"What are you waiting for? Sakay na." utos ni Edward nang mapansing hindi pa ako nakakasakay.
Sumunod naman ako at sumakay na.
Naunang niyang hinatid sina Jelly at Rachel. Hindi ko alam kung nagkataon lang o sinadya niyang ako ang huli niyang ihahatid.
"May problema ba?" biglang tanong niya sa akin.
"Hah?" hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Wala naman." Tipid kong sagot.
"Bakit feeling ko meron?"
Tumahimik lang ako.
"Want to talk?" suhestiyon nito.
Ngumiti lang ako nang pilit.
"Diba sabi ko sayo dati na if you need a shoulder to cry and to lean on andito lang ako?" naalala ko ngang sinabi niya iyon.
"Handa akong makinig sa mga drama mo?" is that an insult? Pero natawa lang ako ng konti sa tinuran niya.
"Haaay! Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa akin. Hindi ko na alam kung tama ba ang pinanggagawa ko." Panimula ko.
"May karapatanan naman akong magselos diba? I mean boyfriend ko siya. Pero parang feeling ko mas bagay sila. And I think they look like a perfect couple." Dugtong ko.
"You mean Tristan and Mel?"
Hindi ko alam kung nasabihan ko si Edward tungkol sa relasyon namin ni Tristan o nakalimutan ko lang. Pero feeling ko matagal niya ng alam kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong i-share sa kanya lahat ng hinanakit ko. May pinagsamahan din naman kami ni Edward. Napagbahaginan ko na siya ng mga drama ko sa buhay noon, ganun din siya. Kaya medyo magaan ang loob kong ibahagi sa kanya ang mga bumabagabag sa aking isipan ngayon.
Tumango ako.
"Feel ko kasi wala akong laban kay Melissa. You know, pareho kaming lalaki and it shouldn't happen. Nagkalat sa school ang tungkol sa relasyon namin kaya gumawa ako ng paraan para itama yon." Paliwanag ko.
"Pinalabas naming girlfriend ni Tristan si Melissa. Simula nun, bigla kong naisip na our relationship should't have happened." Patuloy ko.
Bigla niyang hininto ang kotse kahit hindi pa kami nakakarating sa aming patutunguhan.
Tuminging ako sa kanya at ganun din siya.
"Alam kung you feel insecure beacause of Mel. Pero why don't you talk it out with Tristan?" suhestiyon nito.
"We did talk and I trust him. I think ako ang may problema."
"What do you mean?" tanong nito.
"Feeling ko, I need to give way para sa kanilang dalawa." Masakit man pero yun yung sa tingin kong tama.
"What? You're compromising your love life para maibalik yung pagmamahalan nila? Are you out of your mind?" medyo tumaas ang tono ng kanyang boses sa huling sinabi niya.
"Ihatid mo na ako sa condo ko, Edward. Gusto ko nang magpahinga."
Naguguluhan man o tumalima na lang sa Edward sa aking sinabi.
Nang dumating na kami'y, kaagad akong bumaba t naglakad papasok sa condo.
Lumingon ako sandali.
"Salamat sa pakikinig sa mga drama ko Edward. Good night." Sabi ko at binigyan ng pilit na ngiti.
Timalikod na ako at diretsong pumasok sa loob.
Nahiga ako sa aking kama. Hindi ko na naisipang maligo dahil sa pagod. Marami ring bumabagabag sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
Storie d'amoreHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...