Kabanata 13
Pumasok pa kami sa umaga ni Spencer. Pareho kaming tahimik. Hindi ko masabi kung kinakabahan 'din ba siya. Pero mukhang hindi naman dahil sanay naman siya.
"Spencer," tawag ko sakaniya habang pinagmamasdan niya ang kaniyang mga papel. Kakagaling niya lang sa psych office nagpa-consult siya at ipina-check ang kaniyang papel. Ginawa ko 'rin kanina at ang dami ko pang kinakailangang gawin at baguhin sa sa'kin.
"Ana," tugon niya. Nasa akin na ang atensyon at naghihintay ang mga bughaw niyang mata sa akin.
"Tingin mo ba mananalo tayo mamaya?" Tanong ko sakaniya. Ibinaba ko ang tingin ko sa mga papel na hawak niya. Kung may kulay berdeng tinta ng ballpen 'din bang nakabilog at naka-ekis sakaniyang papel pero wala.
"Anong problema d'yan?" Tanong ko dahil malayo 'to sa aking mga papel.
"Kulang ako sa respondents. Hindi significant ang result." Sagot niya sa akin.
"Gusto mo ng pustahan?" Napaangat ako ng tingin sakaniya. Kumunot ang noo ko sa kaniyang tanong.
"Pustahan?" Nalilito kong tanong. Tumango-tango siya at umangat ang gilid ng labi.
"Kapag natalo tayo, hindi ako ga-graduate." Seryoso niyang sabi.
Ngumiwi ako sa sinasabi niya. Naiintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Alam mo? Ewan ko sayo." Umirap ako sa sinabi niya at naglakad na ako papuntang cafeteria.
Mukhang ako pa nga ang posibleng hindi agad maka-graduate.
"Oh, Bakit?" Naguguluhan niyang tanong at sinundan ako sa aking gilid.
"Napaka-imposible ng sinasabi mo." Sagot ko sakaniya.
"Exactly. Imposibleng matalo ka."
Umiling-iling nalang ako sakaniya.
Kumain kami ng lunch at umuwi siya pagkatapos, samantalang ako ay nasa faculty ng department namin at 'don ako kinakausap ng handler namin ni Spencer. Hinahayaan kami 'ron na manatili dahil kami ang representative ng department. Madami siyang sinasabi sa akin at pinaghandaan namin ang mga dapat kong gagawin sa gabing iyon. Nakaidlip pa ako 'ron at nakiligo. Doon na 'rin ako nag-toothbrush.
Hindi na ako umuwi para hindi na masyadong komplikado dahil marami akong dalang gamit. Kung nasa bahay ako ay kakabahan lang ako at hindi matatapos ang kakaisip para sa gabing ito.
Tumawag si Miguel kanina para pakalmahin ako. Paulit-ulit niyang sinasabi na kapag natapos ang contest ay mamasyal kami, ang mahalaga ay enjoyin ko raw ang magiging gabi. Gumaan ang pakiramdam ko pero pagkatapos niyang tumawag ay bumalik lang ang aking kaba. Hindi 'rin ganoon kahaba ang usapan namin dahil marami siyang meetings.
Alasingko ng dumating si Spencer sa faculty. Tinulungan niya ang aming handler sa pag-buhat ng aming mga gamit para ilipat na iyon sa backstage ng gymnasium. Nakangiti ang aming mga instructors at professors.
"Galingan ninyo, huh?" Sabi sa amin ng presidente ng department. Ngumiti kami at nagpasalamat.
Ang sabi sa amin ay alasiete magsisimula ang event kaya ng makarating kami ay halos nandon na ang mga kasama namin sa event.
Dalawang oras dumadagundong ang aking puso. Kanina pa natapos ang pagme-make up at paga-ayos sa akin ng handler. Ganoon 'din kay Spencer. Nasa tabi ko siya ngayon at pareho kaming naka-upo sa monoblocks. Ganoon din ang iba pa naming mga kapawa kontestant.
BINABASA MO ANG
To Give In
RomansThough quiet, she leaned back with her face turned toward the sun. A gentle breeze ruffled her hair, and as she did so often, she reached up and tucked few loose strands behind her ear. He watched her pull suntan lotion from her shoulder bag and rub...