"Hello Bish! San ka na?" tanong ni Jelly sa kabilang linya.
"Nag-speech na ang bagong president ng school. And you know what? Sobrang strict niya. Napaka-particular niya sa mga late na employees." Dagdag niya pa.
"Naku Bish, andito pa ako sa loob ng CR. Wrong timing kasi itong LBM ko. Ngayon pa talaga ako dinalaw." Pagmamaktol kong sagot.
"Bilisan mo na diyan, Bish."
Nagpaaalam na ako sa kabilang linya at tinapos ang ginagawa ko sa loob ng CR.
Ngayong araw na ito itu-turnover ang posisyon sa bagong president ng school. Kaya lahat ng teaching at non-teaching personnel ay nasa auditorium para sa turnover ceremony.
Ako na lang siguro ang wala doon. Pahamak kasi itong LBM ko eh. Ngayon pa dumating. And I'm very late.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Dali-dali akong tumungo sa auditorium. Habang ako ay tumatakbo, naririnig ko ang boses ng nagsasalita.
Napag-isipan kong dumaan sa likod na pintuan para naman hindi masyadong halata ang entrance ko.
"Ba't naka lock?"
Tinext ko si Jelly.
"Bish, ba't naka-lock ang pinto dito sa likod?"
"Omo Bish, sinadya talagang i-close iyan para kung merong male-late eh makikita sa harapan ang pagpasok." Reply niya.
Napamura ako sa aking isipan.
"Kailangan ba talaga yon?"
So, wala na akong choice. Tumungo ako sa main entrance ng auditorium.
Nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko ba o hindi. Attendance is a must pa naman.
Binuksan ko ng marahan ang pinto atsaka sumilip. Dahan-dahan akong pumasok at gumwa ako ng paraan para hindi ako mapansin.
"You there!"
Napahinto ako.
Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Lahat ng tingin ay nakapako sa akin.
O Lupa, lamunin mo na ako ngayundin.
"Do you know that what I hate the most in this world are latecomers?"
Hindi ako nakasagot at napayuko na lang ako dahil sa kaba at kahihiyan na aking naramdaman sa mga oras na iyon.
"Tell me. Why are you late?" tanong niya. Dinig ng lahat ng tao sa auditorium dahil naka-microphone pa rin siya.
"I-I w-was in t-the c-comf-fort r-room, Sir." Pautal kong sagot.
"All this time, you were in the comfort room? Ayaw mo bang marinig ang speech ko?"
"N-no, Sir. I had an LBM." Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin yon sa harap ng bagong president namin at sa lahat ng tao na nasa auditorium.
Halo-halong reaksyon ang nakikita ko sa mga tao. May iba na pigil na pigil ang tawa. May iba naman na awa ang tingin sa akin.
"Let me reiterate what I had just said before you came."
"I don't tolerate latecomers. Please bear that in mind. You may take your seat."
Nakahinga ako ng maluwag pero hindi pa rin nawawala ang hiya na nararamdaman ko.
Hinanap ko kung saan nakaupo si Jelly.
"Gosh! Nakakatakot naman yong bagong boss natin." Reklamo ni Jelly.
"Oo nga Bish eh! Parang gusto ko nang mag-resign." Biro ko sabay tawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/219557828-288-k122348.jpg)
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...