19

546 28 2
                                    

Nakarating na kami sa aming destinasyon. Pero simula pa lang pala ito. Mahaba-haba pa ang aming lalakarin at aakyatin.

"Couz, hindi ko alam na camping slash hiking pala pinunta natin dito."

"Yup. Akala ko pagdating natin eh aayusin lang ang mga tent at magpapahinga na." reklamo ni Jelly.

"Aakyat pa pala tayo sa mataas na bundok na ito." Dagdag pa nito.

Tumawa lang si Rachel.

Umakyat na kami ng bundok. Nag-hire kami ng tour guide baka kasi maligaw kami at maging headline ng news.

Hindi pa kami nakakalahati ay nakaramdam na ako ng pagod. Napansin siguro ito ni Bruho at bigla na lang akong itinulak paakyat para suportahan ang aking likod.

"Okay lang ako."

"Nope. It doesn't seem so. Hayaan mo na. Mas malaka ang resistensya ko kaysa sayo." Paninigurado ni Tristan.

Napansin kong may pagseselos sa mukha ni Edward. Hinayaan ko na lang. Mabuti na rin ito para hindi na siya umasa.

"Os, itulak mo nga rin ako paakyat. Nakakainggit kasi ang dalawang ito." Panunukso ni Lea.

"Ayoko nga. Ang bigat-bigat mo eh." Sabi naman ni Oscar.

Tumawa kaming lahat kahit ramdam na ramdam ang pagod.

Napansin din naming ginaya nina Dave at Jelly ang ginawa namin ni Bruho. Kaya sila na ngayon ang tinutukso.

"Meron pala tayong love birds dito eh." Si Kim.

"Kayo na no?" tanong nito.

"Malapit na." sagot naman ni Dave na ikinakilig naming lahat.

Pinalo ni Jelly ang braso ni Dave ngunit alam naming kinikilig din siya.

"Ikaw Jelly hah? Hindi mo sinasabi sa amin na getting stronger kayo ni Dave diba, Couz." Sabi ni Rachel.

"Oo nga Bish. May inililihim ka pala sa amin hah."

Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad. Hindi na gaanong mainit kasi alas 4 na.

"Mga Maam at Sir, nakakalahati na tayo. Maaari muna kayong magpahinga dito." Sabi ng tour guide na ikinatuwa namin.

"Oh." Sabi ni Edward at inilahad ang tubig pagkatapos ay umupo sa tabi ko.

Tinanggap ko naman ito.

"Napagod ka ba?" tanong nito.

"Oo naman. Ang haba kaya ng nilakad natin tapos paakyat pa." sagot ko naman.

"Gusto mong ako naman ang tutulak sayo mamaya?" suhestiyon niyo.

"Huwag na. Kaya ko na sigurong mag-isa. Sabagay, nakakalahati na tayo. Titiisin ko na lang." pagtanggi ko. Ayaw ko na siyang bigyan pa ng pag-asa.

Natahimik naman siya.

"Oh." Nasa harap ko na pala si Bruho at binigyan ako ng burger pagkatapos ay naupo sa tabi ko.

Ngayon ay napagitnaan ako ng dalawang mokong na ito.

"Haba ng hair, nag-rejoice ka ba, Ghorl?" narinig naming kanta ni Jelly. Ayan naman, tutuksuhin na naman kami nito.

"May na namumuong love triangle ba dito?" si Oscar.

"Sino kaya sa dalawang ito ang makakabihag ng puso ni Chris?" sabi ni Lea sabay turo sa dalawang katabi ko.

"Guys, it's not what you think." Gusto kong alisin sa kanila ang ganoong kaisipan. Baka kasi kapag malaman nilang may gusto ang dalawang ito sa akin ay masisira ang relationship ko sa kanila.

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon