Hindi ako makatulog kagabi kaya natagalan akong gumising ngayong umaga. Bumabagabag pa rin sa aking isipan ang nangyari kagabi.
#ChrisTan Group Chat
Me: Guys, starbucks tayo. My treat.
Jelly: Lezgo.
Rachel: Tara!
SO naghanda na ako para sa lakad namin mamaya. I need someone to talk to. Kaya inaya ko silang lumabas. Kailangan ko ng taong mababahaginan ko ng mga gumugulo sa aking isipan.
*****
"Hi Couz, hindi pa dumating si Jelly?" bati ko kay Rachel na naunang dumating.
"Hindi pa Couz. Baka naligo pa yun." Tumawa kami pareho.
Habang hinihintay namin si Jelly ay napagpasyahan naming um-order muna.
"Hello po. You're usual, Sir?"
Nabigla ako sa tinuran ng baristang nasa counter. I've been in this brach for like 2-3 times. Paano niya nalaman ang usual order ko? Eh hindi nga pamilyar ang mukha niya.
Napnsin ata niya na nabigla ako.
"Ah! Ako po palagi yung kumukuha yung order niyo. Hindi niyo po ba ako naalala?" tanong nito.
"Oh, sorry. Hindi kita napapansin." Tumawa ako nang bahagya.
"Hindi ako madalas dito, pero paano mo ako naaalala?" tanong ko.
Medyo nabigla siya sa aking tanong.
"Ah... nakaka-agaw ka kasi ng pansin Sir."
Gosh. Anong meron sa lalaking ito? Pero in fairness gwapo siya.
Kinurot ako ni Rachel sa aking tagiliran.
"One tall caramel machiatto, right Sir?" alam niya nga ang usual kong order.
Pagkatapos niyang ibigay ang aking sukli ay umalis na ako kaagad. Hindi ako kumportable sa mga ganoong sitwasyon kaya umiwas na lang ako.
"Couz, ang haba naman ng hair mo." Panunukso ni Rachel.
"Well, ganyan talaga pag maganda." Biro ko rin naman.
Nakita naming papasok si Jelly kaya kinawayan namin siya. Dumiretso siya sa counter para um-order.
"One caramel machiatto for Cute Chris..."
Mabilis akong tumungo para kunin ang aming orders. Medyo nahiya ako dahil pangalang itinawag sa akin. Pero okay lang, wala namang masyadong nakakakilala sa akin dito.
"Grabe Bish hah? Feel na feel mo talaga ang pagka-cute mo?"
"Bish, ni hindi nga niya ako tinanong kung name ang isusulat niya sa cup eh."
Cute Chris <3.
Yan ang nakasulat sa cup ko.
"Oo nga Couz, paano niya nalaman name mo?"
Tumingin ako sa gawi ng baristang iyon. Tumingin rin siya at nginitian ako.
"Omo!" si Jelly.
Nagulat kaming pareho ni Rachel sa tinuran ni Jelly.
"Ginulat mo naman kami Jell." Si Rachel.
"Guys, I'm so sorry. I committed a mortal sin." Saad ni Jelly.
"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko kay Jelly.
"Actually Bish, nung pumunta tayo rito last time, tinanong ako nung baristang iyon kung ano raw pangalan mo kapalit ng libreng sticker para sa coupon ko." Paliwanag ni Jelly.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)
RomanceHindi magkadugo pero higit pa sa kaibigan ang turingan nina Christian at ang tinuturing niyang Kuya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay kailangan nilang magpaalam sa isa't isa. Masakit man, ngunit walang magawa si Christian kundi tanggapin ito. Nang...