Kabanata 17
Nagising ako sa matinding init ng sikat ng araw na nanggagaling sa binatana. I stared at the high ceiling. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kahapon.
Naupo ako sa kama. Nahulog ang blanket sa aking tiyan. My breasts are exposed. Natutop ko ang aking bibig at pinasadahan ang tingin sa paligid.
Napatingin ako sa aking gilid. Maayos na nakatupi ang aking sando at pajama. Naroon rin ang aking mga undergarments. Nag-init ang aking pisngi ng tuluyang pumasok sa akin ang mga alaalang ginawa namin ni Miguel.
Paulit-ulit namin iyon ginawa.
Si Miguel.
Na walang kapaguran...
Muling nag-init ang aking katawan sa naalala. Pero walang Miguel sa tabi ko. Walang Miguel sa sofa. Tahimik. I can only hear the waves from the sea.
Tumayo ako at mabilis na pumasok sa cr. Hindi ko maintindihan ang sakit na bumabalot sa aking sistema. Parang may asidong unti-unting tinutunaw ang aking puso.
I bit my lips as I cried hard under the shower. Hindi ko na mapigilan ang sakit na nararamdaman. I was so willing. Pero ni katiting wala akong naramdaman na pag-sisisi.
Ganoon ba talaga ang nangyayari sa tuwing ginagawa iyon?
Walang Miguel. Wala si Miguel. He left me all alone after that night. Na kulang nalang sabihin niyang mahal niya rin ako dahil sa mga sinasabi niya at pinaramdam sa akin.
My heart died after he left those blankets.
Mabilis akong gumayak at nagligpit sa rest house. Pagkatapos ay iniwan ko iyon at ini-lock.
Nagulat ako ng namataan ang aming kotse sa daan. Mabilis akong naglakad palapit 'don. Mabilis namang bumaba ang aming driver. Kinuha niya ang buhat kong travel bag.
"Good morning, ma'am." Nakangiti niyang bati sa akin. Bahagya lang akong ngumiti sakaniya at mabilis akong pumasok sa backseat.
I wiped my tears using the back of my hand. Walang tigil nanaman ang lintik kong mga luha. Gusto kong pagalitan ang sarili. Pagkatapos ng mainit na gabing iyon ay sumunod ang napaka-lamig na umaga.
Kasalanan ko 'rin naman dahil ako ang nag-pumilit. I'm so willing. Minura ko ang aking sarili. Paulit-ulit.
Mabilis akong bumaba ng nasa garahe na ang sasakyan. Matamlay akong naglakad paakyat sa mga hagdan papasok sa aming mansion pero nagulat ako dahil nakatalikod si Miguel sa balkonahe at pabalik-balik na naglalakad at hindi mapakali. Suot niya ang mga damit niya kahapon noong sinundo niya ako rito.
Napatingin ako sa bukana ng aming mansion at iniluwa 'non si Mommy. May dala siyang tasa at nagliwanag ang mukha niya ng matanaw ako.
Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ni Miguel at inilapag ang tasa ng kape 'ron sa marble na lamesa at dinaluhan ako. Nanlaki ang mga mata ni Miguel ng makita ako.
"Dear, kamusta ang pinasyalan ninyo?" Excited niyang tanong sa akin at hinalikan ang aking pisngi.
Hindi ko siya sinagot sa kaniyang tanong bagkus ay binati ko nalang siya ng magandang umaga.
"Halos magkasunod lang kayo ni Miguel." I heard her said that at sumulyap siya kay Miguel.
"Ang sabi niya ay may mahalaga raw siyang sasabihin sa akin." Natutuwa niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Mommy. Bumilis ang tibok ng puso ko at mabilis kong sinakop ang distansya namin ni Miguel at marahan siyang hinila. Sinulyapan ko si Mommy.

BINABASA MO ANG
To Give In
RomanceThough quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tucked few loose strands behind her ear. He watched her pull suntan lotion from her shoulder bag and rub...