyon ng mga magulang ko ngayon. Ilang araw nalang ay enrollment na para sa senior year. Hindi kaya gusto ni Daddy na kumuha ako ng politics related course?
"Social science strand? Humanities?" He asked, more like a suggestion.
"Sa college, gusto mo bang sa Maynila na mag-aral?" He added.
I sighed.
"Dy, ayaw ko po kasing pumasok sa politika." I finally said. Ayaw ko ng magpatumpik-tumpik pa. Kung gagawin ko iyon ay papaasahin ko lang s'ya.
He pursed his lips at tumango-tango. He wasn't moved by it. It's like he's expecting it already.
"I heard that, the Son of Anthony and Belle's taking Political Science in UP? Your friend?" He asked me. He's referring to Lander. Mag-t-third year na iyon sa UP.
"Yes, Pa." I just answered.
I have no idea where the conversation is going.
Kung bakit ba naman hindi na ginustong magka-anak ni Mommy. Nahirapan kasi sya sa panganganak sa akin, probably, masakit ang panganganak sa akin kaya ayaw niya na pagkatapos kong ipanganak.
BINABASA MO ANG
To Give In
RomanceThough quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tucked few loose strands behind her ear. He watched her pull suntan lotion from her shoulder bag and rub...