Hello Guys. I'm so sorry at natagalan ako sa pag-update. Hinihintay ko kasi na umabot ng 200 reads itong book ko. But I realized, that you may have really waited for my update, so eto na. Pasensya na ulit.
Please give this chapter a star. Thankies.
*****
Dapit-hapon na nang matapos ang activities namin. Nagsibalikan kami sa kanya-kanya naming mga kwarto upang makapagpahinga. May activity din kasi kami mamaya. Magkakaroon kami ng Socialization Night. Expected na may mag-iinuman, kantahan at siyempre kainan.
Hindi pa bumabalik sa kwarto si Bruho. Nagpagpasyahan kong umidlip muna upang makaipon ng energy para mamaya.
Naalimpungatan ako sa ingay na nanggaling sa banyo. Mukhang naliligo ata si Bruho. Bumangon na ako at naghanda na para maligo.
Lumabas siya ng banyo na nakatapis. Pilit kong iniwas ang aking tingin sa kanyang katawan at dumiretso na ako sa banyo. Nagtagumpay naman ako at naka-resist ako sa mala-modelo niyang katawan.
Paglabas ko ng banyo ay nakaupo sa kama si Sir Tristan.
"Sabay na tayong pumunta sa restaurant." Sabi nito.
Tatanggi sana ako pero naisip kong wala namang masama kung sasabay kami.
Tango lang ang naging sagot ko sa kanya.
Una siyang lumabas ng kwarto habang ako'y nakabuntot sa kanya.
"Bish, dito tayo." Tawag ni Jelly habang kumakaway.
Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay umupo na kami. Sumunod namang umupo si Bonnie kahit hindi namin siya inimbitahan.
Tahimik kaming kumakain. Siguro dahil sa pagod at gutom.
"Sir Tristan, may inuman ba mamaya?" biglang tanong ni Bonnie.
"Well, you may and you may not. Libre naman lahat eh." Sagot ni Sir Tristan.
Nagtinginan naman kaming tatlo nina Rachel at Jelly.
"Pero diba bawal uminom ang mga teachers?" reklamo ni Bonnie.
Feeling naman nitong si Bonnie. Pabebe talaga.
"Look, Teacher Bonnie, kung ayaw mong uminom, edi huwag. Hayaan mo yung ibang uminom." Saad ko.
"And, wala naman tayo sa school ah. Tsaka hindi naman tayo magtuturo bukas." Dagdag ni Jelly.
"OA ka lang talaga. Parang hindi ka naman naka-try uminom ng alak." Si Jelly.
"Okay lang namang uminom basta oustside of the school premises tsaka hindi naman natin dinudumihan ang reputasyon ng school natin." Paliwanag naman ni Sir Tristan.
"Fine." Ang tanging sagot ni Bonnie.
*****
Nagsimula na ang Socialization Night. Kantahan dito, kantahan doon. Inuman dito, inuman doon.
Kasama ko sa table sina Jelly at Rachel. Kami lang kasi magkaibigan dito eh. Though we're in good terms naman sa mga kasamahan namin, pero casual lang.
"Bakit hindi kayo magkasabay na bumaba ni Tristan?" si Rachel.
"Nauna siyang umalis Couz eh. Akala ko nga nandito na siya." Sagot ko naman.
"Baka may pinuntahan lang." ani Jelly.
Kahit kaming tatlo lang ay enjoy na enjoy kaming nag-iiuman. Si Bonnie naman sa kabilang table ay panay ang inom at parang tipsy na. So ironic.
Medyo tipsy na rin ako at si Jelly. Mataas ata ang alcohol tolerance ni Rachel.
"Bish, don't worry. Ipapakilala ng pormal kay Dave next time." Sabi ko kay Jelly. Medyo may tama na ako.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...