6

719 44 1
                                    

"Gosh! Si bruho ang kapartner ko."

Nag-smirk siya, which is what I hate the most.

"Ang tagal-tagal mo? Nailabas mo na ba lahat?" panunukso niya sabay tawa.

Inirapan ko lang siya. Hindi naman pwedeng marinig ng ibang empleyado na sinasagot ko ang boss namin.

"Galingan mo. Ayokong matalo." Saad niya.

"Kung matatalo tayo rito, patay ka sa akin." Banta niya.

"Huh! Gagalingan ko. Sana galingan mo rin. Ayoko ring magpatalo." Sagot ko naman.

Ang mekaniks ng game ay ganito: ililipat ang mga mansanas mula sa isang lalagyan papunta sa ibang lalagyan. Mukha ang gagamitin.

"Gosh! Oily pa naman ng skin ko."

"Time out muna." Bigla kong sigaw.

Humingi ako ng pulbos kay Rachel. Tinawanan naman ako ng mga kasamahan ko.

"The game starts in 3... 2... 1."

Nagsimula na ang laro. So far, lumalamang kami. Pinapawisan kaming pareho.

Ngunit di kami nagpapatinag. Nagpatuloy pa rin kami.

Dahil sa pawis namin ay dumudulas ang mga mansanas. Bumalik kami sa starting line. On our next attempt, nahulog pa rin.

Na-pressure na ang bruhong ito. Pati ako na-pressure na rin. Medyo galit na siya.

"Ayusin mo!" sabi niya.

"Inaayos ko naman, ah." Sabi ko naman.

"Kasalanan ko ba kung oily yung skin ko?" dagdag ko.

"Eh oily nga rin yung mukha mo." Mahina kong sambit sa sarili ko.

"Anong sabi mo?" narinig niya pala.

On our final attempt isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari.

Akmang mahuhulog ang mansanas ngunit napigilan ito ni Bruho. Na distort ang mukha namin. Magkadikit na ang magkabilang mukha namin.

Dumulas ulit. Habang pinipigilan ni Bruho na mahulog ang mansanas ay mas nagkadikit pa ang mukha namin. Nakaharap na ang mukha niya sa akin.

Nagulat ako ng may isang malambot na bagay ang dumikit sa aking labi. It's his lips. What's happening? Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo.

Natauhan kaming dalawa nang marinig namin ang ingay na ginawa ng nahulog na mansanas.

Nagsisigawan ang mga tao dahil sa palabas na kanilang nakita.

Titig na titig pa rin si Bruho sa akin at bakas sa kanyang mukha ang pagkalito.

Ako rin ay litong-lito rin. Tila parang may lumilipad na paro-paro sa aking tiyan. Dahilan upang ako'y mautot.

Narinig ito ni Bruho at ang pagkalito ng kanyang mukha ay napalitan ng tawa. Tumawa siya nang malakas na nagpagising sa aking diwa.

Bumalik ulit ang LBM ko pagkatapos ng halik na yon.

Tumakbo ng mabilis papunta sa CR na ikinabigla ng karamiha.

Malakas pa rin ang tawa ni Bruho.

Tinext ko sina Rachel at Jelly na nasa CR ako.

"Inidoro, i-flush mo na rin ako. Ayoko ko na sa earth."

*****

Thanks God it's weekend.

Wala akong intensyong gumala ngayon. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay magpahinga buong araw.

The One That Got Away Is Back (Completed, BL, m2m, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon