3

913 40 1
                                    

Sinundo ako ni Rachel sa condo ko. Sabay na kaming pumunta sa bar.

Dinig na dinig sa labas ang ingay ng bar. Nae-excite akong pumasok. Matagal-tagal na rin kasi nung huli akong pumasok ng bar.

Hinanap namin ang table ng mga childhood friends ni Rachel.

Habang kami'y lumilingon nahagilap ng aming mata ang grupo na nasa dulo na kumakaway sa gawi namin. Agad naming namukhaan an gang mga tropa ni Rachel kaya umupo na rin kami sa kanilang table.

Medyo pamilyar ang mga mukha ng mg aka-tropa ni Rachel. Mukhang namumkhaan din nila ako. Nagmula kasi kami sa isang probinsya. Ako lang yata ang medyo bata pa rito. Limang taon ang tanda ni Rachel sa akin. Ganundin ang kanyang mga friends.

"Guys! Kilala niyo naman siguro kung sino ang kasama ko ngayon?" bungad ni Rachel.

"Oo naman. Diba ikaw yung anak ni Tita Jessica?" tanong ni Oscar. Isa sa ka-tropa ni Rachel.

Tumango lang ako. Medyo nahihiya pa kasi ako. Kahit galing kami ng isang probinsya, hindi naman kami circle of friends. Katunayan, hindi nga ako lumalabas ng bahay. Nakikita ko lang sila tuwing kami'y nagsisimba o piyesta.

"Huwag ka ng mahiya, Chris. Magiging tropa ka na rin namin." Sabi ni Dave.

"Marunong ka na bang uminom? Baka magalit Mommy mo hah?" panunukso ni Oscar.

"Huwag kang mag-alala. Eksperto diyan si Oscar. Siya lang kasi ang lasinggero sa tropa namin eh." Sabi ni Dave sabay tawa.

"Ssssh. Guys. Huwag niyo naman tuksuhin itong pinsan ko. Baka matakot yan sa inyo, hindi nay an uulit sasama." Saway naman ni Rachel.

"Okay lang ako, Couz. Actually, umiinom na rin ako before. You know, peer pressure." Pagpapaliwanag ko.

"Yun naman pala eh. Welcome ka sa grupo namin." Saad ni Lea.

"Bakit ang tagal ng dalawang iyon?" iritang tanong ni Oscar.

Meron pa ata silang hinhintay na ka-tropa nila.

"Couz, punta muna ako sa CR sandal. Naiihi kasi ako, eh." Paalam k okay Rachel.

"Mag-ingat ka sa CR, Chris. Maraming bastos diyan baka mahipo na ka nila." Pananakot ni Oscar.

"Ssssh. Huwag mo ngang takutin si Chris." Saway ni Kim.

Alam ko gusto lang nila akong maging open para naman hindi ako mailing sa kanila. I'm trying my best din naman. Kailangan ko lang mag-adjust ng konti.

Tumungo na ako ng CR para umihi.

Pagbalik ko, parang kumpleto na sila. Umupo ako at nabigla nang makita ko ang dalawang pamilyar na mukha sa aking harapan. Nabigla rin silang pareho ngunit hindi sila nagpahalata. Ilang minuto rin akong natulala. Hindi ko in-expect na makikita ko ang dalawang ito dito. At ka-tropa pa sila ng pinsan ko.

Tila bumalik ang mga alaala ko nung ako'y bata pa. Isa ba sa kanila ang the one that got away.

The One That Got Away is finally back.

*****

Nang makilala ko ang dalawang lalaking ito ay agad na bumalik ang mga alaalang kinalimutan ko pagkatapos ng labinlimang taon.

Isa kaya sa kanila si Kuya.

Ang the one that got away?

Hindi ko na maalala ang pangalan ni Kuya. Kaya nahihirapan akong alalahanin kung sino siya. Pati ang kanyang mukha ay hindi ko rin maaninag.

Natahimik ako bigla.

"O Chris, bakit ka natahimik?" tanong ni Rachel.

"Siyanga pala, Chris. Eto si Edward, half-Korean. Siya ang pinakatahimik sa aming grupo." Pagpapakilala ni Oscar.

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon