Back to reality na naman tayo. Work. Work. Work. Ngunit hindi ako maka-focus sa aking gawain dahil sa dalawang bagay na bumabagabag sa aking isipan.
Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Bruho nung gabing iyon. Nalilito ako. It's my first time and it's not bad. I mean... the feelings still linger. I really can't explain the feeling. I mean it in a good way. I felt the warmth when our bodies met. I felt like we were lovers. But what bothers me the most is the thought na maaaring ako lang ang nakaramdam nun. Knowing Tristan, I am sure na balewala lang iyon sa kanya. Siguro nadala lang siya dahil sa kalasingan, and that saddened me.
Wait? Chris, are you sad that your feelings weren't mutual? Are you out of your mind?
Mabilis kong inalis sa isipan ko ang mga thoughts na yon.
May namumuo na ba akong feelings kay Bruho? Whatever! Ayokong umasa dahil ayokong masaktan. Chris, it's just a one night stand.
Isa pang nagpapagulo ng utak ko ay si Edward. Yes, I'm glad na saw akas nakita ko na si Kuya o si Edward. What shook me the most was his confession to me. After hearing his confession, wala akong na-feel. Matagal ko ng kinalimutan ang feelings ko kay Kuya. At kahit na umamin siya sa akin na gusto niya ako ay wala akong naramdaman. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoong nararamdaman ko?
Huwag na kaya muna. Give him a chance. Malay mo bumalik yung feelings mo sa kanya after all those years.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Nagising ang diwa ko nang tumunog ang bell na hudyt ng lunch break.
"Huuy! Bish. Problema mo?" napadaan si Jelly sa aking room at napansin niya na medyo tulala ako.
"Uy Bish. Sorry, may iniisip lang. Sabay na tayong bumaba."
"Peso for your thoughts?" tanong nito.
"Wala 'to."
"By the way, sabay kaming kakain ni Rachel. I figured na you're eating with Boss kasi." Sabi nito.
"Well, kakatext nga lang niya kanina na magpapa-order ulit siya ng lunch." Sabi ko.
"Mabuti naman at hindi mo naisipang isabotahe ulti siya."
Umirap ako.
"It's all epic. Epic fail lahat ang ginawa kong pananabotahe sa kanya kaya sumuko na lang ako." Inis kong sabi.
Dumating na kami sa faculty at nakita naming naghihintay si Rachel.
"Hi Couz." Bati ko.
Tumango lang ito.
"So, sabay naman kayong kakain ni Tristan?" tanong nito.
"Unfortunately." Walang ganang sagot ko.
"Well, hindi na kami magtataka kung magiging kayo sa huli." Panunukso nito.
Nagulat ako sa sa kanyang sinabi.
"#ChrisTan" si Jelly.
"Mga baliw. Alis na ako. Bye." Nagpaalam na ako sa kanila.
"Uy teka, may bagong bukas na coffee shop sa kabilang block. Gusto kong subukan, libre ko kayo." Pag-aaya ko.
"Oh? Anong meron?" si Jelly.
"Wala naman. Gusto ko lang kayong i-treat."
"If I know..." si Rachel.
"Bakit? Ayaw niyo? Osige ako..."
"We're in." sabay nilang sabi.
Umalis na ako at tumungo na sa office ni Sir Tristan.
Tahimik kaming kumakain ni Sir Tristan. Sinusulyapan ko siya ng palihim ngunit nahuli niya ako. Ngumiti ito.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...