"Ms. Hyde, sa tingin ko pwede na pong huminto si Michael sa tutoring sessions namin?"
Kumakain kami ngayon ng dinner. At sa tingin ko, ito na ang tamang panahon na sabihinito sa kanila.
Hindi ito dahil kay Edward. Hindi rin dahil iniiwasan ko siya.
Talagang magaling na si Michael. Hindi naman pwedeng habang buhay siyang merong tutoring sessions. May mga ibang bagay pa siyang pwedeng gawin. Naaawa rin ako sa kanya dahil araw-araw siyang may varsity training.
He needs rest and he deserves it.
"Well, nakikita ko naman ang progress nitong si Michael." Ani Ms. Hyde.
"And it is overwhelming. It's all thanks to you Teacher Chris. Maraming maraming salamat." Pagpupuri ni Ms. Hyde.
Masaya naman ako at satisfied sila sa service na aking binigay. Napalapit na rin ako sa kanilang family.
"Hindi ka na pupunta dito sa house namin Teach?" malungkot na tanong ni Stephany.
Hinaplos ko ang kanyang buhok.
"Magkikita pa naman tayo everyday sa school, diba?" sagot ko.
"You're always welcome dito sa bahay namin, Teeach." Saad ni Ms. Hyde.
Tumango naman ako at ngumiti. Ito na ang huling hapunan na pagsasaluhan namin ng pamilya Cha.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako.
Hinihintay na ako ni Edward sa sasakyan. Pagkasakay ko ng sasakyan ay umalis na kami.
"Sana hindi ako ang dahilan ng pag-resign mo."
Tumingin ako sa kanyang gawi. Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Of course not. Maliban sa gumaling na si Michael, eh kailangan niya ng pahinga. Deserve niya iyon." Paliwanag ko.
"Akala ko kasi iniiwasan mo ako because of what happened." Saad nito.
"Diba sabi ko naman sa'yo, we're still friends. Hindi yon magbabago."
"I don't wanna be just friends. I wanna be more than friends."
Lumingon ako sa kanyang gawi bago tumingin sa harapan.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayaw ko naman siyang paasahin pero ayaw ko rin siyang masaktan.
Tahimik lang kami buong biyahe. Walang kibuan. Bumalik lang ako sa katinuan nang huminto ang sasakyan. Dumating na pala kami.
"Salamat." Bumaba na ako.
Hindi niya ako sinagot at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Na-guilty ako dahil hindi ko magawang sabihin sa kanya kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Hindi ko alam kung paanong sabihin na hindi ko kayang suklian ang feelings niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing may mahal na akong iba.
*****
Isang linggo na lang at Christmas break na. Abalang-abala ang bawat guro at mga estudyante sa paglalagay ng palamuti sa bawat classroom.
At dahil mga maliliit na bata ang aking mga mag-aaral ay ako lang mag-isa ang gumagawa.
"I feel you Bishy."
Hindi ko namalayang nasa room ko na pala si Jelly.
"My Gad Bish. Pagod na ako. I'm so haggard na." reklamo ko sa kanya.
Since pareho kaming nagha-handle ng lower grade pareho rin kaming solo sa paged-decorate ng classroom namin.
Paligsahan kasi ito. Kung wala lang itong premyo hindi ako ganito ka –haggard ngayon. Sayang din naman ang premoyong matatanggap kung hindi ko pagbubutihin itong ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...