"S-sasama b-ba ak-ko?" nagdadalawang-isip kong tanong na tila hindi sigurado kong may maitutulong ba ako sa kanila.
"Nagbibiro ka ba?" pigil tawang tanong ni Oscar.
Napasinghap si Bruho.
"Ni hindi mo nga kayang humiwa ng karner magbuhat pa kaya ng kahoy?" pinapaalala na naman ni Bruho ang nangyari nung kumain kami sa restaurant.
Namula dahil sa kahihiyan.
"Eh sabi niyo lahat ng boys eh."
"You're an exception." Sabi ni Oscar.
"No offense meant. I meant it in a good way." Dagdag pa nito.
"Kaya diyan ka lang at mag-relax ka." Sabi ni Bruho.
Lumapit si Edward at ginulo ang aking buhok.
"Magpahinga ka na lang dito, Chris. Kami na ang bahala." Pagsisigurado ni Edward.
Nakita ni Tristan ang ginawa ni Edward at bigla niya itong hinila palayo sa akin. Umalis na sila para maghanap ng mga kahoy na gagamitin sa bonfire mamaya.
*****
Nagsimula nang lumiwanag dulot ng bonfire na ginawa ng mga boys, except me. We sit around the fire.
Katabi ko sa aking kanan ay si Rachel. Katabi naman ni Rachel si Tristan, sa kanan ni Tristan ay si Kim, sunod naman ay si Oscar tapos si Lea na katabi naman ni Edward na katabo ni Dave. Katabi ni Dave ay si Jelly na siyang nasa kaliwa ko.
"Okay. So let's start this night with fun games. Sinong may suggestion na game?" tanong ni Oscar na parang organizer ng activity namin ngayon.
Actually may naiisip akong unique games na suitable sa ginagawa namin ngayon. Pero siyempre hihintayin ko muna silang mag-suggest bago ako.
"Chris, you suggest." Nagulat ako nang banggitin ni Oscar ang aking pangalan habang nakaturo ang kanyang kamay sa akin.
"Well, are you familiar with 'Two Truths and a Lie'?
"Paano yan laruin?" tanong ni Lea.
"Ganito yan, lahat sa atin ay magbabahagi ng mga experiences or facts about sa life natin. Here's the catch, two of the things are true pero may nag-iisang lie. Huhulaan ng bawat isa kung alin doon ang lie. Kung magkakamali, lalagyan ng uling mukha. Kung mahuhulaan naman ang nagse-share ang lalagyan ng uling sa mukha. Mailalabas dito ang pagiging creative natin." Paliwanag ko.
"Wow, I think it would be fun." Sang-ayon ni Kim.
"Let's play."
"Are you game?" tanong ko.
At nagsimula na kami. Siyempre dahil ako ang nag-suggest, ako ang mauuna.
"Okay. Lumaki ako sa isang island. Takot ako sa ipis. Nakagat na ako ng ahas."
Unang tumaas ng kamay si Oscar.
"Chicken. Hindi ka lumaki sa isang island." Confident nitong sabi.
Umiling ako. Ibig sabihin mali si Oscar. Tumayo ako at nilagyang ko ng uling ni Oscar.
"Wait Bish. Lumaki ka sa isang island?" takang tanong ni Jelly. Napansin ko ring nagtataka ang ibang mga kasamahan namin.
"Duh! Diba ang rehiyon natin ay napapalibutan ng dagat. And Philippines is made up of islands, diba?" paliwanag ko na ikinatawa nila.
"You're so hilarious." Puna ni Tristan.
"Woah! Teacher ka nga talaga." Sabi ni Oscar habang pumapalakpak.
![](https://img.wattpad.com/cover/219557828-288-k122348.jpg)
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
Storie d'amoreHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...