Author's Note:
Hello Guys. I finally got 300+ reads. Thanks to all my readers. Hope you all like and enjoy my story.
I've been busy a lot lately because of the Division checking of forms in our school. Thanks for your patience.
*****
Same dream. Same scenario. Same person.
Pero ngayon unti-unting naging malinaw ang mukha ng kasama ko. Si Kuya.
Ilang sandali pa ay mas naging maliwanag pa ang kanyang mukha.
Nakangiti ito sa akin at nakalahad ang kanyang kamay sa akin.
Hnawakan koi to ngunit bigla itong lumayo. Pilit ko siyang hinahabol ngunit hindi ko maabutan ang kanyang palad.
"Kuya."
"Kuya!"
"Kuyaaaaaaa!"
*****
Kasama ko ngayon si Jelly sa aking condo. Abala kami sa pamimili ng aming susuotin para sa event mamayang gabi. Inimbitahan namin ni Rachel na sumama sa amin mamaya sa party ng father ni Edward.
Nakapili na ako ng aking susuotin. Mahilig akong mag-customize ng mga outfits. Hindi naman ako mahilig sa fashion pero gusto ko rin naman elegant ang aking susuotin.
Si Jelly naman...
"Bish, ano ba ang mas maganda? Eto o eto?"
"Bish, saan ang mas elegante? Eto o eto?"
"Bish, alin dito ang classy? Eto o eto?"
"Bish, hindi ko alam kung anong susuotin ko. Tulong." Reklamo nito.
May pagka-indecisive kasi itong si Jelly eh.
"Bish, bakit kasi ang dami mong dalang mga damit? Parang dinala mo na ang buong closet mo." Sabi ko.
"Gusto kong ma-impress sa aking si Dave."
"Just choose whatever style that suits you." Suhestiyon ko.
"Eto oh. I think it will bring an elegant side of you."
"Talaga?"
"Ma-iimpress ko kaya si Dave?"
"Bish, just act normal. Be you." Saad ko.
"Okies."
Sa wakas, tapos na kaming maimili ng aming mga susuotin.
Naghanda na kami. Si Jelly ay abala sa paglalagay ng mga kolorete sa kanyang mukha.
Samantalang ako, nag-apply lang ng BB Cream atsaka liptint. Hinyaan ko siyang i-style ang buhok ko.
Nagbihis na kami. Long sleeve with black and gold scroll patterns ang suot ko. Naglagay ako ng black ribbon sa leeg ko at tinali ko ito sa left side. Sa bottom naman, ang suot ko ay ang black ankle pants ko na binili sa UNIQLO. I think I'm all set.
Hinihintay na lang namin sina Rachel at Oscar. Since may car si Oscar, nagpasya kami na maki-hitch.
Lumabas na kami ni Jelly nang marinig namin ang busina sa labas ng condo ko. Sumakay na kami at dumiretso na sa mansion nina Edward.
*****
Pagdating namin ay marami nang tao. We went inside at hinanap namin ang mga kasama namin.
Andito na pala sina Kim, Lea at Dave.
"Uy! Hello Jelly." Bati ni Dave na nagpakilig kay Jelly.
"Hi Dave." Bati naman ni Jelly na halatang pinipigilan ang kilig.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...