24

452 24 3
                                    

Author's Note:

Sorry guys kung natagalan.

*****

Instant horror story...

MONDAY.

Akala ko hindi na darating ang araw na ito. Nagkakamali pala ako. Mabilis akong napalikwas ng bangon nang napagtanto kong resumption of class na pala ngayon.

Mabuti na lang at maaga akong naggising kaya mahaba pa ang oras na aking papatayin.

Nagluto ako ng aking agahan. Pagkatapos ay naligo na. Kumain ako at nagsipilyo at ginawa ang aking morning routines like applying facial essentials. Hindi ko rin makakalimutan ang maglagay ng sunscreen para iwas skin damages. And... I'm all set. Umalis na ako ng bahay.

*****

Marami-rami na rin ang tao sa school. Alas siyete na kasi.

"Good morning Sir." Bati ng mga nakakasalubong kong estudyante. Elementary man o high school.

"Good morning, Teach." Binabati rin ako ng mga kasamahan ko sa trabaho.

Siyempre bumati rin ako sa kanila.

Dumiretso na ako sa faculty para ihanda ang mga ituturo ko mamaya. Pagdating ko sa faculty ay wala pa si Jelly. Hindi ko rin alam kung dumating na si Rachel. Hiwalay kasi ang faculty office ng high school department.

Minabuti kong mag-send ng message sa aming GC.

Me: Good morning. School na ako. You?

Rachel; Me, too.

Me: Saan kana Bish?

Matagal kong hinintay ang reply ni Jelly ngunit wala akong natanggap galing sa kanya. Kaya naisipan kong tawagan siya.

Medyo matagal akong naghintay bago siya sumagot.

"Hello Bish. San ka na?"

"Naku Bish! Natagalan ako ng gising. Naliligo pa ako."

"Bilisan mo na. Malapit ka ng ma-late."

"Okies. Tapusin ko muna ang pagliligo ko. Byers."

At ibinaba na nito ang kabilang linya.

Haaay! First time atang ma-late ngayon ni Jelly. Siguro magdamag silang nag-usap ni Dave. Perks of being in love.

Eh ikaw?

Ako?

Ewan ko nga. Hindi man lang nag-good night si Tristan sa akin kagabi. Hindi ko siya papansinin ngayon. Bahala siya sa buhay niya.

Papalabas ako ng faculty office nang makatanggap ako ng text galing kay Jelly. On the way na raw siya.

Tumungo na ako sa aking classroom. Sa di kalayuan, may nakita ko si Tristan na tila may mga taong nililibot sa school. Bisita ata ang mga ito.

Papalapit sila sa aking gawi. Nang malapit na sila sa akin ay binati ko sila. Hindi nga ako nagkakamali. Mga bisita nga ito mula sa isang accrediatation center.

Tumingin si Tristan sa akin at ngumiti. Ngunit hindi ko ito pinansin. Nilagpasan ko lang siya. Napansin kong medyo nalito sa ikinilos ko. Dumiretso na ako patungong classroom nang hindi lumilingon sa kanilang direksyon.

"Good morning class."

*****

Lunch time na. Hindi pa rin ako nakakatanggap ng text mula sa bruhong iyon.

"Tsss. Wala na ba siyang planong itext ako?"

"Maghihintay ako hanggang mamayang hapon. Kapag hindi pa siya nag-text, susugurin ko talaga siya sa kanyang opisina." Pagbabanta ko.

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon